KABANATA 10

1.1K 33 12
                                    

[ I'm Into You ]

——

LALISA

Ilang araw ang lumipas, halos patapos na rin ang week ng intrams. Hindi ko na nagawang manood ng other contest and games dahil sa pagpa-practice namin.

Si jungkook na kinukulit akong manood ng game nila na basketball ay hindi ko rin napagbigyan.

And now its Friday, ibig sabihin ngayon na ang laban namin. Masasabi kong handa na kaming lahat ng kagrupo ko mamaya. Pero 'di ko maitatanggi na medyo kinakabahan ako.

Ganon naman 'di ba pag first timer ka?

Saka narinig ko na magju-judge daw ang owner ng school na si Mr.Kim, kaya masyadong pressure.

"Lis, okay ka lang?", marahan nitong tapik sa balikat ko. Nilingon ko sya sa likod. Si Jeongyeon lang pala.

"I'm okay. Kinakabahan lang ng 'unti, kasi 'di ba bigatin yung mga hurado mamaya"

"Kaya mo yan! Saka sure akong magugustuhan ka ni Mr.Kim", nakangiti sya at napakunot naman ang noo ko.

Magugustuhan? Ako?

Tinignan ko sya ng makahulugan at bago pa ako makapagsalita ay inunahan nya ako.

"Ang ibig kong sabihin, 'yung performance natin sure akong magugustuhan nya 'yun", saka sya tumawa ng pilit at nag-iwas ng tingin.

I'm confused sa kinikilos nya this past few days. May tinatago ba sya sakin?

"Teka nga Jeongyeon. May hindi ka ba sinasabi sa'kin?", hindi na ako nakatiis at tinanong ko na sya.

"Huh? Wala 'no. At saka ano namang dapat kong sabihin?"

Wala nga ba?

"Guys! Malapit na magsimula ang program. Get ready in 20 minutes!", pasok ni seulgi at nagtungo na sa iba pa naming groupmates.

"Lis una na ko sa'yo ah", paalam ni Jeongyeon at iniwan na ako para mag-ayos.

Sana kami ang manalo. We gonna make it for sure!

+++

NAYEON

Nasaan na ba si Jen?

Kanina ko pa kasi siya tinext na pumunta na dito pero wala pa.

Siguro nagmumukmok na naman 'yun, hindi kasi pinanood ng Lisa nya ang game namin noong miyerkules.

Ang kapal mang-angkin, e hindi naman sya napapansin. Tsk tsk tsk.

Napailing muna ako bago napagpasyahang puntahan sya at sunduin nalang. Sure akong nasa private room nya lang yun.

Ngunit bago pa ako makalakad ay nakita ko si Jeongyeon na papalapit sa gawi ko. Imbes na salubungin ay hinintay ko nalang syang makarating sa'kin.

Come to me baby!

"Nayeonie, pupuntahan mo ba si Jen?"

Bakit parang lagi nyang nababasa ang kinikilos ko?... Pero wait!... Kinikilig ako momsh, tinatawag na naman nya ako sa ganong pangalan. Wahhh...

Halos mapunit na ang labi ko sa todong pag-ngiti sa kanya. "Yup, papunta nga ako sa kanya"

"Tara samahan na kita" Tumango lang ako at sabay na kaming lumakad.

"Kumusta na pala yung plan?", pag-oopen nya ng topic sa sandaling katahimikan na namagitan sa'min.

"Moves, not a plan"

I'm Into You  | JenLisa AU [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon