Twenty-Nine

3.3K 157 117
                                    


"Just do it, sweetheart!"

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Sobrang bigat ng ulo at mata ko dahil sa puyat ko kagabi. Dalawang oras pa lang ata yung natutulog ko tapos biglang pumasok sa kwarto ko si Mommy para lang kulitin ako roon sa nakita niyang condominium brochure malapit sa bag ko.

"If you want to live by yourself and be independent, then do it! What's stopping you?"

"Wala pa akong ipon," sagot ko habang nakapikit pa rin.

"Savings? Oli, savings? Can you hear yourself? Hello? You are a Salcedo!" naramdaman kong pinalo niya sa akin yung brochure. "You have a job, you have your own bank account!"

Inis akong tumayo sa kama ko at dumiretso sa bathroom para umihi. Masyado nang buhay yung diwa ko para bumalik sa pagtulog. Pagbukas ko ng pintuan ay nakatayo roon si Mommy.

"You're not doing it because of me, aren't you?" seryoso niyang tanong.

Kinuha ko yung brochure sa kamay niya at nilagay iyon sa basurahan. Nagsimula akong ayusin yung kama ko. Nakita kong kinuha ulit iyon ni Mommy kaya bumuntong-hininga ako.

"May nag-abot lang sa akin niyan sa mall, My," inis na sabi ko.

"Oh really? How about my friend, who owns a condominium, telling me that you inquired in their building? Hmm?" She crossed her arms.

Tumigil ako sa pag-aayos ng kama at umupo roon. She was right. These past few weeks ay nagtingin ako ng mga condominium. Bigla na lang ako nakaramdam na gusto ko nang mabuhay mag-isa. I want to be independent. I want to cook my own food, wash my own clothes, clean my own place. Gusto ko na gawin iyon pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayoko namang iwanan mag-isa si Mommy. Kuya will get married in just one week. Ako na lang ang kasama niya talaga.

"If you don't buy one, ako bibili noon para sa'yo," she threatened.

"Mommy, no! Hindi ako aalis dito. Ayaw mo na ba akong kasama? Pinapalayas mo na ako?"

Lumapit siya sa akin at pinasada sa mukha ko yung brochure. Agad akong lumayo sa kaniya at dumiretso sa banyo ko.

"Yuck, My! Nilagay ko na 'yan sa basurahan e!" maarteng sigaw ko habang naghihilamos.

"I'm calling my friend, I'll buy you a condo."

Agad akong napa-ayos ng tayo kaya nagtuluan sa katawan ko yung tubig. Nakatayo siya sa gilid ko at pinipindot yung cellphone niya.

"Mommy!" saway ko sa kaniya.

She held up one finger to me kaya tinikom ko ang bibig ko.

"Hindi kita pinapakielaman sa mga gusto mong gawin sa buhay mo but if I am the reason why you can't do something, then I am doing something." She lifted her brow at me.

I sighed. "I can't just leave you here."

Pinatay niya ang cellphone niya at nilagay iyon sa bulsa niya. Binitawan niya rin yung brochure at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Yes, you can. I'll be fine here. Halos buong araw naman ay magkasama tayo sa office, so I will not be so lonely here," she assured me.

Tumingin lang ako sa kaniya at nag-isip nang maigi.

"Do whatever you want to do, sweetheart. I'll be okay. I have my own life, you have yours. Mas malulungkot lang ako kung ako na naman uunahin mo."

Huminga ako nang malalim bago tumango. She smiled widely.

"Okay. I'll buy one when I find what I want," I said.

"Yey! I'll help you find one!" Mommy exclaimed then hugged me. "Oh, my baby girl is really growing up."

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon