Kabanata 23

3.1K 62 3
                                    

Kabanata 23

Kay bilis lumipas ng mga buwan, ang pagtakbo ng oras at pagbabago ng araw. Hindi mo iyon mamamalayan kaya't hangga't may pagkakataon ay sulitin mo ang bawat araw ng buhay mo. Nagkaroon na ako ng trabaho bilang junior marketing analyst sa isang kumpanya rito sa Davao. Gusto ko nga sanang sa Maynila na magtrabaho pero naiisip ko sila mama. Baka kung anong mangyari kapag umalis ako.

Nag-aaral pa ang kapatid ko. Matibay naman ang relasyon namin ni Calcifer. Pero may pangamba pa rin sa utak ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala ang mga magulang niya.

It was used to be okay with me but now, I have a bad feeling that something is wrong. That he's hiding something to me. At isa lang ang naiisip kong paraan, ako mismo dapat ang umalam sa katotohanan.

“Ch-Cheska!”

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni ate Minda. Garalgal ang boses niya at hilam ang kaniyang mga mata.

Agad akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang mga braso niya. “Ate? Ate, anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?” kinakabahan kong tanong.

Naisip ko bigla sila mama. Wala silang dalawa ni papa dahil nag celebrate sila para sa success ni papa na naipanalo niya ang kasong hinawakan niya.

Umiling-iling lang si Ate Minda. Niyugyog ko naman ang mga braso niya para magsabi siya sa akin ng totoo.

“Ate, tell me? Bakit ka nga umiiyak? May nangyari bang hindi maganda? Sa pamilya mo ba?” Sunod-sunod ang mga katanungang iyon na lumabas sa aking bibig. Unti-unti ko na ring nararamdaman iyong kaba sa puso ko. Dumadagundong iyon.

“O tungkol ba iyon kila mama? Ha? Ate? Ate! Magsalita ka naman,” I asked frustrated.

Pumalahaw ng iyak si Ate Minda na mas lalong nagpadagdag sa kaba ko. She look at me with her teary eyes and she slowly open her mouth to speak but there's no one came out.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha sa bulsa ng suot kong shorts. Nanginginig ang mga kamay ko habang inilalabas ang phone ko sa bulsa.

It was just numbers that wasn't saved to my contacts. Agad ko iyong sinagot.

“Francheska Medel, magkita tayo. May sasabihin akong katotohanan sayo,” bungad na sinabi ng kung sinuman sa kabilang linya. Boses babae iyon.

Ang kaba ko kanina ay mas lalong nadagdagan. Hindi ko na maigalaw ang aking sarili. Para bang napako na lamang ako sa aking kinatatayuan. Ito ba ang babaeng naka-usap ko, ilang buwan na ang nakalilipas?

Magsasalita pa sana ako ngunit tanging tunog na lamang iyon na nagpapahiwatig sa akin na pinatay na ng kabilang linya ang tawag.

“Cheska... Y-yung mama at papa mo. W-wala na. W-wala na sila,” bulalas ni Ate Minda sa akin. Hindi ko napaghandaan ang sinabi niya.

At sa sinabi niyang iyon, para bang biglang nagdilim ang buong paligid ko. Ang huling naalala ko na lamang na natandaan ay ang sigaw ni Ate Minda.

Nagising ako sa isang lugar na puro puti ang paligid ko. Iginalaw ko ang aking sarili at nakita kong may swero sa aking kamay.

I tried to sit up but I'm weak. I feel weak.

“Cheska... Huwag kang masyadong gumalaw. Baka mapaano ka niyan,” sita sa akin ni Ate Minda. Inalalayan niya akong makaupo.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now