KABANATA 25

712 17 3
                                    

I'm Into You

——

JENNIE

"Hey, bakit parang malungkot ka?"

"I'm always like this, Nayeon. Anong bago?"

Walang pasabing pinitik niya ang noo ko. Mabilis akong napatayo at hinampas siya ng unan. Nagtatatakbo siya paikot sa kuwarto kaya binato ko nalang siya ng sapatos kaysa makipag-habulan pa.

"You're too much, hinampas mo na nga—"

"Shut up nga, Nayeon."

Inirapan niya ako saka muling hinagis ang sapatos sa akin. And me, having a good reflexes, nasalo ko ang sapatos nang walang kahirap-hirap. Mas lalo naman siyang nainis sa ginawa ko.

Nagpapapadyak pa siyang umupo sa tabi ko. "Jen, bakit ka na naman ba kasi nandito? Kanina pa ako paikot-ikot para hanapin ka."

Kasalanan ko pa ngayon na napagod siya?

"Duh, I'm just here, parang hindi mo naman alam," walang gana kong sabi at sumandal sa sopa.

"'Yun na nga eh, kumatok na ako rito kanina, wala namang sumasagot." Napairap pa siya sa akin. "Hindi mo lang talaga ako gusto papasukin, ano?"

"Oh, then what are doing here now?" Napairap na naman siya habang napangiti lang ako. "Ano ba kasing kailangan mo?"

"You can't fool me with that smile. Anong problema?"

"Nothing's new, I'm always problematic," I casually said.

"Jen, naman eh." Tumayo ito at pinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat ko. "I know something's happen in resort. Sabihin mo sa akin kung bakit lagi kayong magkasama ni Jungkook."

Tinitigan ko siya sandali bago inalis ang mga kamay niya. Bukod sa mabigat iyon, ayoko rin nang hinahawakan. "You don't have to know, I already had a companion."

Naningkit naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "You have a new companion now? What about me, Jen? Akala ko ba best friends tayo?" parang maiiyak na tanong niya.

Crybaby na rin ba ang babaeng 'to?

"Oo na, sasabihin ko na. Tumigil ka nga, para kang ewan diyan." I rolled my eyes when she smiles. Sabi na eh, arte niya lang talaga 'yun. "Jungkook and I made a deal, we're in a relationship."

"W-What?"

Napairap ako sa hangin. Slow ba 'to o nagulat?

"I need to be her girlfriend for one month, alam mo na kung bakit," pagpapaliwanag ko. Akala ko naman gets niya na ang sinabi ko pero nakakunot pa rin ang noo niya. "My gosh, Nayeon. That was the exchange for keeping my secret. Nakuha mo na ba?"

"Jen..."

Parang nawala naman bigla ang pagka-inis ko nang mahimigan ang boses niyang parang nanghihina.

"Bakit?" I stared at her. Ngayon ay naluluha na siya sa harapan ko. "Why are you crying ba, Nayeon?"

"Jen, are you okay with that? Bakit ka pumayag? Hindi ba sabi mo ayaw mong—"

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon