Thirteen

3.5K 157 191
                                    


Pagkatapos ng isang oras ay hinatid na rin ako agad ni Kai pauwi dahil may aasikasuhin pa raw siya sa company nila. Bumisita naman si Alli sa bahay para may kasama ako. Magdamag lang siya nagpakwento sa akin ng mga librong nabasa ko na na hindi niya pa alam yung istorya habang kumakain kami ng inorder niyang fastfood sa balcony ng kwarto ko.

"Pero kung iisipin mong mabuti, wala na kasi siyang choice e. Masyado siyang nasaktan sa nangyari kaya umalis na lang siya." Alli commented sa kinuwento ko.

"Right." I agreed.

Sumipsip siya ng iced tea bago nagsalita ulit.

"Maiba tayo, kumusta kayo ni Theo?" she suddenly asked.

"Not that good. Nadagdagan na naman problema namin dahil sa 18 roses ko." I sighed.

"Bakit naman naging problema sa kaniya iyon? Siya 18th mo, right?"

"Yeah. That's the problem. May rason na naman para mas lalong lumayo loob ni Kai sa akin." sabi ko sabay kain ng fries.

"I don't get it. Bakit nga problema rin ni Theo iyon? Hindi ba dapat problema mo lang iyon?" tinuro niya ako.

"Ewan ko. Maybe because he care?"

"Why does he care?"

Napakunot na ang noo ko sa mga tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating.

"What do you mean?"

"Why does he care? Just weeks in Canada with you tapos grabe na siya makasalo ng mga problema mo?" she looked up like she was really thinking.

"Nagkasama na rin naman kami even before Canada. Nung Intramurals pati sa Batangas, remember? Atsaka he's naturally caring. Ano ba? Don't give malisya sa mga maliliit na bagay."

"Ayos na yung nagbibigay malisya kesa sa manhid." she stuck her tongue out.

"Manhid ka jan." I snorted.

"Oh diba." tumawa na siya.

Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Akala ko 'pag tungtong ng gabi ay uuwi na si Alli pero hindi pala. She decided to stay for the night. We put on our onesies with the same unicorn design but hers was color white and mine was grey. Nagpicture taking muna kaming dalawa bago dumiretso sa kama ko.

"Oli." tawag niya sa akin habang nagce-cellphone ako. I uploaded some of our pictures in IG.

"Oh?"

"Nagccrave ako sa cake."

Sinamaan ko siya nang tingin dahil alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig sa akin.

"Magte-ten pm na, Allison Marie!" I whined.

"Sige na." pilit niya sa akin sabay hila sa hood ng onesie ko.

Pinalo ko ang kamay niya dahil nasasakal ako sa ginagawa niya. Tumawa naman siya nang malakas at tumakbo palabas ng kwarto ko nang makita niyang babatuhin ko siya ng unan.

"Bakit kasi hindi na lang kaninang umaga nagrequest ng cake? O hindi kaya tanghali?" pagmamaktol ko habang bumababa ng kama.

Pagbaba ko sa kusina ay naglalabas na siya ng mga gagamitin ko sa pagbbake.

"Bahala ka mag-antay nang matagal jan." bulong ko but loud enough for her to hear.

She only giggled at inabot na sa akin ang mga ingredients sa bawat steps ng baking. Sa dalas ba naman niyang present sa tuwing nagbbake ako, malamang kabisado niya na yung mga gagawin. Medyo nahihirapan nga lang siya kapag siya na mismo ang gumagawa.

She kept on taking selfies with me habang nagbbake ako kaya mas tumagal ang trabaho ko. May ibang shots kase ako na super epic tapos pagtatawanan niya kaya nadadamay na rin ako sa saya niya. Nang matapos akong magbake ay nilantakan niya agad iyon. Naubos niya naman dahil maliit lang yung ginawa ko.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon