KABANATA 22

558 14 2
                                    

I'm Into You

——

JUNG-KOOK

Nakatingin ako sa malayo habang iniisip ang mga ganapan sa buhay ko nitong nakaraang dalawang linggo. I've already get what I want, pero bakit parang hindi ako masaya? Gusto ko si Jennie, I'm so sure of it. Pero ngayong girlfriend ko na siya, bakit parang hindi ko maramdaman ang excitement na gaya noong nanliligaw pa lang ako?

"Okay ka lang ba, dude?"

Napalingon ako sa kaliwa ko. Tinanguan ko lang si Namjoon at hindi na nag-abala pang magsalita. Nawalan ako ng gana kanina nang dumating iyong kaibigan ni Lisa. Rinig na rinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila dahil hindi naman ako umalis, nagtago lang ako sa likod ng istante ng mga libro. And that's the reason why I'm in doubt. I feel so pathetic right now.

"Dude, bakit pala lagi mong kasama si Jennie?" rinig kong tanong ni Jin na siyang nasa harap ko na nagdi-dribble ng bola. "Kayo na ba? Akala ko tumigil ka na sa panliligaw."

"Hindi naman posibleng maging sila, hindi sila bagay."

Napakunot ang noo ko sa parasing na iyon ni V. Anong gusto niyang sabihin? Na mas bagay siya for Jennie?

"She's my girlfriend, last year pa naging kami," anunsyo ko sa kanila dahil totoo naman. Last year pa naging kami. Or should I say, last year pa siya pumayag sa usapan naming one month relationship dahil December 23 'yon.

Tinignan ko ang reaksyon ng mga kasama ko. Nakakatawa kasi pare-pareho silang hindi makapaniwala.

"Oh, really?" Si Jimin ang unang nakabawi sa kanila. I just nodded at him.

"Baka nagbibiro ka lang, Kook."

"And why would I joke about that, huh Yoongi?" mabilis kong depensa sa sinabi niya.

"Malay ko, baka trip mo lang mag-joke?"

"Damn you, eh di huwag kang maniwala!"

Napailing nalang siya at hindi na sumagot pa. Nilingon ko naman si Taehyung na siyang alam kong may crush sa girlfriend ko.

Why it felt so wrong every time I says the word girlfriend? Damn, so weird.

"Hey, V," inagaw ko ang atensyon niya. Tumingin naman siya sa akin. Mukha siyang lutang. "Okay ka lang na kami na?"

"Oo naman." Tumango pa siya bago ngumiti. "Congrats, Kook. Sana magtagal kayo."

Sana nga makaya kong patagalin ang relasyon na meron kami ngayon.

I gave him a big smile. "Thank you."

"Congrats sa inyo, dude. We're happy for you."

Napangiti naman ako kay Hoseok. "Thanks, bro."

"Let's play, three versus four," masiglang aya ni Jin na siyang nagdi-dribble pa rin sa harapan ko. Napailing lang ako sa kanya. "Bakit naman, busy ka ba?"

"No, but I need to see someone right now."

"Ah, si Jennie?" nakangiting palagay ni Namjoon at umakbay sa akin. "Boyfriend thing, ba?"

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon