Kabanata 15

2.9K 74 7
                                    

Kabanata 15

Ramdam ko ang sayang nadarama ni Calcifer habang sinisipat ko ang kaniyang mukha. Nakita ko rin na parang kontento siya. Sinusundan ko ang bawat kilos nito habang kumakain.

Nakakagaan pala sa pakiramdam na makita siyang tila aabot na sa langit ang kasiyahan.

Mas lalo siyang gumwapo ngayon dahil sa mga ngiti nito. Those smile suits him.

Nang matapos kaming kumain ay itinaas niya ang kamay para siguro senyasan ang waitress. Lumapit naman sa kaniya kaagad ang waitress.

“The bill, please.” Tumango sa kaniya ang waitress at iniwan kami roon.

Nang marinig kong magbabayad na siya ay kaagad akong naghalungkat sa sling bag ko para hanapin ang purse ko.

I took some cash on my purse. Iniabot ko iyon sa kaniya pero umiling lang siya sa akin.

“Its my treat, love. Hindi naman tayo kaniya-kaniyang bayad. Ako ang nag-aya sa iyong makipag date kaya hindi mo obligasyong magbigay sa akin. Just let me, please,” saad nito at pinapungay ang mga mata. Ngumuso rin ito.

Wala na akong nagawa kung hindi magpaubaya. Ibinalik ko ang purse sa sling bag ko.

Bumalik ang waitress at inilahad nito kay Calcifer ang bill. Kaagad namang kumuha ng lilibuhin si Calcifer at inilagay na iyon doon.

Umalis nang muli ang waitress.

“Let's go?”

Tumango ako at akmang tatayo na ng mas mabilis pa sa kidlat na tumayo ito sa kinauupuan. Inalalayan niya akong makatayo.

“Thank you,” mahinang wika ko. Ngiti lang ang isinukli niya sa akin.

Papalabas ng restaurant, ang kanang kamay ni Calcifer ay nakahawak na sa bewang ko habang kaliwa naman ay nasa balikat ko.

“Kalma, Cal! Hindi naman ako matatapilok dahil hindi ako naka heels. Flat shoes ito, okay!” natatawang sabi ko sa kaniya.

Kahit sinabi ko iyon ay hindi nagpatinang si Calcifer dahil tinawanan lang nito ang sinabi ko. Napailing na lang ako sa kaniya.

As we reached his car, he click his key to open it. Muli niya akong inalalayan sa pagpasok ko sa loob.

He's really a gentleman. A kind of man whose too good to be true. Minsan kasi may mga lalaking sa una lang magaling. Na ginagawa lang nila ang mga bagay na ginagawa nila para makuha ang loob ng isang babae. At kapag nakuha na nila iyon at napasakamay na nila ang isang babae. Magbabago sila. Ipapakita nila ang totoong ugali nilang mapanakit at mala-demonyong ugali.

But in Calcifer's case, I know that he's a good man. I can feel it. I know that the woman his spending his life with is in good hands.

“Hey! You okay?” Nanumbalik sa kasalukuyan ang isip ko ng marinig kong magsalita si Calcifer. Lumalim pala bigla ang naiisip ko kaya hindi ko namalayan na umaandar na ang sasakyan.

“Uh, yeah! Okay lang ako. Uuwi na tayo?”

Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas na tanong sa bibig ko. Tila ba nalungkot ang puso ko sa kaalamang uuwi na kami. Sinipat ko ang relong nasa bisig ko. Alas diyes pa lang ng gabi.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now