Kabanata 22

3K 61 1
                                    

Kabanata 22

Ang kapatid ko ang siyang nasilayan ko sa pagpasok sa loob ng aming bahay. Bungad kasi ang salas namin. Iyon ang unang makikita pagpasok sa loob. Nakaupo ito sa pang-isahang upuan. May hawak itong libro pero nang marinig niya siguro ang pagbukas ng pintuan ay hinintay nitong pumasok ang taong papasok.

“How's your date, ate?” bungad niyang tanong sa akin. Ngunit ibinalik nito ang atensiyon sa librong binabasa.

Sila mama at papa naman ay sabay na lumabas sa pintuan kung nasaan ang kusina namin. Naka-akbay ang braso ni papa sa leeg ni mama.

“Cheska, anak. Nandito ka na pala. How's your date with Cal?” Tanong din ni mama sa akin. Umupo sila mama sa mahabang upuan. Nakatalikod na sila sa akin. Umupo rin ako sa pang-isahang upuan kung saan ay kaharap ko ang kapatid.

“It was fun, fam. We went to his ancestral house. We enjoy each other's company. Sorry, ma. Nakalimutan kong itext ka,” sagot ko naman. Nangingislap ang mga mata habang sinasabi ang mga iyon.

Siyempre hindi ko sasabihin sa kanila na naisuko ko na ang Bataan dahil baka makagalitan ako ni mama at papa. Kailangan gumawa ako ng kwento. Its the half truth, though.

Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni mama. Nabatid niya siguro ang lasiyahan sa tono ng boses ko.

“Anak, masaya akong nakilala mo si Cal. Alam kong nasa mabuti kang kamay dahil nakikita kong mahal ka niya.”

“Masaya rin ako, mama. Panatag ang loob ko kapag siya ang kasama ko. He never failed to make me happy, everytime I'm with him.”

“Basta, anak kung masasaktan ka man ay narito lang kami. Ako ang bahalang rumesbak sa kaniya. But, you must enjoy your life with him. Huwag kang magdalawang-isip sa relasyon niyo. Mag tiwala ka lagi sa kaniya para magtagal ang relasyon niyo,” si papa naman ang nagsalita.

“Pa, Ma, huwag po kayong mag-alala dahil alam kong hindi ako masasaktan. Ramdam ko pong mahal ako ni Cal. I can see it through his eyes.”

Pumagitna ako kila mama. Niyakap ko silang pareho. Nakisali rin si Franzen.

They are my favorite treasure. Kaya kung may mangyayari man na hindi maganda sa isa man sa kanila ay paniguradong labis labis akong masasaktan.

“Oy, oy, family picture. Dali!” si Ate Minda. Hawak na niya yung polaroid.

Pinunasan ko muna yung mga luha kong hindi ko napansin na nagsituluan na pala sa pisngi. Nagkakaiyakan na pala kami. Nagtawanan kami habang pinupunasan ang mga luha.

“Game na ha. Say Smile,” umayos naman kami kaagad. Kami ni Franzen ang nasa gitna nila mama at papa. Nasa tabi ko si papa tapos si Franzen naman ay sa tabi ni mama.

Ate Minda count from one to three before we say smile. Pinag wacky niya pa kami kaya siyempre nag wacky din kami.

“Tingin, ate Minda,” sabi ko. Nakipag-unahan naman sa akin si Franzen. Binigay ni Ate Minda yung dalawang pictures. Napunta sa akin yung formal tapos kay Franzen naman yung wacky.

Napakaganda ng mga ngiti namin. Masaya akong buo ang pamilya ko at masaya. Mahal na mahal ko sila at hindi ako makapapayag na mawala ang kasiyahan na ito sa aming pamilya.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now