KABANATA 29

457 18 0
                                    

I'm Into You

--

LALISA

"Anong hindi ka papasok? Gusto mo bang bumaba 'yang grades mo, ha?!"

Napatakip ako ng mga tainga sa ingay ni Mama. Umagang-umaga talaga iyong bunganga niya nangraratrat eh. Kung 'di nga lang ito sapilitang pumasok kanina sa kuwarto ko, hindi ako tatayo at mag-aabalang lumabas ng kuwarto.

Kung alam mo lang kung anong nangyari, Ma.

"Kahit ngayong araw lang po, dalawang subject lang naman 'yung papasukan ko today eh."

"Bakit ba tamad na tamad kang pumasok, ha? May kaaway ka ba sa school?"

"Wala akong kaaway, Ma, tinatamad lang po talaga ako kumilos."

Napabuntong-hininga na lang si Mama na parang suko na siyang kausapin ako. "Oh siya, sige magpahinga ka na lang. Huwag ko lang talaga malaman-laman na may iniiwasan ka sa eskuwelahan," bulong pa niya sa dulo.

Grabe si Mama, nagbanta pa oh.

Napatango na lang ako bago komportableng nahiga sa sopa. Papikit pa lang sana ako nang may umalog sa akin, parang may galit pa nga ito dahil niyugyog talaga ang balikat ko.

"Kung matutulog ka lang din, doon ka sa kuwarto mo! Iisipin ko na lang na wala ka sa bahay at nasa school ka."

Kulang na lang ay bumagsak ang panga ko habang nakatingin sa kaniya. Iyong totoo, anak ba talaga ako nito? Mas mabuti pa yata na makipagtagu-taguan na lang ako kay Jennie sa loob ng campus kaysa bungangaan ng nanay buong araw.

I sighed. Malaking pagkakamali yata na hindi ako pumasok ngayong araw.

Hindi na ako umimik at nakasimangot na pumanhik na lamang papunta sa kuwarto ko. Kung kaya ko lang hilain ang kabinet para iharang sa pinto at hindi makapasok si Mama, ginawa ko na. Kaso wala, nanghihina ako at ayoko ring mabalian ng buto. Kaya ang ending, binalot ko na lang ng kumot ang sarili nang makahiga ako sa kama.

Pumikit ako hanggang sa nawalan na ako ng koneksyon sa paligid at sa lahat.

Mahimbing ang tulog ko nang bigla akong namulat. Tumama ang tingin ko sa kisame ng bahay. Agad-agad, biglang pumasok sa isip ko iyong nabasa ko sa facebook na kapag daw bigla kang nagising at kung saan tumama ang tingin mo, may multo raw na nakatitig sa'yo mula roon.

Bilang miyembro ng matatakutin club, napaiwas ako ng tingin sa kisame. Pero doon naman ako halos mamatay sa gulat. Muntikan pa akong malaglag sa higaan dahil sa sobrang pag-atras.

"A-A-Anong gina...ginagawa mo rito?" Pinanatili ko ang sarili kong kalmado kahit maputol-putol na ang boses ko dahil sa kaba. Paano ako kakalma? She's here!

"I'm visiting you."

"Ba-Bakit?"

"Cause I want to court you."

Hindi ako nakasagot dahil sa narinig, dagdag pa na sumilay ang gummy smile nito na siyang nagpalambot lalo sa akin.

Humakbang ito palapit dahilan para tuluyan akong mahulog sa kama. Hindi ko na pinansin at dinaig na lang ang dalang sakit sa pang-upo ko. Tumayo ako na parang walang nangyari.

"Ano ulit 'yong sinabi mo?" I congratulated myself for not stuttering.

Hindi ito sumagot at umupo lang sa kama. Marahan niyang tinapik ang parte ng higaan na parang sinasabi na maupo ako roon pero nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kaniya.

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon