KABANATA 26

694 19 3
                                    

I'm Into You

——

LALISA

"Okay ka lang, Lis?"

Wala sa sarili akong tumango kay Momo. Ano bang nangyayari sa akin? May gumugulo sa akin na hindi ko masabi. Parang . . . parang hindi ko gusto ang mga nakikita ko ngayon. Argh! Bakit kasi nandito sila? At saka bakit wala siya sa klase namin kanina?

“Huy, Lalisa, tinatanong ka!”

Napakurap ako nang may sumigaw malapit sa tainga ko. Sinamaan ko kaagad ito ng tingin. “Parang tanga naman, Seul, eh. Babasagin mo ba ang eardrums ko?”

“Oo sana.” Tumawa ito nang malakas kaya nakakuha siya ng hampas mula kay Irene. Ayan, mabuti nga sa 'yo. “Masakit, Bae!”

“Bae? Bae, talaga?”

“Ang sabi ko, Bae-by.”

“Tse! Mukha mo,” asik ni Irene at bumaling para tingnan ako. Napaayos naman ako ng pagkakaupo. “So, what's up? Crush mo pala si J?” usisa nito at binigyan ako ng isang malaking ngisi.

“A-Anong crush ang sinasabi mo?” naguguluhan kong sambit. Sa pagkakaalam ko wala akong crush, at wala naman akong sinasabi sa kanila. Saka hindi ko naman crush si Jennie!

“Deny pa, Lalisa, halata naman.” Napaawang ang bibig ko nang sindutin ako ni Jisoo sa tagiliran. Mabuti nalang at napigilan kong mapasigaw sa gulat. Mga bwiset talaga.

“Sabi ni Jeongyeon, crush mo raw si J,” ang sabi naman ni Bambam sa gilid ko.

“Gawa-gawa niya lang 'yon, wala akong crush,” nasabi ko nalang at uminom ng ice tea na kanina pa nawalan ng lamig. Hays. Pati itong pantawid uhaw hindi ko na rin nagugustuhan. “Guys, oorder lang ako ng bagong inumin,” pagpaalam ko bago tumayo at hindi na naghintay pa ng sagot nila. Dire-diretso akong nagtungo sa counter nitong cafeteria, walang lingon-lingon at baka may mahagip pa ang mga mata ko sa paligid. But I mentally groan when someone shouted my name. Naku naman, why now?

“Bakit?” tanong ko nang makita siyang nasa gilid ko na. Hindi ko alam pero nakakairita ang mukha niya ngayon. May pagngiti pa kasing nalalaman.

“'Di ba sabi ko ili-libre kita?” pagpapaalala nito sa akin. Napatango lang ako sa kaniya. “Ako na ang magbabayad, ano bang order mo?”

Napatitig ako sa mukha nito, parang gusto ko siyang sipain bigla palayo. Bakit ba ako naiinis sa lalakeng 'to? Eh, wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

“No, ako na ang magbabayad,” tanggi ko sa alok niya at kinausap na ang tindera para bumili ng bagong iced tea. “Padagdag mo ng yelo, Ate. Salamat.”

“Eh, paano na 'yong libre ko sa 'yo?”

Hinarap ko ito matapos kong magbayad. “Huwag na, Kook, itabi mo nalang 'yang pera mo para sa dates ninyo ni Jen.” Okay, bakit parang pumait yata ang dila ko ro'n? Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang tingnan ako nito nang makahulugan. Para kasing binabasa niya ako sa mata.

“Sige, if that's what you want.”

Hindi ko na siya pinansin pa at kinuha nalang ang ordered iced tea na inaabot ng tindera. Nakita ko nalang na naglalakad na ito pabalik sa puwesto nila ni Jennie. Wait. Where's Nayeon?

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon