ch.39

2.6K 110 2
                                    

(A/N HELLO SAINYO PLEAS DON'T COPY MY STORY AND DON'T UPLOAD TO OTHER SITE AT KUNG MAY NAKITA KAYO NA NAG COPY NUNG STORY NA TO PLEAS CHAT ME AND INFORM ME.. THANK YOU)



Akiro pov

"Manang ilang taon ka nang naninilbihan kay xiever?" Tanong ko kay manang habang nakain ako.

Inaya ko kanina si manang na sumabay na sakin pero busog pa daw siya dahil sa kinain niya kanina.

At naka uniform na ko dahil papasok ako sa school at nababadtrip ako dahil panigurado pagpasok ko ng school tambak na ko ng mga gagawin.

"Bata pa lamang si senyorito ng mag silbi ako sa kanila.. hay nako.. grabe ang pinag daan niyang batang yan.." kwento ni manang na medyo hindi kona kinagulat.

Nabangit na din ito ni honey sakin kaya hindi na ko nagulat pa.

"ahhhh eh yung tungkol po sa office niya.. di po ba talaga kayo naka pasok dun?" Takang tanong ko.

Bigla ko kasing naalala yung nangyari nuon nung pumasok ako sa opisina niya.

"Aahh ito atin atin lang ito iho.. ahh simula ng makabalik si senyorito mula sa state naging ay lagi lang siyang nasa opisina niya at madalas hindi talaga siya lumalabas dun minsan din nakakarinig kami ng mga kalabog mula duon.." pag kwekwento ni manang.

"Kalabog?" Takang tanong ko.

"Oo kalabog ng mga nabasag na gamit... At laging mababakas sa itshura niya nuon ang galit.." pagpapatuloy ni manang.

Ano ba talaga ang nasa loob ng opisinang yun at ayaw niyang ipakita?

"Manang may susi po ba kayo ng opisinang yun?" Takang tanong ko pero hindi nag salita si manang pero ilang saglit pa ay tinignan niya ko ng kakaiba.

"Wala.. ngunit may alam akong ibang daanan papasok sa opisina ni senyorito.." sagot ni manang kaya naman nag kunot ako ng nuo.

"Saan? May iba pa bang pintuan bukod dun?" Taka kong tanong ulit.

"Pero una sa lahat mangako ka muna na hindi mo ito ipagsasabi sa iba.. dahil baka malintiyan ako ni senyorito kung sakali.." saad ni manang na medyo napatawa ako dahil sa itshura niya.

"Oo naman po.. ako pa ba.." sagot ko

"Napansin ko ito nuon habang naglilinis ako ng labas.. yung bintana sa opisinang yun ay malake at madalas na naka bukas.. panigurado nakakaligtaan ni senyorito iyon na isara..." Pagkwekwento ni manang.

"Bintana? Pede mo ba ko samahan dun manang curious lang talaga ako sa loob nung opisina na yun?" Tanong ko at nakita ko naman ang pagdadalawang isip ni manang at kalaunan at tinanguan niya din ako.

"Halika at sumunod ka sakin" aya ni manang kaya kaagad naman ako tumayo sa upuan ko at sumunod kaagad ako.

Naglakad kami papalabas ng bahay nato at nasa bandang gilid na kami ng bahay at napansin ko lang na madami palang naka palibot ditong halaman.

Ilang saglit pa ay biglang huminto si manang kaya naman huminto na din ako at totoo nga ang sinabi ni manang na naka bukas yung bintana.

"Ito na yun iho.. gusto mo bang pumasok?" Tanong ni manang kaya naman tumango ako kaagad.

"Sige ikaw na ang mauna" saad ni manang kaya kaagad naman ako lumapit sa bintana at pumasok ako dun, hindi din naman kasi kataasan yung pagitan nung bintana kaya di na ako nahirapan.

"Iho.. hihintayin na lang sita dito at kung may kailangan ka sabihan mo lang ako!" Sigaw ni manang mula sa labas.

"Sige po!" Sigawko din pabalik.

Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid at napansin kong mas maayos ito ngayon kaysa nung unang punta ko dito.

Lumapit ako sa lamesa dahil may nakita ako duon na mga papeles na naka salansan.. pero kaagad naman natawag ng pansin ko yung isang envelop, kung hindi ako nagkakamali ito ung envelop na nakita ko din nuon.

Kaagad kong kinuha yun at binuksan, at dahan dahan ko inilanas ang nasa loob at ang unang bumungad sa akin ay isang information or birth certificate at nakita ko yung babae sa gilid ng papel..

Ito din yung babae na nakita ko last time at kahawig naman ng babaeng to yung.....

Y-yung kay amira..

Ngayon ko lang naalala, yung picture na pinakita sakin ni amira.. ito yung babae dun...

Ito yung sinasabi ni amira na nanay daw namin...

Pero bakit na kay xiever to?

Pumikit ako saglit at inilapag ko muna sa lamesa yung naunang papeles upang makita ko yung susunod----

A-ako to.. bakit nandito yung birth certificate ko? At bakit iba ang pangalan ko? Iba din ang naka lagay na parent..

Saglit---.. muli kong binalikan yung birth certificate nung babae at binasa ko kung ano yung pangalan niya at mas lalo akong nag taka ng kapareha yun ng nakalagay sakin

Inilapag ko sa lamesa yung Birth certificate na hawak ko at nakita ko din dun yung kay amira pero hindi ko na yun binasa at inilapag ko muli yun sa lamesa

At ang sumunod na pahina ng papeles ang umagaw aa atensyon ko dahil sa nakasulat dito.

Isa yung printed ng dyaryo at english ang mga naka sulat kaya naiintindihan ko.

Sinimulan ko na iyon basahin..

2009? April 11?lady precilia?? kidnapped? Twin?

Nagtaasan ang balahibo ko ng muli kong tinignan yung larawan nung babae na naka imprinta din sa dyaryo... Siya yun..

Siya yung babae na una kong nakita kanina.. s-siya...

Pero imposible.. hindi pwede.. imposible na siya yung totoong magulang ko at kapatid ko si amira..

Imposible lahat ng nakasulat dito!!

Unti unting nanghina ang kamay ko dahil sa panginginig kaya naman nahulog ko ang mga papeles at nagkalat yun sa sahig..

"Haaaa aaaahhhh m-anang.. aaaahhh haaa" pilit kong sigaw ngunit may kung anong naka bara sa lalamunan ko at di ko magawang sumigaw..

Nag simula na ding sumakit ang ulo ko at nawalan na ko ng balanse sa katawan ko at di kona napigilan na bumagsak..

"Timothy run!!"

"I said run!!"

"BANG!!"

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang pagsakit ng buong katawan ko lalo na ang ulo.

Pero.. yung boses na yun... Pamilyar sakin yun..

K-kaninong b-boses yun.. nasaan na yung boses na yun...

"Aaahhhhh haaaaa..!!!" Malakas kong sigaw ng bigla na lang kumirot ang puso ko.

Ang sakit...

Sobrang sakit parang may kung anong gustong pumasok sa katawan ko..


"AKIRO!!! IHO ANONG NANYAYARI SAYO!!"

Unti unti na kong hinihila ng dilim at di ko na din mapigilan na hindi ipikit ang mga mata ko...

H-hindi ko alam ang nangyayari..

****

Obsession (BxB) (Mpreg)(COMPLETE)Where stories live. Discover now