KABANATA 13

1.2K 37 12
                                    

[ I'm Into You ]

——

LALISA

"Aray! Dahan dahan naman" reklamo ko dahil parang maleta lang kung hilain ni jungkook ang kamay ko.

"Ow sorry" He chuckled.

"Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko maiwasang mainis. Wala ba namang pahintulot na hinila ako palayo sa hotel. Kainis! Gusto kong mahiga e.

"Restaurant" tipid nitong sagot at patuloy lang sa paglalakad. Hindi na ako nito hinihila. Mukha na nga kaming mag-jowang magka-holding hands.

"Magpahinga muna tayo, nangalay ang likod ko sa byahe" I whined, dahil gusto ko na talagang magpahinga.

"E' basta, nandito na tayo oh" pagpilit nya pa at hinatak ako papasok sa loob ng hinintuan nyang restaurant. Hindi naman malakas ang paghatak nya, overacting lang talaga ako.

"Take a seat princess!" Hinila nya ang isang upuan at pina-upo ako.

Princess talaga?

"Thanks bunny" Nasabi ko nalang at ngumiti naman sya bilang sagot.

"Waiter!"

Agad namang lumapit ang waiter sa lamesa namin. Nilista nito ang lahat na pinagsasabi ni Jungkook at saka umalis na para kunin ang order namin.

"Maganda 'tong napili mong resto ah" puri ko sa lugar na ang aliwalas sa paningin. I like this place.

"Syempre naman ako pa" proud nya namang sabi. May kayabangan rin talaga ang isang 'to.

Kunot-noo ko syang tinignan nang walang pasabi nyang kinuha ang isa kong kamay. Sumenyas pa ito na lumapit ako ng kaunti sa kanya.

"O' bakit?"

"Secret lang 'to ah" bulong nya na tinanguan ko na lang.

"Huhulaan kita" bulong nya pa ring sabi kaya napatawa ako. Ano raw? Huhulaan?

Marahan pa nitong nilapat ang palad ko at saka nag-trace doon ng bilog.

"Baliw ka na Kook!" Hinatak ko ang kamay ko palayo sa hawak nya saka bumalik sa maayos na pagkakaupo.

"Haha, ayaw mo ba? Special skills ko kaya 'yun!" Mas lalo lang akong natawa sa sinabi nya.

"Special skills your face!"

Maya maya lang ay dumating na ang pagkain, wala rin kasi masyadong customer kaya mabilis ang service nila.

Habang nakain ay may narinig akong nabasag na baso. Sandali lang pagtapos n'on ay ang tunog naman ng padabog na pagsara ng pinto. Rinig ko pa ang pagtawag sa kanya ng 'Jen!' mula sa may pinto. Hindi ko iyon nakita dahil nakatalikod ako sa kanila. Naririnig ko lang.

Pero sandali.... Jen? Is that even possible na nandito din sya? Sobrang pamilyar ng boses no'ng sumigaw sa ganoong pangalan. Is that nay——?

"Lis okay ka lang?" putol ni jungkook sa iniisip ko.

"Oo naman"

Hindi ko sigurado, pero nakita kong ngumisi sya. Ibang pagngisi, na parang natuwa sa nangyayari na hindi ko alam.

+++

Itatanong ko ba 'to o hindi na lang? Bakit kasi bigla nalang akong kinabahan n'ong sumagi sya sa isip ko?

Aish bahala na!

"Jeongyeon?", pagtawag ko sa atensyon nya. She just hummed in response. Nasa cellphone pa rin nito ang atensyon nya habang nakahiga sa couch.

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon