Chapter 29

537 42 9
                                    

#JAJ029

"Please rise. This Court is now in session, the Honorable Judge Santiago Yuchengco presiding."


Naramdaman ko ang pagkapit ni Jane, my step-sister, sa kamay ko nang magsimula ang korte. Daig pa niya ang patay sa lamig ng kamay niya. I can just tell, she's as nervous as I am. Huling trial na 'to, I whispered to her twice to ease her tension.


Lumingon saamin si Atty.Alvarado, our lawyer, at saka ito tumango sa amin. He kept telling us that we have a great chance of winnning the case against Jane's father. Wala daw siyang absuelto laban sa mga ebidensyang nakalap. Dapat lang. That man doesn't deserve a life. Not on my watch. Hanggang ngayon ay sariwa parin sakin ang lahat ng nangyari. It all happened so fast. Iniisip ko palang ay parang sinasakal ako.


"The case we are here today on is a criminal case in which the State has accused Emmanuel Joseph Ortega (2) Counts, with Count I being the illegal possession of firearms; and Count II, homicide.", the court stated.


I held Jane's hand as tight as I could. Sa tuwing narito ako sa lugar na ito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng hirap sa paghinga. This place prompts the painful truth that my mom is gone. She's dead. She was taken away from me. By the man she chose over me.


Hindi ko lubusang maintindihan ang mga sinasabi nila dahil kinakalma ko ang sarili ko. Patuloy na bumabalik ang bigat sa puso ko sa tuwing naalala ko kung paano nila sinundo ang walang buhay na katawan ng nanay ko nang gabing iyon. She was bathing her own blood with 29 holes all across her body. Nang makita ako ni Jane ay walang alinlangan itong tumakbo at yumakap sa akin. She, too, had blood stains on her clothes pero salamat sa Diyos at hindi siya sinaktan ng hayop niyang tatay. She knew it was only us left. That we needed to stick together.


It was almost 2 years since that awful night. Dalawang taon na ang udlot ng kaso dahil nagkasakit si Emmanuel. Hindi ko mawari kung nagpapanggap lamang siya para maawa ang anak niya at maiurong ang kaso. But that wouldn't change the fact that he killed my mother. Kaya kahit umiyak pa siya ng dugo, hinding hindi ko iu-urong ang kaso. He deserves to rot behind those bars.


Sabi ni Jane, ako ang naging puno't dulo ng away nila nang gabing iyon. Nalaman ni Emmanuel ang ginagawang pagtulong saakin ni Mama para matapos ang pagpapatayo ko ng kumpanya. They argued until he committed the crime. He shot my mother 29 times as if she was nothing. As if he didn't love her at all. Ilang taon siyang pinili ng nanay ko kahit kapalit non ay ang talikuran ako bilang anak niya pero ganon lang ang ginawa niya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.


Kita kong nagpupunas ng luha si Emmanuel habang kinakausap ito ng kanyang abogado. Mukhang alam na niya ang magiging hatol sakanya. He was very guilty on his statements. Hindi kailanman magsisinungaling ang mga mata kahit pa man ipagkaila niya ng paulit-ulit ang ginawa niya.


"The Regional Trial Court found accused Emmanuel Joseph Ortega guilty beyond reasonable doubt of the crime of illegal possession of firearms and homicide for the death of Janella de Guzman."


Umakyat ang dugo sa buong katawan ko nang marinig ko ang hatol ng hukom. We won. We won the case. Finally, justice for Mama is served. Napayakap nang mahigpit saakin ang kapatid ko at humagulgol ito sa iyak habang nakabaon ang mukha sa balikat ko. Alam kong masaya siya dahil nakamit na namin ang hustisya para kay Mama pero alam ko ding malungkot ito dahil makukulong ang ama niya.

Juliet and Juliet [GLT 1]Where stories live. Discover now