KABANATA 21

568 14 3
                                    

I'm Into You

——

LALISA

"Hoy, Lalisa!"

Hindi ako lumingon. Mas lalong hindi rin ako huminto. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ng library. Lumingon lingon pa ako sa paligid para humanap ng mapupuntahan. Then I decided na umakyat nalang sa rooftop nitong building.

Habang humahakbang paakyat ay iniisip ko kung bakit bigla akong naging bitter kanina. Hindi ko talaga alam kung bakit ako umalis. Basta ang pakiramdam ko lang ngayon, kailangan kong lumayo sa lugar na 'yon.

Kaibigan ko namang silang dalawa ah, pero bakit parang nagseselos akong makita silang magkasama. Usap-usapan din dito sa university na mayroon silang relasyon. Na mas lalong nagpapainis sa akin. Pero teka nga, bakit naman ako maiinis? Eh dapat nga masaya akong naging sila kasi pareho naman silang mabait, mayaman, at popular dito. Bagay na bagay sila sa mata ng lahat.

Letse talaga, kasalanan 'to ni Jennie eh!

Dapat hindi na siya nagbibitaw ng mga ganong salita kung hindi naman pala niya gagawin. Umasa ako eh! May pasabi-sabi pa siyang expect me to always be around you after this, tapos wala naman pala. Idagdag mo pa 'yong sinabi niyang expect the unexpected that could happen after this day, na sa tingin ko ay nangyari na nga.

I didn't expect na magiging close silang dalawa ni Kookie. Noon naman ay parang ang init ng dugo nila sa isa't-isa, pero ngayon parang nag-iba ang ihip ng hangin. May milagro bang nangyari na hindi ko alam? May ligawan man lang bang naganap sa kanila? Psh! Sa tingin ko talaga wala eh. Pinikot lang yata ng lalakeng 'yon si Jennie kaya bigla-biglang naging sila.

"Hey, watch out!"

Halos malaglag ang puso ko nang makitang may bolang papalapit na sa akin. Mabilis kong iniwas ang mukha ko pero sa huli ay natamaan pa rin ako sa pisngi.

Kagat-labi akong napahaplos sa mukha kong tinamaan. Hindi ko na sinundan pa ng tingin kung saan pumunta ang bola. Matapos kong pahirin ang kaunting dumi na naramdaman ko sa pisngi ay naglibot ako ng tingin sa paligid. Nandito na pala ako sa rooftop nang hindi ko namamalayan. Mayroong apat na pares ng mga mata na nakatingin na sa akin ngayon.

Bakit kasi rito sila naglalaro?

"Sorry, Miss, hindi namin sinasadya."

Napalingon ako sa babaeng kaharap ko, siya iyong humingi ng paumanhin sa nangyari. Hindi pamilyar ang itsura niya sa akin kaya napatango nalang ako rito.

"Hey, Long Leg, long time no see ah. Sorry pala, ako 'yung nag-spike."

Naningkit naman ang mga mata ko sa isa pang babae na umabante. Ang lakas ng loob nito. Tinawag pa talaga akong Long Leg sa harap ng mga kasama niya.

"Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan, mukha kang manok sa paningin ko." Pagkatapos ay lumakad ako palapit sa isang bakanteng upuan.

"You mean chic, Lalisa?"

Napairap ako sa sinabi niya. "Asa ka, Chewing Gum."

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon