23-Jealous? No!

5.1K 82 0
                                    

She was sipping the martini that Maynard gave her and silently roam her eyes.

Nakakasilaw man, nakakabingi but she could see how hyped and alive the people are inside The High, a very well known bar on their place.

Dinadaan-daanan niya lang ito noon, pero ngayon ay nakatapak na siya.

Maingay ang lugar, pero hindi mabaho at hindi rin mainit.

Malamig at mabango sa loob.

Bvlgari, VS, CK and all. She could smell them. Klase-klaseng amoy na nagpapahilo sa kanya.

Ang hawak niyang inumin ay natikman na niya, sa mga parties noon kung saan isinasama siya ni Maynard.

"Hey, ya still with me baby loves?" Maynard poke her.

Ngumiti siya dito.

"Wag tayong magpapagabi ah. Maaga pa ako bukas eh." Napangiwi siya ng sumimangot ito.

"Baby loves naman, kakarating nga lang natin, gusto mo na agad umuwi." Reklamo nito.

"Eh kasi nga, ayokong ma late. Alam mo na naman yung pinsan mo, tupakin." Napatawa din siya ng tumawa ito sa tinuran niya.

"Wag mo na yun isipin, kahit ganun yun, mabait at tyaka maintindihin naman...konti." Napailing siya.

Kahit nga ito ay hindi sigurado sa ugali ng pinsan nito, siya pa kaya.

Tatlong buwan. Natiis niya ang ugali nito sa loob ng mga panahong iyon.

"Alamin mo kasi san ang kiliti, be." She pouted.

Pagod na siya!

Pagod na siyang alamin saan ang kiliti ng tupaking unggoy na yon.

Isang minuto mabait, isang minuto nama'y parang kulang na lang ay bugbugin siya nito.

Hindi nga siya nito pinapansin, pero kung makahalik ito sa elevator ay...

She erased the thought in her mind. Hindi na dapat niya balikan ang kabanatang yun.

Hindi na dapat!

Eh kasi naman, feeling kape ito. Hot and cold.

Minsan napapansin niyang napapatanga ito sa kanya, na kulang nalang eh iuwi siya nito't ibahay.

May panahon ngang kinakausap niya ito'y nakatitig lang ito sa kanya, kung di pa niya pinindot ang ilong nito'y di pa ito lilihis ng tingin.

Pero sa dalang ng minsan na iyon, ay madalas naman siyang bulyawan nito.

Madalas siyang di pansinin, dinadaan-daanan, di tinitignan na animo'y di pantalbog ang kagandahan niya.

"Ysabelle Etulle, earth to you." She was awakened by her deep thoughts when Maynard snapped a finger on her face. Pinipindot pa nito ang ilong niya.

"Anong nangyari sayo, baby loves? Sumama ka na sa sarili mo't iniwan akong mag-isa. Am I boring you?" Napangiti siya ng umasta itong nasasaktan. Humawak pa ito sa dibdib nito.

"Ang typical ng effects mo. Wala na bang iba?" Napatawa siya ng sumimangot ito.

"Panirang moment ka din eh no?" Umingos ito, pag-iling na lang ang tangi niyang nagawa.

"Hindi nga, Ysang. Anong iniisip mo?" Umayos pa ito sa pagkakaupo ng tanungin siya nito.

Sasabihin ba niya?

Huminga siya ng malalim.

Fine!

"Di ba nagtagal kayo ni Czarina?" Ng banggitin niya ang pangalang iyon ay agad itong sumeryoso at maigi siyang tinitigan.

"San tayo papunta?" Tanong nito.

"Hindi patapusin mo muna ako." Paliwanag niya.

Pag ang lost, ex-lover na nito talaga ang pinag-uusapan nila'y nawawala ang good vibes.

Czarina was Maynard's ex-girlfriend, na iniwan ito't sinundan ang pangarap.

Nakita niya, alam niya kung paano ito nalugmok noon dahil dito.

Sinamahan niya itong umiyak, magmukmok at ng makabangon ito'y kasama pa din siya.

Ganoon sila kalapit sa isa't-isa.

Matalik na magkaibigan, parang magkapatid. Sila iyon.

Hindi totoo iyong kasabihan na ang lalaki't babae ay hindi puwedeng maging magkaibigan.

Maynard and her are the living proof.

"Kasi, be." Pagpapatuloy niya.

He remained silent but he's face is expectant.

"Noong nagsisimula pa lang kayo, anong naramdaman mo? Paano mo nasabing gusto mo siya? Na mahal mo siya? Na siya na?" Pigil hininga niyang turan. Tinignan niya ito at nakitang malalim itong nag-iisip.

Bumuntong-hininga ito.

"CZ and I." He paused.

"I was 21 when I met her. At alam nating alam mo na ang mga sumunod na nagyari." Tumahimik ito sandali at hinintay niyang magsalita ulit.

Hindi na nila alintana ang ingay sa lugar na iyon.

"I realized that I love her the moment I saw her, how innocent and witty she was. Ayoko na may kasama siyang iba, gusto ko ako lang. Ako lang ang rason ng ngiti niya, ng tawa niya, ng pag-iyak niya. Na kahit mumunting bagay tungkol sa kanya ako lang dapat ang may alam. Na ako 'yong may hawak ng kamay niya pag kinakabahan siya o ako 'yong aalalay sa kanya kapag may hindi siya kinayang pangyayari. Na ako, at ako lang." She remained silent. Feeling the agony that her friend's feeling.

"Na noong tumalikod siya't umalis para unahin ang pangarap niya'y nasaktan ako ng sobra. Kasi nga, selfish man kung iisipin, gusto ko ako lang ang pinagtutuunan niya ng pansin. Na kasama dapat ako sa pangarap niya. Kapag nakikita ko siyang may ibang kasama, parang hindi ako makahinga. Na parang nagkaka-asthma ako kahit wala ako 'non. Na nagdidilim ang paningin ko at gusto ko nalang manapak. Kapag hindi ko naman siya nakikita, parang ang boring at walang buhay buong araw ko. Makita ko lang siyang ngumiti sakin, makakatulog ako't gigising sa araw-araw na baon ang ngiting iyon. Si CZ, naging escape ko siya sa lahat ng pangyayari sa buhay ko. Tinanggap niya ako kahit alam niyang basagulero at parang walang patutungohan ang buhay ko noon. Kaya mas lalo ko siyang minahal. Kasi alam kong tanggap niya lahat ng pangit sa'kin. Pero you see, nagkamali ako." He paused.

He looked at her with narrow eyes. Asking her where their conversation's going.

She sigh.

"Okay, okay. Look, feeling ko I'm starting to like someone. But I don't know, maybe confused lang ako. Never mind na nga lang." Inisang lagok niya ang hawak na inumin at iniiwas ang tingin dito.

"Rome." Isang salita, isang pangalan.

Tanging pagngiti lang ang naisagot niya dito.

Taimtim niyang pinag-isipan ang sinabi nito.

Gusto na nga ba niya ang bugnutin, tupakin at may multiple personality niyang boss?

Seduction 101Where stories live. Discover now