Thirty-One

3.6K 153 101
                                    


Five minutes. Sabi ko five minutes lang at aalis na ako. But how could I do that when he badly needed my help?

"Oh no," gulat na sabi ko.

Palabas na ako nang makita ko na nagsuka si Theo. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang umupo. Kumalat na ang suka niya sa carpet kaya nagpanic na ako. Agad akong tumakbo papuntang kusina at naghanap ng planggana. Ilang cabinet ang nandoon pero halos walang laman lahat. Pagbukas ko sa dulong cabinet ay saglit akong napahinto. Puno iyon ng mga baking equipments. Dito pala nagbebake si Corrin.

Agad kong winala ang iniisip at kinuha ang malaking mixing bowl. Sorry, Corrin. Theo needs this.

Kumuha ako ng basahan at tumakbo pabalik kay Theo. Naka-upo siya at nakapatong ang dalawang braso sa sofa habang nakayuko.

"Here, here," nagmamadali ko na sabi sabay lagay ng bowl sa ilalim para roon siya sumuka.

Lumingon siya sa akin. His eyes were still sleepy and red.

"Fucking alcohol," he muttered then shook his head.

Hinagod ko ang likod niya at inantay pa rin kung magsusuka pa ba siya pero bumagsak na yung ulo niya sa sofa. Nilapag ko sa gilid yung bowl at binuhos ulit ang lakas para maiangat siya sa sofa. May suka na yung carpet kaya hindi ko siya pwedeng hayaan lang doon. Pakiramdam ko ay mapipilayan ako sa ginagawa ko pero hinayaan ko lang. He needed my help.

Nang sa wakas ay naihiga ko na siya sa sofa ay sinimulan ko nang linisin ang suka niya sa baba. Ginamit ko yung basahan sa pagpunas sa mga suka niya at piniga iyon sa may bowl. Agad akong tumigil nang matalsikan ang relo ko. Ayokong madumihan iyon kaya tinanggal ko iyon gamit ang ngipin ko. I went very careful na hindi ko masubo yung part na natalsikan. Binaba ko iyon sa sahig at pinagpatuloy ang paglilinis. Inulit ko lang iyon hanggang sa bakas na lang ng suka ang natira.

Dumiretso ako sa cr at finlush iyon sa bowl. Pagkatapos ay pumunta ako ulit sa kitchen para hugasan yung bowl. The problem is... hindi ako marunong maghugas.

May liquid soap na nakapatong sa gilid kaya binuhos ko iyon doon sa bowl. Hindi ko alam kung gaano karami ba dapat ang ilalagay kaya para makasigurado ay binuhos ko ang kalahati noon bago binalik sa lagayan. Tinitigan ko yung bowl at dinutdot yung liquid soap. Nakita ko dati kay Milli na may ginagamit siya na sponge kaya inabot ko yung sponge na nakita ko. Binuhos ko ulit yung liquid soap doon sa sponge kaya halos wala nang laman yung bote. Ang alam ko ay papabulain lang iyon kaya ginawa kong panghalo yung sponge doon sa liquid soap na nasa loob na ng bowl. Nang bumula na iyon ay binuksan ko na ang gripo at nilagay yung bowl sa ilalim noon. Inantay ko lang na mawala yung bula. Noong nawala na ay nilagay ko na iyon sa dish rack at hinayaan na tumulo yung mga tubig.

Okay. That was the first. I think kaya ko na talaga mamuhay mag-isa. Millane will be proud.

Bumalik ako sa sala at nakita na may suka rin yung damit ni Theo pati yung kumot. Kumuha ako ng panibagong kumot at umakyat sa taas para kumuha ng damit niya. May apat na pintuan doon kaya hindi ko agad nalaman kung saan ba ang kwarto niya. Inuna ko ang nasa kanan ko at nakita na wala namang kalaman-laman iyon pati na rin ang kasunod kaya binuksan ko ang dalawa na nasa kaliwa. Napahinto ako nang makita ang loob.

Noong una ay hindi pa ako makapaniwala kaya hinanap ko ang switch ng ilaw sa gilid para makita nang klaro ang kabuuan ng kwarto. My eyes watered when I confirmed that the whole wall was covered with bookshelves. Empty bookshelves. May mahabang desk sa kanan at sa kaliwa naman ay isang grey na grand piano. I slowly walked towards the piano. I felt like my heart stopped when I saw a name engraved on it with cursive gold letters.

Oliana

Bumagsak ang katawan ko sa upuan ng piano. I held on to it for balance. It was covered with dust. The room was covered with dusts.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon