Kabanata 18

2.7K 67 2
                                    

Kabanata 18

I wake up early. A brand new day for my new life. Graduate na ako kaya hihintayin ko nalang yung diploma ko at mga school forms ko and then 'tsaka ako mag-a-aply ng trabaho.

My phone beep. I immediately check it. A text from my boyfriend.

Hi, love. Date tayo? I miss you already :'(

Napangiti ako sa text niya. Kinikilig ako pero hindi ko talaga siya mahal. I just like him. Ilang beses ko na nga bang sinabi iyon.

I type a reply to his message. A smile was formed into my lips while typing.

Sure! See you later, mon chemin!

Nag-ayos na ako bago ako bumaba. Lumabas ako sa garden namin. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin.

Umupo ako sa bench na si papa mismo ang gumawa niyon. Ang kwento pa noon ni mama sa amin, noong nagsisimula palang bumuo ng pamilya sila ay si papa ang mga kumukumpuni ng ibang mga kagamitan sa dating bahay namin noon.

“Ate?” Napalingon ako sa kapatid ko.

Sinenyasan ko siyang maupo sa tabi ko. “Why?”

Umupo muna siya bago siya nagsalita, “Wala lang, ate. Gusto ko lang maglambing. Simula kasi nang tumuntong ka sa kolehiyo ay hindi na tayo masyadong nakakapag bonding eh. Busy ka, busy rin ako.”

Sobrang close talaga naming magkapatid. Bata pa lang ay palagi na kaming magkasama. Noong baby siya ay ako ang nag-aalaga sa kaniya dahil wala pa kaming kasambahay noon. Tanging kaming apat lamang ang nakatira sa dating bahay bago kami lumipat dito sa Digos. Naging kasambahay lang namin si ate Minda noong ma-aksidente ako.

He's my brother and my bestfriend. Niyakap ko ang kapatid ko. Mahigpit na akap.

Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Siya ang nag-iisang kapatid ko, eh.

“Gusto mo bang lumabas? Tara labas tayo,” pag-aaya ko sa kaniya.

Nagningning naman ang mga mata ng kapatid ko. Tumango tango siya. Pinanggigilan ko ang pisngi niya. Ang lambot kasi eh.

“Aray naman, ate!” Angal naman niya.

“Cheska, Franzen, pumasok na kayo at kakain na!” Sigaw ni mama. Nasa may pintuan siya.

Ginulo ko ang buhok ng kapatid ko atsaka tumayo na. Sumunod naman si Franzen sa akin. Kinukulit ako nito habang nasa hapag na kami at kumakain. Papa's not around. Maybe, he went early to the firm where he works.

“Oh! May mga pera ba kayo? Gagala kayo pero wala ata kayong mga pera,” pagsabat naman ni mama nang marinig siguro ang pinag-uusapan naming magkapatid.

Kakamot kamot naman ako sa aking ulo 'tsaka yumakap kay mama. I even did the puppy eyes kind of cuteness. “Hehe, penge pera, ma.” Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kaniyang harapan.

Binatukan tuloy ako ni mama pero bumunot naman siya ng pera tapos wala pa ring katapusang sermon. Nagpaalam na agad kami ni Franzen para hindi na humaba pa ang sermon ni mama na baka maging pari na siya sa susunod, kakasermon niya. Tapos na rin naman kaming kumain kaya tumakbo na ako patungo sa kuwarto ko. Gayundin ang ginawa ni Franzen.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now