KABANATA 28

508 16 0
                                    

I'm Into You

——

LALISA

May kung anong kumirot sa dibdib ko matapos kong maisarado ang pinto ng kuwarto. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko kanina habang nagsasalita siya.

She likes me.

Sinagot ng pag-amin niya ang lahat ng mga bagay na ginawa niya para sa akin. Una, iyong patingin-tingin niya sa akin palagi. Pangalawa, iyong pagnood niya sa practice at pag-offer niya na ihatid ako pauwi. At pangatlo, iyong nakakabigla niyang paghila sa akin palayo kay Jungkook at panlilibre niya sa akin noon sa souvenir shop.

“Pero bakit sa dinami-rami ng tao, ako ang nagustuhan niya? Wala namang kagusto-gusto sa akin, ah.”

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakaramdam na lang ako ng puwersa sa likod ng tuhod ko dahilan para mawalan ako ng balanse.

“Sabi na gutom ka, eh!” Halos mamatay sa katatawa si Tzuyu sa panti-trip niya habang naka-poker face lang ako at pinanonood itong tumigil. Nang mapagtanto niya na wala ako sa mood ay napatahimik siya at tumikhim nang malakas. “Ba't kasi kinakausap mo ang sarili mo, beh?”

“Bawal na ba kausapin ang sarili?”

“Bad mood ka 'ata? May...”

'Di ko na narinig si Tzuyu dahil lumipad na naman ang isip ko. Hanggang ngayon ay 'di pa rin bumabalik sa normal ang pagtibok ng puso ko. Para rin akong tinakasan ng kaluluwa dahil nawawala ako sa wisyo.

Mariin kong ipinikit ang mga mata para pakalmahin sana ang sarili pero nakita ko lang ang mukha niya habang nakatitig sa akin nang buong paghanga.

Ba't ba hindi ko pa napansin dati na may gusto siya sa 'kin? The way she look at me says it all! Ang tanga ko para 'di 'yon mabasa sa mga mata niya! Ngayon ko lang napagtanto na ibang-iba nga siya tumingin sa akin kumpara sa mga taong nasa paligid niya.

Her smile was also different.

Pati na pagkilos niya.

All this time ang tanga ko para 'di 'yon mapansin! Ba't ba iniisip ko na kesyo mabait lang siya kaya ganun lang talaga siya umakto?

Halos mapatalon ako nang makaramdam nang biglaang pagpitik sa noo na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

“Ano ba?! Ba't ka ba nananakit, Chewing Gum?!” Handa na sana akong gumanti kaso ibang mukha ang nakita ko sa gilid ko.

Si Jeongyeon.

Doon ko lang napagtanto kung nasaan ako. Hinanap ko si Tzuyu sa paligid. She's sitting next to Nayeon. Anak ng tipaklong! Paano ako nakarating sa cafeteria nang 'di ko napapansin? At saka 'di ko maalala na umupo ako sa tabi ni Jeongyeon. Gano'n ba kalalim ang iniisip ko?

“Ayos ka lang ba, Lisa? Kanina ka pa kasi tulala kaya napilitan na si Yoo na pitikin ka.” Si Nayeon na nag-aalalang nakatingin sa 'kin.

'Di ako nakaimik at nakaramdam na lang nang pag-akbay. “Sorry sa pagpitik, Lis. Eh kasi naman, kanina ka pa namin napapansing tulala at malalim ang iniisip simula nang dalhin ka ni Tzuyu. Sino ba 'yang iniisip mo?”

“Ba't sino agad? Mali 'yong tanong mo—”

“Shh!” Si Nayeon na siyang naintriga na rin. Maigi ako nitong pinagmasdan kaya 'di ko maiwasang mailang. “It's Jennie, isn't it?”

My heart suddenly beats abnormally. Bumalik na naman sa diwa ko iyong nangyari sa kuwartong iyon.

“Hey, si Jen ba?”

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon