Thirty

3.5K 158 26
                                    


"Miss, magsasara na kami."

Tumingin ako sa tindera ng karinderya at tumango lang sa kaniya. Napakamot siya sa ulo niya. Nanatili akong naka-upo sa mahabang bench ng karinderya niya habang nagliligpit siya ng mga gamit. Tumitig lang ako sa malawak na damuhan sa harap ko habang bumabagsak ang malakas na ulan.

"Miss, sigurado ka bang dito ka lang? Papatayin ko 'tong ilaw. Hindi ko pwedeng iwan na bukas ito dahil sayang sa kuryente," sabi ng tindera. Paalis na siya dala ang susi ng karinderya niya at suot ang isang raincoat.

Tumango lang ulit ako. Kita ko ang pag-aalangan niya na iwan ako pero dahil anong oras na ay umalis na siya. Pinanood ko ang paglayo ng motor niya mula sa pwesto ko. Huminga ako nang malalim at tumingin ulit nang diretso.

Tumigil na ang pag-iyak ko pero ang langit ang nagpatuloy noon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kanina noong iniwan ko sila sa resort. Ayokong magstay sa lugar kung saan alam kong nandoon ang ama ko kaya lumabas ako. Now, I am here in front of a karinderya with no one else around. Hindi ako nabasa ng ulan dahil nagsimula lang iyon noong nakarating na ako rito. Naawa pa sa akin kahit papaano ang langit.

I should be scared dahil madilim na at wala akong kakilala rito pero masyado nang masakit ang puso ko dahil sa ibang bagay para lang matakot. Ang dami-raming tumatakbong mga tanong sa utak ko pero kahit isa roon ay wala akong masagot.

Paulit-ulit nagplay sa utak ko lahat ng sinabi ni Daddy. It was like a series of film scripts that kept on rolling to flash everything that happened earlier. He looked in so much pain. That made me somehow calm. Yun ang gusto ko. Gusto kong mahirapan din siya. Gusto kong masaktan din siya gaya ng ginawa niyang pagsakit sa amin. Ang nakakatawa lang ay nasaktan siya dahil sa nangyari sa akin, the part where I suffered too. Yung nangyari sa akin na siya lang din ang pinagmulan.

Ganoon ba talaga dapat? In order to hurt them, I have to feel the pain first? Kailangan masaktan din ako? Hindi ba pwedeng sila na lang yung masaktan? Hindi pa ba naaawa ang pagkakataon sa akin? Ilang sakit pa ba ang kailangan kong maranasan para lang maging totoong masaya na ako? Ganon ba ako kahirap pasayahin? Ano bang kasalanan ko sa mundo? Gusto ko nang malaman iyon para naman makahingi na ako ng tawad. Kung sila hind naaawa sa akin, pwes ako awang-awa na ako sa sarili ko.

You know what's the worst? Lahat ng sinabi ng ama ko ngayong gabi, lahat iyon ay gusto kong marinig noon... hindi ngayon. Ayos na ako eh. Onti-onti ko nang nabubuo ang sarili ko kaya para saan pa lahat ng sinabi niya? What he did just peeled off my wound. Lahat ng tinatago kong sakit, lahat ng pighati na tinakpan ko ng kasiyahan... all of those resurfaced.

Lagi lang akong pinaparamdam ng saglit na kasiyahan. I will feel that I am okay, that I can handle myself but another thing will come to pull me down. I got happy to be even sadder.

Napatingin ako sa kanan ko nang maaninag ko ang maliwanag na ilaw mula sa kotse. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan hanggang sa huminto iyon sa harap ko. Agad kong namukhaan kung kaninong sasakyan iyon. Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko noong bumaba si Theo dala ang isang payong. He stood in front of me while holding the umbrella.

Hindi ako gumalaw. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa mukha ko. Kahit na tumulo ang luha ko ay hindi ako nagpatinag.

"I searched everywhere for you," he said.

Pain. Additional pain in my heart.

"Let's go, Oli. You'll get sick if you stay here," he added pero hindi pa rin ako kumilos. "He's gone. He left the resort."

He left without even finding me? Haha.

"So?" I asked monotonously.

Humakbang siya palapit sa akin at tumigil nang makasilong siya sa bubong ng karinderya. Medyo lumiwanag ang paligid dahil sa ilaw mula sa sasakyan niya kaya kita ko ang mukha niya. I was sure he could also see mine.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon