16-The beginning

5.6K 100 3
                                    

She drew a deep breath and winked at her reflection after contentment filled her.

She took one last glance on herself before walking out of her room.

Nang makalabas siya ng kanyang kwarto'y isang singhap ang natanggap niya sa kanyang Nanay na abala sa paghahain.

Ibinaba nito ang hawak na sandok at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Anak? Ba't ang ganda mo? Alam kong matagal ka ng maganda dahil mana ka sa'kin pero bakit may iba sayo ngayon?" Napangiti nalang siya sa turan ng ina't tumuhog ng isang hotdog at isinubo iyon. Ingat na ingat ng hindi masira ang kanyang red Mac lipstick.

"Nay, can I say, I know right? And masanay na kayo nay, mas gaganda pa ako sa susunod na mga araw." Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya dito bago niya tinungo ang shoe rack at isinuot ang kanyang 4 inches black pumps. Nakasunod pa rin ang Nanay niya sa kanya.

"Nak, may nanliligaw na ba sayo? May boyfriend ka na ba? Ba't hindi mo ata dinadala dito sa bahay? Gwapo ba?" Napatawa na lang siya sa sunod-sunod na tanong ng ina. Hinarap niya ito tyaka hinalikan sa pisngi.

"Nay, manliligaw, oo mga nagpapahangin. Boyfriend, wala. Kaya wala akong dadalhin dito sa bahay. Chill, nay." Napatawa na naman siya ng makitang nakanguso ito.

"Nak, naman eh. Mag bebente sais kana, wala ka pa ring boyfriend? Nabuburo ka na sa kakaalaga sa amin." Nanay niya talaga oo, nag eemote.

Kinurot niya ang pisngi nito't tinignan ito sa mata.

"Nay, kahit habang buhay ko pa kayong alagaan, gagawin ko. Mahal ko kayo eh, kasi pamilya ko kayo at kayo lang ang meron ako atyaka tama ng emote nay, malalate na ako." Isa pang halik sa pisngi ang iginawad niya rito bago lumabas ng bahay.

Pumara siya ng taxi at ilang minuto pa'y nasa entrada na siya ng matayog na gusaling pinagmamay-ari ng mga Demedes.

Nakailang hugot na ba siya ng malalim na hininga? Hindi na niya mabilang. Namamawis na ang kilikili niya sa kaba at parang hindi niya maihakbang ang mga paa papuntang elevator at pindutin ang floor ng opisina ng prospect niya.

Natawa siya sa isiping iyon, prospect? Ano siya, negosyante? Napailing na lamang siya't inihakbang ang mga paa papuntang elevator at hinintay na makapasok doon.

Nasa loob na siya ng elevator ay di niya mapigilang hindi atakihin ng matinding kaba.

Mapapansin niya kaya ako? Ang suot ko? Ang make up ko? Mapansin kaya niyang buhay ko na ang itinaya ko sa knee length, white, body hugging dress ko? Ng mapula kong labi? Sa medyo may kakapalan kong eyeshadow? Sa mapipilantik at mapupula kong daliri na magdamag kong ginawa? Sa mataas at masakit sa paang black pumps ko? Hindi kaya ako magmukhang Eng-eng nito? Para akong papuntang party! Pero sabi naman ni Nanay, ang ganda ko. Tama, maganda ako.

Isang buntong hininga pa ang ginawa niya bago nakumbinsi ang sariling maganda siya.

A chuckle behind her caught her attention. Napalingon siya sa likuran niya at namula ng makitang di lang pala siya ang laman ng elevator kundi may tatlo pa, at kabilang na doon si Light Kitagawa.

Mukha ba akong tanga kanina? Kinakausap ko ba sarili ko? Shet!

"H-hi, Light. Good morning." Sa tabinging ngiti ay binati niya ito.

"Good morning too, Ysabelle. Don't worry, ang ganda mo. Kaya itigil mo na ang pagbuntong hininga dahil lunod na lunod na kami sa lalim." Ang tabinging ngiti niya kanina ay mas lalo pang naging tabingi sa sinabi nito. At mas lalo pang namula ang pisngi niya.

Before she could reply ay tumunog na ang elevator, hudyat na bubukas iyon. Hindi pa siya lalabas kaya siguradong isa sa tatlo ang lalabas.

When the elevator door opened, the three got out but Light's words before the elevator door closed left her mouth hanging.

"You're beautiful, babe. Trust me, because as of now, I don't want to get out from this damn elevator and just stare at you the whole day."

Seduction 101Where stories live. Discover now