Four

5.2K 224 111
                                    


After magpakilala ang lahat ng contestant, naglunch muna lahat ng students. Alli and I went to Robinsons for Samgyupsal. Si Kai naman ay nagtext sa akin na merong sariling food ang mga contestants kaya nagpaalam na lang ako na kay Alli ako sasama, pumayag naman siya. Mamaya pa naman ang basketball kaya ayos lang kahit matagalan.

Alli likes watching basketball kahit na napapakunot kami ng noo kapag may foul na hindi namin maintindihan. Wala kaming masyadong alam sa basketball but she likes watching it, syempre damay ako.

"So anong sabi sa'yo nung Theo kanina?"

Hindi niya pa rin ako tinatantanan tungkol kay Theo.

"Ano ba yan, Allison Marie!" inis kong saway sa kanya habang naglalagay ng beef sa griller.

"Ano nga? Curious ako!" pamimilit niya.

"Wala nga kase. Puro sorry lang nangyari sa amin kanina." sagot ko.

"Ay antaray! LQ?"

"Anong LQ? Sira hindi! Dumugo kasi dila ko dahil sa kanya." sagot ko habang inaayos yung strips beef nang pahilera.

She gasped dramatically as she held her chest.

"Bakit dumugo? Omg, ang wild ha!" tinakpan niya pa ang bibig niya na parang gulat na gulat.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong wild? Pinagsasabi mo?"

"Hindi ko akalain na nasa ganoong level ka na, my friend. Akala ko iyong Kairo na 'yon ang makakauna sa lips mo pero iba pala. Naunahan mo ko sa experience pero mas masaya pa rin maging single!" dire-diretsong sabi ni Alli.

Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Inabot ko siya sa harap ko para lang mahigit iyong buhok niya. Umayos ulit ako nang upo bago siya makaganti.

"Gaga ka! Amag na amag na 'yang utak mo!" sigaw ko sa kanya sabay hina ng sunod na sasabihin. "Hindi kami naghalikan ni Theo! Nagkabunggan kami tapos tumama iyong baba ko sa ulo niya, reason kung bakit ko nakagat dila ko at dumugo."

"Ahh! Hindi mo naman kasi kinaklaro e!" tumawa siya.

"Pinangunahan mo ko e. Hindi ko pa nga sinasabi iyong rason, makapagreact ka wagas!"

"So iyon na 'yon? Wala nang karugtong?"

Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari kanina simula sa nakita ko kay Kai hanggang sa pagpunta ko sa kanya sa gate ng field. Naaabala lang ang pag-uusap namin kapag nagtatawag kami ng waiter para sa new set ng meat.

"Ayoko kay Kairo but I will give him the benefit of the doubt. Baka naman nakasanayan niya na iyon. He's been rounded with girls ever since he started pageantry kaya malamang sanay na iyon na may mga babae sa paligid niya which maybe explains the hold. Komportable na sila sa isa't-isa kaya para sa kanila, wala lang iyon." paliwanag ni Alli.

Napatango ako sa sinabi niya. May punto si Alli. Masyado lang talaga akong nag-overreact kanina kaya ako nasaktan. Dapat nilapitan ko na lang siya at ginoodluck. Hay.

"But!" napa-angat ako ng tingin sa kanya. "Sa'yo na rin mismo nanggaling dati na seloso siya. Kung nagagalit siya sa simpleng pag-aligid ng mga lalaki sa'yo then he should be sensitive enough to know na kapag nakita mo siya na may hawak na ibang babae, masasaktan ka. Unless..."

"Unless what?" tanong ko.

"...he doesn't know that you're there." she shrugged.

He doesn't.

"Wala ka, kaya free siyang kumausap at humawak ng babae kahit na sinong gusto niya. Malay pa natin kung hanggang doon lang ba talaga ginagawa niya tuwing hindi mo siya nakikita." dugtong niya pa.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon