Chapter 33

785 56 21
                                    

#JAJ033

"Malapit na. Just wait for me."


Agad kong ibinalik ang telepono sa bag. I put on my glasses and contemplated. Am I being unfair to her? Or is it just right to think about myself for the first time after a long time? I have never given myself a chance until now.


Just then, Yuri pulled over in front of my house. Bumaba ito at lumapit sa akin.


"You ready?", ngiting bungad nito. She's wearing a casual trouser shorts and an off-shoulder blouse. Bakit parang hindi akma ang suot ko sa suot niya? Saan ba kami pupunta?


"Am I overly dressed? Pwede pa akong magpalit."


"No no! You look gorgeous.", tumitig ito saakin. "Araw-araw naman."


Hindi ako nakapagsalita agad. It felt weird hearing compliments from a person that I know is into me. Pabiro ko siyang hinampas sa braso at natawa. "Ang dami mong sinasabi, tara na nga."


Natapos ang byahe na nakikinig lang ako sa mga kwento ni Yuri. She was very talkative and fun. Sumasakit na nga ang tiyan ko sa kakatawa sa mga kwento niya. Pinipilit din niya akong magkwento pero wala naman akong maia-ambag na nakakatawa.


"We're here!", masayang sabi nito nang tumigil kami. Halos magiisa't kalahating oras kaming nasa sasakyan. "Welcome to Paraiso ni Ben!"


Nalula ako sa ganda ng tanawin nang makapasok kami sa resort. Floating tables on the beach.


"Ganda 'no?", sabi muli nito na nagbalik sa aking diwa. "Doon tayo!", hatak hatak niya ako habang patakbo kaming lumapit sa pinaka-malaking floating table.


"Dito tayo?", walang muwang kong sabi habang inililibot ang mata sa mga bulaklak at lobong nakapalibot sa amin.


"Oo. H-hindi mo ba nagustuhan?", alanganing tanong nito saakin.


"Hindi sa hindi nagustuhan.", liningon ko ang babae. "I-I'm just a bit overwhelmed."


Ilang taon kong iginugol ang sarili ko sa trabaho at pamilya. I never entertained anyone. Kasi naghintay ako. Kasi umasa ako. The only dating memories I have were the ones I had with Mareese. The ones I treasured the most. At ngayon palang, I am already hating myself for thinking about her while I'm here out with another person.


"I-I'm sorry if it's too much, Jal.", worry was evident on her voice. "I just really wanted this day to be ideal.. for you."


"Ano ka ba, you didn't have to go this far 'no.", sabi ko nalang to lighten the moment. "Pwede namang sa fine dining nalang tayo."


Umupo ako kasabay niya, sa magkaharap na pwesto. "That'd not be ideal. Paano magiging memorable kung hindi kakaiba?"


Inamin ni Yuri saakin na pagma-may-ari din pala ng pamilya nila ang resort kung nasaan kami ngayon. Sunod-sunod ang pagdating ng mga pagkain at ibinalandra ito sa aming lamesa. She told me she went here earlier to cook before picking me up. And I swear, these are one of the best homecooked dishes I had.


"You're really really good at cooking.", I said with my mouth half-full. "Did you ever think of getting a degree in culinary?"


Dinig kong natawa ito nang bahagya. "I did. Pero sabi ng parents ko, magaling naman na daw ako sa pagluluto kaya hindi ko na daw kailangan ng degree. They've always wanted me to follow their steps into business. Kaya eto, kumukuha muna ako ng experience before I can finally build my own restaurant here, sa loob mismo ng resort."


Juliet and Juliet [GLT 1]Where stories live. Discover now