Twenty-Six

3.3K 148 136
                                    


"Love, you can do it," bulong sa akin ni Theo. "I'm here."

Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. I held his hand as I walk down the stairs of the pool. Pinapakiramdaman ko yung tubig sa paa ko. Agad na nagtaasan ang mga balahibo ko kaya umatras ako.

"Love, I can't. I really can't," I cried.

Agad umakyat si Theo para yakapin ako. "Shh. It's okay. I'm here."

Yumakap ako nang mahigpit sa bewang niya habang umiiyak. Hindi ko kaya. Nahihirapan pa rin akong harapin yung takot ko. Sa tuwing naiisip ko na malulunod ako ulit at mamamatay, sobra akong natatakot. Akala ko ay kaya ko na kasi nagagawa ko namang maligo sa bathtub kaya nanghingi ako ng tulong kay Theo, pero hindi pa rin pala. Iba pa rin kapag malawak na tubig na ang nakaharap sa akin.

"You don't have to do this kung hindi ka pa talaga handa," he whispered as he kept on caressing my back.

Bumitaw ako sa yakap namin at yumuko. "I'm so coward," I sobbed.

Agad niyang hinawakan ang mukha ko at hinarap sa kaniya. "Having something you fear of doesn't mean you're a coward. Lahat tayo may kinakatakutan, Love. Ako may kinakatakutan din ako. You can feel something, it's a sign that you are alive."

"I don't want to die," I whispered.

Pinatingin niya ako sa mata niya. "You are not going to die. Whether I am here by your side or not, you are not going to die. Okay? You are the strongest person I've met."

Niyakap ko sila ulit at ipinagpatuloy ko ang pag-iyak ko. Niyakap niya lang din ako hanggang sa matigil ako sa pag-iyak.

"Let's just read? I bought a new book for you."

Agad akong napatingin sa kaniya. "Really?"

"Yep! The best part? It's a series!" he excitedly said.

My mood immediately lifted. I love book series!

"Can you guess what it is?" he smirked.

Kung ano-anong series sinabi ko pero kahit isa roon ay walang tinama. It turned out to be one of my favorite vampire story, Twilight Saga! Napanood ko yung movie noon at nagandahan ako.Gusto ko sanang bumili nung book pero wala akong original copy na mahanap. Matagal na siyang sold out. Puro reprint na lang. I immediately hugged him noong pinakita niya na iyon sa akin sa sala ng bahay.

"Oh my gosh, Love!" I kissed his cheek.

He chuckled then kissed my cheeks back. "Let's go read it and be vampire," he said in a vampire-like tone while slowly leaning into my neck, joking about biting me.

I shriek then ran away from him. Hinabol niya naman ako at nagkunwaring bampira. The moment we started reading the book, we were already panting. Natawa na lang kami dahil rinig na rinig yung hininga namin habang nagbabasa kami.

I smiled at the memory.

Pakiramdam ko ay hinahaplos ang puso ko and at the same time ay sinasaksak din. Maybe it's the reason why Theo jumped to save me earlier. Maybe he thought hindi ko pa rin kaya magswimming mag-isa. Which means he still...

I grunted. Naiinis sa gulo ng isip at puso ko. Dagdagan pa ng mga itsura ng mga katabi ko.

"Alli," saway ko sa katabi kong sobrang sama na naman ng tingin kay Kai.

"Pinaglihi ba sa kaepalan 'yang lalaking 'yan? Bwisit!" inis na sabi niya sabay inom na naman ng champagne.

Pag-ahon ko kanina ay ang sakto rin na pag-ahon nila Alli at Milli. Binibiro lang daw nila ako na iiwan nila ako pero nagtakha sila bakit ang tagal kong sumisid kaya umahon na sila. Hindi ko naman magawang hindi magkwento dahil nakita nila ang paglayo ko kay Theo.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon