KABANATA 1

3.6K 60 13
                                    

[ I'm Into You ]

——

LALISA

"ARAAAAY!!"

Mahaba at malakas kong sigaw ng kurutin ako ni mama. Napabalikwas agad ako sa pagkakahiga. Halos rinig nga ‘ata ang pagsigaw ko hanggang sa gate ng village na'to.

"Mama naman e, ang sakit sakit ng kurot nyo!" reklamo ko habang hinihimas ang tagiliran ko.

"Abat! Bagay lang sayo yan, kanina ka pa gumising pero hindi ka parin bumabangon. Ni hindi mo nga napansin na pumasok ako sa kwarto mo. Ano bang iniisip mo't tulala kang babae ka!" mahaba at inis nyang pagsesermon sa akin.

Ganon ba talaga katagal akong nag iisip sa kanya?

Aish! ano ba kasing nangyayari sakin at iniisip ko ang babae na ‘yun.

"Tignan mo tulala ka na naman. May sakit ka ba anak?", puna pa ni mama sa akin. Hindi pa rin sya lumalabas sa kwarto.

"O Wag mo sabihing nag da-drugs kang bata ka! Malilintikan ka talaga sakin"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mama.

"Ma! Hindi ako nagda-drugs. May iniisip lang talaga ako. Saka ba't ko naman gagawin ang gumamit ng gan'on?"

Ganito talaga kami ka-close ni mama, kaya ganito kami mag-usap. Saka ako lang naman ang nag-iisa nilang anak, kaya mahal na mahal nila ako. Haha!

"Basta bilisan mo na dyan! Kanina pa nakaluto ang papa mo! Anong oras na at baka mahuli ka pa sa klase"

Hayy! Oo nga pala, Friday ngayon at may pasok pa. Makikita ko na naman sya— este mahuhuli ko na naman sya.

Bakit nya kasi laging ginagawa yun?

'Staring is Illegal'  yan ang lagi kong gustong sabihin sa kanya, pero mag mumukha naman akong assuming pag-ginawa ko iyon.

E’ pano ba naman kasi, pag nilingon ko sya, bigla syang iiwas o di naman kaya, tataasan ako ng kilay. Halata at huli ko namang nakatingin sakin.

Makapaghanda na nga lang! Baka malate pa ko nito.

Pumasok nako sa banyo at sinimulan nang maghubad at basain ang katawan.

_______

"Morning Dad and Mom" masigla kong bati pagbaba ko. Sakto namang nagkakape sila habang nagbabasa ng dyaryo si papa.

Bihis na ko at handa ng umalis, pero kakain muna ako bago yun.

"Mom? Dad? Ano ka mayaman?!"

Hay! Kahit kailan talaga si mama.

"Opo, MAYAMAN SA PAGMAMAHAL right Pa?" proud kong sabi at umupo para kumain.

"Oo naman, Prinsesa ko. Mayaman na Mayaman!"

Yan na naman sya sa 'Prinsesa' thingy nya, parang hindi kasi bagay.

"Yeah!, kain na po tayo"

"Ikaw lang, kanina pa kami kumain"

"Naku talaga si Mama, kay aga-aga ang sungit-sungit" sabi ko sabay subo ng hotdog.

"Eh paano kasi anak, mag memenopau–"  di natapos ni papa ang sasabihin nya ng pinasukan ito ng tinapay ni mama sa bibig.

Haha! Para silang bata.

"Kumain ka nalang ulit dyan, sabayan mo ang anak mo!" 

"Honey! Busog nako, kanina pa ko kumakain. Binibiro ka lang naman eh"  reklamo naman ni papa.

"Ohsya! Ohsya! Bilisan nyo na dyan, baka mahuli pa kayo sa trabaho at klase nyo"

"Opo!!"  sabay naming tugon ni papa.

"Ah Pa! Sabay nalang ako sa inyo, ayoko mag-commute ngayon eh"

"Okay sige anak"

"Idaan nyo narin ako sa palengke!"

"Opo!!"  sabay ulit naming sabi ni papa.

"Mag-ama talaga kayo!"

________

After 30 minutes. Nakarating din ako sa room. Mabuti naman at wala pa si Ms. Mendes. Kaunti pa lang din ang kaklase ko.

Naupo na ko at tinignan ang oras sa wall clock. 7:47 AM.

13 minutes pa pala bago ang klase. Kinuha ko ang phone ko at sinalpak ang earphones sa tenga. Bago pa man ako makapindot ng music ay may tumawag sakin mula sa pinto.

"Lisa-yah!", napatingin naman ako sa gawi nito.

Lumapit naman sya at umupo sa tabi ko.

"Oh Chae! Aga natin ngayon ah!"

"Haha! Oo naman... I Miss You Monkey!" 

"Miss you mo mukha mo, parang di tayo magkasama kahapon ah"

"Ah ganon ba, hehe"

Naku naman talaga oh, actually may isa pa yan. At hula ko parating na rin yun.

At hindi nga ako nagkakamali.

"LISAAYYAHH!!"  Nakakabingi nyang sigaw mula din sa pinto sabay takbo sa gawi namin.

"Shhhh... jisoo, natutulog si irene"  saway ni seulgi na nasa kaliwa namin.

"Ow sorry!"

"Yan ingay kasi" sabat naman ni chae.

"Ewan ko sa'yo chipmunk. So lisa, ano sama ka mamaya?"

"Remember may part-time ako diba. Sorry, di ako pwede. Next time na lang"

"Lagi ka nalang di pwede, puro ka nalang next time. Kelan ka ba magiging pwede ha?" naka pout nyang sabi.

"Wow jisoo ah, eh ngayon ka lang naman nag-aya eh!"

"Ah ganon ba, hehe" sabay kamot nya sa ulo.

See, mga baliw talaga. Napaface palm nalang ako ng wala sa oras.

"Bagay talaga kayong dalawa!"

"Pinagsasabi mo?" -jisoo

"O-oo nga, pinag-sasabi mo monkey?" -chae

"Wag na kayo magkaila, huli ko na kayo... remember sa CR" 

Nanlaki naman ang mata nila sa gulat. Di siguro nila alam na nakita ko sila... Hahaha natatawa na lang ako sa reaksyon nila.

"Confession sa CR, ang cheap nyo naman haha!"

"Yah! Shut up, monkey!" –chae

"This is embarassing... sige balik muna ako sa room ko. Bye!!" sabi ni jisoo at tumakbo palabas.

Haha! Ito namang katabi ko di na nakaimik pa.

"Ah sige monkey ako din aalis na muna"

"Hephep! Baliw ka ba, magkaklase tayo chae"

"Ah... haha oo nga pala"

"Wag ka mag-alala, okay lang sakin"

"Talaga? Diba kasi nangako tayo na walang talo-talo, walang magkakagusto sa isa't isa"

"Oo, pero naramdaman n‘yo na yan eh, hindi ko naman yan mapipigilan. At saka, masaya ako para sa inyong dalawa" nakangiti kong sabi at ngumiti din sya kalaunan.

Pagkatapos n‘on ay inayos na namin ang pagkakaupo dahil dumating na si Ms. Mendes, ang guro namin.

Sandali, ba't parang may kulang sa klase. Si.... si ano, wala pa.

Nas‘an kaya ‘yun? Usually kasi maaga ‘yung pumapasok, ba't wala pa sya ngayon?

Aish! Heto na naman ako.

Iniisip na naman ulit sya.

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon