ch59

2.5K 84 11
                                    

DON'T UPLOAD TO OTHER SITE AT KUNG MAY NAKITA KAYO NA NAG COPY NUNG STORY NA TO PLEAS CHAT ME AND INFORM ME.. THANK YOU)



___________________






Akiro pov

Katahimikan ang bumabalot sa loob nang kwartong to ngayon, habang sobrang kaba naman ang nararamdaman ko.

Huminga ako nang malalim shaka ako sa kaniya tumingin, ngayon ko lang din napansin na naka upo na siya sa sofa habang naka sandal at naka pikit

Mukhang sobrang dami niyang ginawa ngayon, halata kasi ang pagod sa mukha niya.

Ilang sandali pa at napagpasyahan ko na umalis sa kama na hinihigaan ko at naglakad ako papunta sa pwesto niya.

Nang makarating na ko sa tapat niya, mukhang hindi niya pa nararamdaman ang presensya ko.

Naalala ko bigla yung una ko siyang nakita, nandun siya sa damuhan malapit sa bakod namin at saktong parehas kami na gustong mag tago nung mga oras na yun.

Marami din siyang mga pasa at sugat katulad ko, at nung mga oras na yun imbis na gisingin ko siya tumabi ako at natulog din.

"What are you doing?" tanong niya bigla na nagpabalik sakin sa realidad at nang tignan ko siya, nakita kong pumupungay pa ang mata niya.

Sa sandaling iyon hindi ko maiwasan na hindi makipagtitigan nang mata sa kaniya.

At habang tumatagal lalo kong naipagkukumpara ang mga mata niya nuon at ngayon.

Halos walang pinag kaiba.. matamlay at wala masyadong emosyon ang makikita.

Tila may sarili namang isip ang mga kamay ko dahil unti unti ko itong inangat at inabot ang mukha niya.

"S-sorry" hindi ko alam kung bakit ko yun sinabi pero nabigla ako nang tinabig niya ang kamay ko na naka hawak sa kaniya.

"Let's end thise" turan niya na nagpakunot nang nuo ko.

"You don't have to force yourself anymore.. you're free now" sabi niya at sabay ngisi na lalo ko pang ikinataka.

Nabalik na lang ako sa sarili ko nang tumayo siya.

"S-san ka p-pupunta??" Utal kong tanong.

"From now on stay away from me.. you can leave the house and you can still stay there, do whatever you want" pagkatapos niyang sabihin yun, akmang tatalikod na siya upang umalis nang hawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya.

"Teka.. mag usap tayo.. "

"I have to go" lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa kaniya

"Pero kakarating mo lang!"  Malaks kong sabat at humarap naman siya sakin at kaagad na sumalubong sakin ang malalamig niyang tingin.

"Aalis ka na lang? Ganun na lang yun? Pano ako? Hindi mo man lang ba ako hahayaan na magpaliwanag---"

"Don't make me laugh.. i saw you here with other men laughing and spending together all time, while me---!" Huminto siya saglit shaka niya tinangal yung kamay ko na naka hawak sa kaniya.

"I wait for you all day! But it's look like you do. Have decision.. even you have your memory.. you still hate me. Hah?" Sarkastiko niyang sabi kaya iniyuko ko ang ulo ko dahil sa mga katanungan na biglang sumagi sa ulo ko.

"Eh ikaw.. Minahal mo ba ko?" Tanong ko at dahil wala akong nakuhang sagot sa kaniya nang ilang minuto nag taas ako nang nuo at kaagad sumalubong ang malalamig niyang tingin.

"Hindi moko minahal. Tama ba? Hindi moko kayang mahalin bilang akiro.." saad ko at shaka ako ngumiti sa kaniya kahit na sa kaloob looban ko ay dinudurog na ang buong pagkatao ko.

Obsession (BxB) (Mpreg)(COMPLETE)Where stories live. Discover now