KABANATA 20

645 18 3
                                    

I'm Into You

——

JEONG-YEON

Dahan-dahan akong humahakbang palapit sa kinaroroonan ni Lisa. Mukha siyang ewan sa totoo lang, nakakunot kasi ang noo at parang galit na galit sa librong hawak niya.

Napapailing ako habang inayos nalang ang paglalakad. Balak ko pa naman sanang gulatin pero huwag nalang pala. Baka bigla akong mabato ng libro, eh.

"Bad mood ka ba, Lis?" bungad kong sabi base na rin sa nakikita ko. Ano kayang nangyari na hindi ko alam?

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya pero hindi man lang ako pinansin. Umasa pa akong ibababa niya ang libro pero hindi. Parang invisible lang ako rito sa harap niya.

"Lisa, hoy, may problema ka ba?" Umupo ako sa tabi niya kahit pa sa sahig lang siya nakaupo. Ginaya ko ang pag-upo niya, basta salampak lang. Actually, mayroon namang mga bangko rito. Dito lang talaga siya pumwesto sa gilid mismo ng bookshelf.

Naningkit ang mga mata niya. Siguro naramdaman na ang presensya ko.

"Bakit ka nandito, Yoo?" mahina niyang sabi pero hindi man lang umalis ang tingin sa binabasa nito.

Yoo, talaga. Hindi p‘wedeng Jeongyeon? Last name basis na ba ngayon?

"Hinahanap kita, hindi ka sumabay sa lunch kanina, eh."

"Nakakain na rin naman na ako. Gusto ko lang muna rito, walang magulo."

Magulo? May gumugulo ba sa kanya sa labas nitong library?

"Okay, so, ano nga?" Bahagya akong umurong paharap sa kanya. "May problema ka ba?"

"Wala 'no. Wala naman na akong work sa café, pati na rin kahit anong homework, maliban doon wala namang dapat problemahin pa."

Napairap nalang ako. Ang dami niya agad sinabi. Pwede namang mayroon o wala lang ang sagot, eh.

"Okay, kung wala eh 'di wala. Basta rito na muna ako," nasabi ko nalang at tumayo para humagilap ng mababasa. "Lisa, ano bang magandang basahin?" paghingi ko ng rekomendasyon niya habang sinusuri ang mga mahahawakan ko.

Doon lang siya nag-iwas ng tingin sa libro, umagat iyong paningin niya sa akin. "Kahit ano, Yoo, basta may mapupulot kang aral."

Okay, she has a point.

"Sige, pipili nalang ako ng mainipis."

Pagkatapos niyon ay bumalik din siya sa pagbabasa. Bumalik na rin ako ng upo sa tapat niya matapos makakuha ng librong natipuhan ko.

Tahimik lang kaming nakaupo, siya habang titig na titig sa libro at ako na palihim na tumitingin sa kanya habang kunwaring nagbabasa. Hindi ko mahulaan kung anong mayroon sa babaeng ito ngayon, basta ang nararamdaman ko lang ay naaapektuhan na siya.

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon