5-Sacrifice

8.9K 119 2
                                    

When she closed the door behind her, agad niyang pinakawalan ang hanging kanina pa namuo sa dibdib niya. Kung puwede niya lang isarado ang pinto ng padarang ay ginawa niya na.

Antipatiko na bastos pa! Apo ba talaga yon ni Madam Eustiana? Parang hindi! Ang bait-bait ni Madam, parang santa. Pero nagkaapo ng demonyo? Gwapong nga masama naman ugali.

Napailing siya sa kanyang naisip. Gwapo nga bastos naman. Kahit kailan, hindi matatapakan ng panlabas na anyo ang kaitiman ng budhi.

She just wished na makatagal siya sa kanyang trabaho. She owe her life to Madam E, kung wala ito at hindi siya scholar nito sa Demedes Institution Home for Scholars ay hindi siya makakapagtapos ng College at sa kangkungan ang bagsak ng pamilya niya. May pamilya siyang dapat buhayin, mga kapatid na pag-aaralin. Her mother's a fish vendor, ang kinikita nito'y sapat lang pambayad sa kanilang mga utang. Her father on the other hand ay Janitor ng Demedes Architectural Firm. May tatlo pa siyang mga kapatid na ginagapang niya para makatapos.

College na ang isa, high school naman ang dalawa. When her father learned that the Demedes are accepting scholars ay agad siya nitong pinag apply, at natanggap naman siya.

She took AB English and earned units of Stenography. After she graduated 3 years ago, ay agad siyang nakakuha ng trabaho. Sekretarya siya ng Manager ng Demedes Institution Home for Scholars. Online teacher naman siya sa gabi.

For 3 years ay walo ang naturuan niyang mga estudyante from different countries. From the pay she gets ay napatayuan niya ng bahay ang kanyang pamilya. Hindi man matatawag na magarbong tahanan, masasabi naman niyang kanila.

Matagal na niyang kilala si Madam E, hands on kasi ito sa DIHS. Siya ang palaging kumakausap dito sa tuwing wala ang kanilang manager. They became friends, sa tatlong taong nakilala niya ito ay marami na itong nagawa para sa kanya. She just never expected that, one day kakatok ito sa pinto niya at hihingan siya ng pabor na pati sarili niya hindi alam kung makakaya niya.

Pambayad utang.

Yun ang nasa isip niya, sa lahat ng pabor na nagawa nito para sa kanya ay kailangan na niyang magbayad. Not on the right to say no ay pumayag siya. Sa lahat ng bagay na naibigay niya sa pamilya niya, dahil lahat ng yun kay Madam E. Gagawin niya ang lahat para dito, kahit na isakripisyo ang sarili niya.

Seduction 101Kde žijí příběhy. Začni objevovat