Kabanata 10

3K 69 2
                                    

Kabanata 10

Dalawang buwan ang lumipas. Hindi pa rin nagigising si Cheska. Ngunit ayon sa doktor ay maayos naman ang lagay nito. Lumalaban ito at patuloy na lumalaban.

Hindi naman kinikibo ni Eliziea ang asawa sa lumipas na mga buwan. Kahit nalaman niyang hindi nito anak ang batang dinadala ni Melina ay nasasaktan pa rin siya. Totoong may nangyari sa dalawa kaya labis labis ang kaniyang paghihinagpis.

Sa paanong nagawa nitong lokohin siya. Ibinigay niya ang lahat ng makakaya upang sumaya lamang sa piling niya ang asawa. Akala niya'y sapat na ang pagmamahal na mayroon siya para rito ngunit nagkamali siya dahil nagawa pa rin nitong lokohin siya.

Si Melina naman ay nasa pangangalaga na ng mental institution. Hindi niya kailanman sinubukang bisitahin ang babae dahil wala siyang balak magpatawad. Para sa kaniya ay tama lamang na naroroon ang babae.

Wala itong karapatang maging isang ina. Makasarili ito.

“Anak, kumain ka na muna. Namamayat ka na. Hindi magugustuhan ng aking apo na si Cheska na masilayan kang ganiyan kapag iminulat na niya ang kaniyang mga mata,” tinig iyon ng kaniyang ina.

Naririto sila ngayon sa kuwartong inookupa nila. Inilipat ang kaniyang anak na si Cheska sa kuwartong ito isang buwan ang nakakalipas. Ayon na rin iyon sa doktor ng anak.

Ang wika nito'y nasisiguro niyang anumang araw o oras ay magigising na ang kaniyang anak.

“Ma, bakit nangyayari sa akin ito? Naging mabuti naman akong asawa at ina sa mga anak ko. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para lamang sa kasiyahan nila,” nahihikbing saad ni Eliziea sa ina.

Banayad naman siya nitong inalo. “Anak, pagsubok lamang ang lahat. Sinusubok ka lamang Niya. Kung hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa iyong pamilya. Naniniwala ako sa iyo, anak. Alam kong matatag ka at malalampasan niyo rin ang unos na ito. Magigising si Cheska, anak. Magtiwala ka.”

Ang luhang kaniyang pinipigilan ay banayad na umagos sa kaniyang pisngi. Kaagad naman siyang niyakap ng ina. Hinayaan lamang siya nitong ilabas ang lahat ng kaniyang damdamin.

Makalipas ang ilang minutong pag-iyak ay lumapit naman siya sa kinaroroonan ng anak. Hinaplos nito ang noo ng anak. Masuyong inilagay sa tainga nito ang ilang hiblang tumabing sa mukha nito.

“Mahal na mahal ka ni mama, anak. Gumising ka na. Hindi na ako makapaghinaty na muli kang maalagaan.” Muli na naman siyang nahikbi.

Hindi niya nais kailanman na makita ang kaniyang anak sa ganitong kalagayan. Hindi niya kailanman nakita sa kaniyang balintataw na mangyayari ito sa anak.

Pinunasan niya ang kaniyang pisngi at masuyong hinagkan ang anak.

Agad siyang napabaling sa pintuan ng silid. Bumukas iyon at iniluwa niyon ang asawa. Kasama nito ang kanilang bunsong anak.

“Mama!” Matinis na sigaw nito at patakbong lumakad sa kinaroroonan niya. Yumakap agad ito sa kaniya. Hinalikan naman niya ang noo nito.

“Bakit naririto ka, anak? Hindi ba't may pasok ka?” Takhang tanong niya sa bunsong anak.

“Huh? Mama, tanghali na. Sinundo ako ni papa sa eskwela at sinabi ko sa kaniyang dumiretso kami rito kasi namimiss ko na ang ate,” mahaba nitong paliwanag sa kaniya.

Amidst the Clandestine HeartacheWhere stories live. Discover now