Five

4.3K 187 103
                                    


"Our Mister Intramurals 2018 is..."

Palagay ko ay mas kabado pa ako kesa kay Kai ngayon. Dalawa sila nung Education student na nakatayo sa harapan. Title holder at 1st runner up ng Mister na lang ang hindi pa nababanggit. Sa Miss, si Venice ang nanalo kaya ramdam ko ang pressure ni Kai. Parehong maganda ang sagot ni Kai pati nung Educ sa Q and A kaya nakakakaba.

Diretso lang ang tingin ni Kai habang yung kalaban niya ay nakayuko. They're both waiting for the result. Pakiramdam ko sumasabay ang tibok ng puso ko sa drum roll.

"None other than..." dugtong ng host.

Nagsigawan ang mga audience.

"Senior high! Senior high!"

"Education! Education!"

Gustuhin ko mang sumali sa sigawan ay hindi ko magawa. Nakafocus ako sa host at bawat segundong lumilipas ay parang gusto ko na siyang batuhin sa sobrang tagal niya mag-announce.

"Our Mister Intramurals 2018 is... Mister HUMSS of Senior High!"

Sabay kaming napatayo ni Alli at nagtatatalon. Sobra sobra ang tuwa ko. Pakiramdam ko ako ang nanalo dahil sa announcement. Sumabog ang confetti sa stage at dahil malapit kami roon, nahagip rin kami.

"Congratulations, Mr. Kairo Gutierrez and Ms. Veniciel Ferrer! Our Mister and Miss Intramurals from Humanities and Social Sciences of Senior High! Let's give them around of applause!"

Kahit na hindi sabihin ng host iyon ay punong puno na ng sigawan at palakpakan ang buong hall. Kahit hindi Senior High ay natuwa sa pagkapanalo ni Kai. Sinuotan na ng sash at korona si Kai. Lumapit naman si Venice sa kanya at sabay silang pumwesto sa gitna para sa picture taking.

I knew he could do it! I am so proud!

Nang makababa si Kai ay dumiretso siya sa akin. Tumakbo naman ako papalapit sa kanya at yumakap. He hugged me back.

"Congratulations, Kai! OMG! I knew it! Ang galing galing mo talaga!" tuwang-tuwa na sabi ko sa kanya.

"Thank you so much, Oli. I told you, all I need is your cheer." he chuckled.

"Hoy! Congrats!" rinig kong sigaw ni Alli mula sa likod ko.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Kai at lumingon sa kaibigan. Napatawa si Kai. 

"Parang labag pa sa loob mo ah. Salamat." he replied.

Nagtawanan kami. Cinongratulate ko rin si Venice nung napadaan siya sa amin. Nagpasalamat naman siya. Hindi na namin nakausap nang matagal dahil mukhang nagmamadali siya. May lumapit sa amin na lalaking may hawak na camera.

"Excuse me, Mister Intramurals."

Lumingon kaming tatlo sa kanya. Agad kong namukhaan iyon. Isa siya sa kaibigan ni Theo. Not number 15, the other one.

"Papicture naman po. Schoolwork purposes." he politely said.

Tumango naman si Kai. Lumayo muna kami ni Alli sa kanya at hinayaan na kunan siya ng litrato nung lalaki.

Napalingon ako sa paligid. May ibang student na naka-itim at may hawak din na dslr but I can't find Theo. The last time I saw him was after Kai's performance.

"Sali na kayo." sabi nung lalaki.

Pumwesto naman ako sa tabi ni Kai. Si Alli ay umiling na lang kaya hindi na pinilit nung lalaki. Nilagay ni Kai ang kamay niya sa waist ko para mapalapit pa ako lalo sa kanya. We smiled at the camera.

"1..2..3!" the guy counted then clicked the shutter. "Isa pa po."

I closed my mouth then put on a smile. He counted once more.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon