Twenty-Seven

3.2K 139 75
                                    


Umalis na kami ni Alli sa restaurant pagbalik ko. Tapos na rin naman kami kumain noong nagbathroom ako kaya wala nang dapat gawin. Isa pa, ayoko ng nararamdaman ko kapag malapit o nakikita ko si Theo.

"Are you okay?" Alli asked while we were riding a tram.

"Hmm? Jo," I nodded.

Tumango nalang siya sa akin at hinayaan akong tumitig lang sa mga nadadaanan naming lugar. Ang dami-daming restaurant dito sa Luxembourg tapos nagkataon pa na doon kami nagkita. This whole situation, meeting each other again then meeting again in other country inside the same restaurant, is lifting my hopes up. Heck, I shouldn't even have any hope for us. I dumped him, he moved on and now has a girlfriend. Hindi na naman dapat makaramdam ng ganito.

"Dahil lang 'to sa mga binabasa kong libro," I convinced myself.

"Ang alin?" tanong ulit ni Alli.

Gulat akong napatingin sa kaniya. "I saw two people together. Nag-imagine lang ako ng story nila. You know, like in novels," I lied then gave her a laugh.

Naging interesado naman si Alli sa sinabi ko kaya hanggang maka-uwi kami ay kinailangan kong gumawa ng kwento sa utak ko. Kung sinulat ko lang yung mga sinabi ko ay baka nakabuo na ako ng isang libro. Pagpasok ko sa guest room ay naghubad agad ako ng long sleeves. Nanlaki ang mata ko nang makita kong suot ko yung wriswatch ko.

"Holy..."

Nakita niya ba 'tong watch? Nakita ba ni Theo na suot ko yung wristwatch na bigay niya? No. Nakalong sleeves ako. Hindi niya ito nakita. Natakpan naman siguro. Diba?!

Umupo ako sa kama at nilagay ang mga kamay sa mukha ko.

Seriously, Oli. You have to stop. May girlfriend na yung tao. Hindi tamang ganito pa rin nararamdaman mo. Tama si Kai, magmumukha ka lang kawawa. Let's say na nakita nga Theo yung relo na bigay niya, ano na lang iisipin niya?

Wala. Wala siyang iisipin dahil unang-una, he's not that kind of person. Pangalawa, wala na naman siyang pakielam sa akin. He has his girl now.

"Allison Marie," bungad ko kay Alli pagpasok ko ng kwarto niya.

Nakakunot ang noo niyang lumingon sa akin habang nagtatanggal siya ng sapatos niya.

"Let's go out," aya ko.

"Out? Kakauwi pa lang natin ah."

"Yeah, I know. Wala lang. Gusto ko lumabas ulit. Bar?"

"Woah, hold on. Sigurado ka bang ayos ka lang? Bar? I know you drink pero hindi ka naman mahilig sa alak," tanong ni Alli habang papalapit sa akin.

"Baka iba lasa ng alak dito sa Luxembourg. Try lang," I gave her a chuckle.

Sa huli ay pumayag din naman si Alli kaya lumabas kami ulit at pumunta sa pinakamalit na bar sa tinitirhan niya. The bar was kind of cozy. No dancing people or what. Just a bar where you can chill and drink. Brown and maroon spread all over the place. Sa may counter kami pumwesto ni Alli para mabilis sa pag-order.

I scratched my wrist while roaming my eyes around the bar to search for a guy. Tinanggal ko yung relo ko kanina sa sobrang inis ko sa sarili ko and now, hindi na naman ako kumportable. I asked Alli to go here so I can find a guy. Anyone who can catch my eye. Kai has a point. After my break-up with Theo four years ago, wala na akong naging boyfriend. Kahit manliligaw ay wala akong inentertain. Kahit crush nga wala man lang. Maybe that's the reason I still feel like this towards him. May hangover pa rin ako sa relasyon namin.

Apat na taong hangover. Lala naman no'n.

So here, I am. I will find someone until I find the person I can have fun with. No feelings, just fun. I just need to divert my attention to another person. People do that, right? I think I can do that. Maybe that will help my situation. Mas ayos na iyon kesa dinadamdam ko yung bagay na wala na naman dapat akong pakielam.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon