ch: 69 I love you too.

998 13 6
                                    

DON'T UPLOAD TO OTHER SITE AT KUNG MAY NAKITA KAYO NA NAG COPY NUNG STORY NA TO PLEAS CHAT ME AND INFORM ME.. THANK YOU)

___________


Akiro pov

--4 months and 2 weeks

Bagsak ang balikad ko habang naka upo ako sa kama, kakagaling lang kasi namin sa clinic para mag pa ultrasound pero wala.

Naging excited pa anamn ako dahil kambal daw pero wala pading nadedetect na reproductive organ, ang hinala ng doktor ay baka late development daw or abnormalities na talaga nila. Baka daw ayun ang side effects ng male pregnancy.

Under observation pa din ang sitwasyon ko ngayon at hindi ako mapalagay.

Ayokong lumaki sila ng may kahit na anong sakit. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot dahil sa mga posibleng mangyari.

Nasa baba ngayon si xiever dahil pinababa ko siya ayoko lang muna ngayon makita ang mukha niya.

Ayokong aminin lahat ng kinakatakutan ko at lahat ng 'what if ko' dahil baka mas lalo lang ako ma stress at ikasama lang lalo yun ng pagbubuntis ko.

Humiga ako sa kama at shaka ako tumingala sa kisame, ito na ba yung karma ko dahil ginusto ko sila ipalaglag nuong una?

Hindi ko maimagine ang sarili ko ngayon kung mawawala pa sila sakin, siguro dahil ito lang yung nag iisang koneksyon na meron talaga kai ni xiever. At siguro sabik lang din talaga ko makabuo ng pamilya.

Pero nasa tamang panahon ba kami para dito? Nagkakagulo pa ang lahat at tumakas lang kami, ayoko na sanang isipin si amira pero.. nag aalala pa din ako.

Masama ba kong kapatid kung gusto ko munang unahin ang sarili ko? Gusto ko munang maramdaman yung totoong pagmamahal na hindi ko nakuha sakanila, sakanya.

T-tungkol sa pagkamatay ni mommy.., wala pa din akong matandaan parang may kung anong harang ang pumipigil sakin para kalimutan ko ang gabing yun..

Pero.. wala naman akong kasalanan diba??

Kung may karma man na darating wag ang anak k-ko.. sakin na l---

"Are you still sleeping?"

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses niya, hindi ko namalayang pumasok pala siya sa kwarto.

Umupo ako ulit shaka ko siya tinignan, "kanina kapa?" Tanong ko pero imbis na sagutin ang tanong ko ay lumapit siya sakin at umupo din sa kama.

Pinalibot niya ang kamay niya sa buong bewang ko at shaka ako hinalikan sa sintido, ano na naman drama neto?

"Everything's are going to be fine, so don't worry" anas niya shaka niya hinawakan ang medyo maumbok ko ng tyan----

Napahinto kaming dalawa ng may marinig kaming malakas na kung anong bagay na galing sa labas, kung hindi ako nagkakamali, tunog ng helicopter yu----

"BANG!"

..

...

"Get down!!" Sigaw ni xiever at bigla na lang ako hinila pababa sa kama.

"BANG!!"

"BANG!!"

"BAANNG!"

Tuloy tuloy ang putok ng baril na naririnig ko, habang  hawak hawak naman ni xiever ng mahigpit ang braso ko.

"RRRIIINGGG!!"

"RRRIIINNGGG!!"

"RRRIINNGG!!"

Obsession (BxB) (Mpreg)(COMPLETE)Where stories live. Discover now