KABANATA 11

1.1K 48 11
                                    

[ I'm Into You ]

——

LALISA

Hooo! Nakahinga din ng maluwag. Para akong masu-suffocate doon kanina.

Bakit ba gusto nya akong makilala?

Sa totoo lang talaga hindi ako kumportable kapag malapit sya sa'kin. 'Di ko alam kung bakit, pero sa tuwing malapit sya at natatanaw sya ng mga mata ko ay tumitibok ng mabilis ang puso ko. Para akong natataranta kapag nakatingin sya sa akin.

Sakit ba 'to? O naiilang lang ako. Pero ba't naman ako maiilang?

Ring! Ring!

(Anak nasaan ka na? Nakasakay ka na ba?) Bungad na sabi sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag.

"Ah hindi pa po Pa. Punuan po ang bus ngayon e" Sabay linga-linga ko sa paligid.

(Mag-ingat ka ah, madilim na ang daan)

"Lagi naman po akong nag-iingat. Si mama po ba okay na?" Nabanggit nya kasi kanina sa text na may lagnat ito.

(Hmm... pinainom ko na sya ng gamot kanina, saka wala pa pala akong nalulutong pagkain kasi ayaw akong pababain ng mama mo sa kusina) Medyo tumatawa nyang sabi.

Si mama talaga oh.

"Sige na po Pa, baka ma-snatch pa 'tong phone ko.... Bye!" tumatawa ko ding sabi at binaba na ang tawag.

Aish! Wala na bang maluwag na bus.

+++

JENNIE

"Sorry nayeon 'di na kita mahahatid, on the way na 'ko sa bahay"

(Ok lang Jen, papasundo na lang ako. Ingat sa pagda-drive!)

"Sige ingat. Bye" sabay baba ko ng tawag.

I sigh. Nawala ako sa mood sa nangyari kanina.

Pagkaalis nya ay nag-stay muna ako dito sa café ng ilang minuto. At heto na nga ako papasok palang ng kotse, pauwi na. Hindi totoo yung on the way na 'ko sa bahay, ayoko lang ng ingay ni Nayeon sa ngayon.

In-start ko na ang makina. Hindi na ako nag-abalang magseat belt, kasi kung mamamatay naman ako wala namang may pakialam. Maybe si Nayeon lang.

Pinaharurot ko na ito, pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay may natanaw akong matangkad na babae, sobrang pamilyar ng pigura nya.

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon