ch. 58

2.5K 90 18
                                    

DON'T UPLOAD TO OTHER SITE AT KUNG MAY NAKITA KAYO NA NAG COPY NUNG STORY NA TO PLEAS CHAT ME AND INFORM ME.. THANK YOU)

________________

Akiro pov

"Hehehe tanginamo felix" bulong ko sa gilid ko kung saan siya naka upo dahil halos balutin nang kakaibang atmosphere ang kwarto.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa kahit si felix alam kong ramdam niya din.

"Aba malay ko bang magkaaway yan" bulong niya din kaya naman napag desisyonan kong basagin ang katahimikan.

"O-oi hahha akala ko nag ayos na kayo  pagkatapos kong umalis ng school mukhang mas lumala away niyo ah" pabiro kong saad.

"Hindi naman kami nag away.. teka kamusta ka na pala?" Taong ni emman sabay ngiti.

"Ako ayun ayos lang" sambit ko

"Eh bakit ka umalis ng school?" Tanong niya ulit.

"Mahabang kwento hahaha" pilit kong tawa pero kaagad naka agaw nang pansin namin ang padabog na pag tayo ni gerald.

"Let's talk" madiin niyang aya kay emman na ikinakunot nang nuo ko at tinignan ko si felix na naka kunot din ang nuo

"Hu? Nag uusap na tayo ahh.. " naka ngiting sagot lang ni emman pero mas lalo pa sumama ang timpla nang mukha ni gerald.

Ngayon ko lang din naamoy parang amoy sigarilyo at alak si gerald at halos ang laki ng eyebag.. nag aadic ba to?

"You know what i mean" madiin niyang turan pero ngumiti lang si emman aktong hahawakan niya na sana si emman nang nakalayo ito kaagad sa kaniya.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo dito" sambit ni emman at sa pagkakataon na to nawala na din ang ngiti niya sa mukha.

Sabi na eh mali talagang pinapunta namin sila dito.

Napansin ko naman na tumayo na si felix at punagitna na sa kanila.

Popcorn na lang kulang dito

"Alam niyo mga pre huminahon lang kayo nasa ospital tayo" awat ni felix sa kanila at muling umupo si emman sa upuan na parang wala lang habang si gerald padabog na umupo.

"Ahhahhaa ano bang problema? Pag usapan natin? " Tanong ko habang pilit na pilit tumawa.

"Wala namang problema.. "sagot ni emman pero hindi ako dun konbinsido dahil kay gerald.

"Let's talk.. " aya ulit ni gerald kay emman at pakiramdam ko wala siyang pakealam kung nandito kami ni felix o wala at dahil mukhang seryoso talaga ang away nila nagsalita na ako.

"Brad hindi sa nangengealam ako pero bakit di niyo na lang pag usapan dito?" Takang tanong ko pero tinignan lang ako ng masama ni gerald.

Amp sarap tusukin ng mata..

"Emman.." tawag niya at narinig ko ang pag hinga niya ng malalim at sobrang tahimik ng paligid.

"Let's talk..." Dugtong niya at kulang nalang ay lumuhod na siya ngayon dahil sa boses at itshura niya.

"Tangina mo felix" bulong ko sa kanya.

"Bakit ako?" Taka niyang tanong at sobrang damang dama na namin ang tensyon. Tang ina.

"Hintayin moko sa labas" seryosong turan ni emman at halata sa mukha niya ang pag aalinlangan habang si gerald naman ay kaagad na lumabas tulad ng sabi ni emman.

"Sa susunod ulit mga pre.." paalam ni emman sabay ngiti na parang walang nangyari.

"Ano kayang gagawin nung dalawa?" Takang tanong ni felix pagka labas ni emman.

"Napaka chiamoso mo"

"Dyan ka lang sundan ko yung dalawa" sambit niya kaya kaagad kong hinila yung damit niya.

"Teka sama ako"

"Oh akala ko ba inde ka chimoso?" Tanong niya.

"Curious lang" sagot ko at shaka kami lumabas na dalawa at wala sila dun.

"Nasan kata yun?" Taka kong tanong

"Pst... Dito halika"  tawag sakin ni felix kaya lumapit naman ako at nandito kami sa tapat ng cr, at dahil walang kahit na sinong pasyente sa floor na to bukod sakin ay walang nakakakita samin.

Idinikit ni felix yung tenga niya sa pinto at ganun din ang ginawa ko.

"Diba may sasabihin ka? Sabihin mona--" boses ni emma yun ahh.

"Pst dito tignan mo" manghang sabi ni felix na parang may nakitang kung ano at sa maliit na butas malapit sa pwesto niya ay sumilip din ako.

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung paano halikan ni gerald si emman at habang tumatagal unti unti na din gumanti nang halik si emman

Anong nangyayari? Grabe...

"Oy oy ako naman.." bulong ni felix at tinulak pa ako ng bahadya.

Demonyong to ibang level ang pagiging chismoso.

"Are you satisfied? Or do you want to have sex here?" Rinig kong tanong ni emman.

M-may nangyari na sa kanila? Kailan pa??

"That's not what i want.. listen to me--"

"I don't want to hear.. kung ayan lang ang sasabihin mo.. aalis na ko" putol ni emman sa sasabihin ni gerald.

"Emman..." Tawag ni gerald at---

"Pst tago bobo lalabas sila" biglang sabi ni felix kaya naman kaagad kami bumalik sa kwarto kung saan ako naka confine at mula sa pwesto namin ay naka silip parin kami sa labas at tanaw parin namin sila.

Kakalabas lang nila at pilit na hinahabol ni gerald si emman hangang sa bumaba na sila sa floor na to.

"Akala ko hindi totoo yung chismis" biglang anas ni felix kaya naman napahinga din ako nang malalim kahit naman ako nabigla.

"Pero problema nila yun ayoko nang makialam" sambit niya at ako naman at naglakad na papunta sa kama at humiga na ako dun.

"Hays nakakaasar naman tangina" bigla niyang bulalas kaya naman tinignan ko siya nang naka kunot nuo.

"Problema mo?" Taka kong tanong at tinignan niya ko ng masama

"Bakit ako pa kailangan maging single? Lahat na kayo may mga sarili problema nakakatangina na malapit na pasko pero wala pa din ako love life" reklamo niya na ikinasingkit ng mata ko.

Sa dami kong problema dumagdag pa siya.

"Walang papatol sayo sa panget mong yan" pang lalait ko.

"Pasalamat ka at mataas lang standard ko sa babae kung hindi mas madami pa jowa ko sa inyong lahat" pagyayabang niya----

"What's happening here?" Bigla kaming natigilan ng mag bukas a g pinto at nakita namin ang ate niya at si xiever na mag kasama.

Ulit. Magkasama sila ulit

Tinignan ko si felix at bigla naman naging seryoso ang mukha niya din.

"Why are you here?" Tanong nang ate niya sa kaniya.

"Dinadalaw ko siya.. masama nabang dalawin ang kaibigan ngayon?" Tanong niya shaka siya sakin lumapit at nakipag peace bumb.

"Alis na ko bro.. quarter 7 na pala hays" saad niya shaka siya lumabas at nang tignan ko si xiever nakatingin lang din siya sakin kaya umiwas na ako ng tingin.

"I have to leave too.." rinig kong turan ni honey shaka lumabas.

Ngayon kaming dalawa na lang..

________________
*****

(A/N Im sorry for the late UPDATE it should be 5 chapter but there's an emergency near to my area so i need to stop.. updating but i will continue soon thanks for the LIKES, VIEW, AND FOR MY FOLLOWERS IM SO THANKFULL🥰🥰🥰)

Obsession (BxB) (Mpreg)(COMPLETE)Where stories live. Discover now