Chapter 4

617 55 0
                                    

#JAJ004

"Kuya! Nakita mo ba yung relo ko?", dinig kong sigaw ni Dustin, yung bunso namin, habang pababa ito sa hagdanan.


Taimtim lang akong nakaupo dito sa sala habang hinihintay ko silang makapag-ayos. Today is Dustin's 19th birthday kaya naman kakain kami sa labas. We don't host occasional parties dahil halos lahat ng mga kamag-anak namin ay nasa ibang bansa or kung hindi naman ay nasa ibang probinsya. Besides, mas gusto din namin na kami-kami lang kasi times like this don't come everyday—not in our family.


My mom is a businesswoman while my dad is an engineer kaya palagi silang busy sa trabaho. Ako, malayo din kasi nga I stay at the condo most of the time. Nauwi lang ako kapag may emergencies or occassions like this. Si Kuya Gio naman, nakabase ngayon sa ibang lugar as a computer engineer, nakauwi lang siya ngayon kasi nataon na may business trip sila dito. Kaya si bunso, madalas naiiwan dito sa bahay.


Don't get me wrong ha? We understand each other's obligations. Wala namang samaan ng loob kasi we are just doing our part to sustain our family. Sabi nga ni Dad, distance should never be an excuse for us to forget looking after each other.


And our first rule is to make sure that, wherever or whenever, we should be there when our family needs us.


"Kikay.", napairap ako nang tawagin ako ni Dad.


"Dad, Reese nga!", asik ko na nagpatawa sa kanya. "Hindi na nga ako si kikay!"


"You can't tell me what to call you. Kahit tumanda ka pa, kahit 75 ka na, ikaw parin si Kikay ko.", sabi nito saka ako hinatak at niyakap. I hugged him back.


Dad is a very good man. Kahit na napapansin kong napapagod na siya sa trabaho niya dahil na din sa edad niya, hindi parin siya tumitigil. Nakailang beses na din namin siyang kinausap about retiring dahil may sakit na din siya sa baga, pero hindi talaga siya nagpapadala. This is one of the reasons why I strive hard—for my family.


Sabi ng mga tita ko, ako daw yung paboritong higit sa aming tatlong magkakapatid. Halata ba? Siyempre, mag-isa lang akong babae. Kaya nga madalas akong tawagin ni Dad na "prinsesa" niya.


"Arat! Let's go!", biglang sigaw ni Dustin nang matapos na silang maghanda. Nag-dice roll pa nga.


Kinukulit ako ni Dustin dahil gusto niyang magpa-picture saakin at magchechange daw siya ng profile picture sa Facebook.


"Reesy, sige na. Birthday ko naman!", saad nito.


Inirapan ko siya. "Oo na nga!", napa-"yes" naman siya. "50 pesos kada shot."


"Grabe ka naman lodi! Huwag na nga lang. Napaka-suplada mo kaya wala kang jowa eh.", sumbat naman nito. Aba! Ayos din. Kapag hindi napag-bigyan, namemersonal?


"Kapal ng mukha mo!", asik ko at akmang kukurutin ko na sana siya sa tagiliran nang biglang natigil ang sasakyan. Malas, nandito na kami.


Bumaba kami sa parking lot ng Hill Station, ito yung favorite resto nina Mom and Dad. Pumwesto kami sa banda malapit sa bintana para maaliwalas yung view. I ordered grilled salmon kasi yun lang yung kinakain ko tuwing pumupunta kami dito.


"Reese.", napalingon ako kay kuya sa tabi ko. "I need help.", halos pabulong na sabi nito.


"Ha?" He then showed me his phone at mukhang may ka-chat siya na babae.


"Anong gagawin ko jan?"


"Anong pwede kong tanungin? Nawawalan na kami ng topic.", he looked worried. "Baka maumay siya sa chats ko."


"Jowa mo ba yan?", I asked. Kasi kung may jowa siya, dapat sabihin niya muna sa parents namin! Kasi yun yung rule #2. Never hide relationships.


"Hindi!", tinaasan ko siya ng kilay. "..pa."


Umismid ako. "Sasabihin ko naman sakanila, kapag kami na. I swear!", protesta nito habang pilit na bumubulong pa din para walang makarinig saamin.


"Ano ba kasing pinaguusapan niyo?", I grabbed his phone.


"Avatar? Seryoso ka?", matawa-tawa kong sabi. Sino ba naman ang makikipag-chat sa babae na ang una mong itatanong ay kung napanood na ba niya ang Avatar. Lintik ka kuya!


"What? Pano kung nanonood din pala siya ng Avatar?", pagdedepensa nito.


"Ah oo! Kaya siguro puro stickers yung laman ng convo niyo.", he rolled his eyes dahil guilty siya.


He tried to grab his phone when I started typing pero mas mabilis ko itong nailihis sakanya. Hindi ko papalampasin na ipahiya niya ang dangal ng pamilya namin dahil lang sa hindi siya marunong makipagchat.


"There.", saad ko at saka ibinalik ang phone niya. "Umayos ka, nagtatype na siya."


"Wh-what? How?", utal na sabi nito. "Tell me more about yourself? What's your favorites?", ibinasa nito ang kanina lang ay sinend kong message sa babae niya.


"Let her do the talking. Girls love it when people are interested.", saad ko. "And asking things about her is letting her know that you want to know her more. It's that easy, bro.", pagmamayabang ko at saka ko siya tinapik-tapik sa balikat. Magaling pa yata ako pumorma kesa sakanya.


Pagkatapos naming kumain ay dumerecho naman kami sa mall para mag-grocery ng iyu-uwi ko sa condo bukas. Puro mga de lata at instant na pagkain lang din ang kinuha ko kasi hindi pa ako masyadong marunong magluto. Madalas akong mag-order ng mga lutong bahay sa mga kalapit na carinderia.


Habang naglalakad ako sa gitnang aisle ng supermarket, nahagip ng mata ko si Jal, kasama niya si Drake, yung isang star player ng varsity team sa basketball at blockmate ko sa Accounting. Mukhang naggo-grocery din sila.


Napa-ismid nalang ako. Lumalabas din pala itong si Jal. Ang intindi ko kasi sa sinabi niya noong sleepover, hindi siya interesado sa anumang commitment bukod sa friendship. Siguro sikreto lang yung relasyon nila kaya ganon? Hindi nalang ako nagpakita at baka mataranta pa sila kung malaman nilang nakita ko sila.


I went to find Dustin and Kuya na sa kasalukuyan ay nagbabayad na sa counter. Umuwi agad kami pagkatapos naming maggrocery dahil nata-tae ako. Siningil pa ako ni Dustin tungkol sa regalo niya pero sinabihan kong isusunod ko nalang. Duh! Hindi pa kaya namin natanggap yung commission namin sa school paper.


"Basta, Reesy, yung sapatos ko ah!", hirit ulit nito nang makababa kami sa sasakyan. Sumang-ayon lang ako at dumerecho na sa kwarto para magligpit ulit ng mga dadalhin kong gamit.


I was packing my school stuff when my phone rang. May tumatawag mula sa isa sa mga group chats ko.


I opened to see that it was Aunty Mary.


I sighed and went down stairs. Kung pwede lang sanang hindi nalang ako sumali doon sa tawag! Hindi din naman niya ako papansinin.


"Hello everyone! Nasaan na ang ating birthday boy?", rinig kong sabi nito mula sa video call.


Umupo lang ako nang nakayuko sa tabi at hinintay na matapos ang tawag nila.

Juliet and Juliet [GLT 1]Место, где живут истории. Откройте их для себя