Chapter 20

519 43 2
                                    

#JAJ020

"Do you want more chicken pops?"


Umiling ako at uminom sa iced coffee na hawak ko. Tinignan ako ni Wesley nang may paga-alinlangan bago ito tumango at tumingin sa malayo.


Wala akong nagawa nang sunduin niya ako sa bahay kanina lang. I was supposed to surprise Jal today dahil nga holiday ngayon at walang klase pero hindi na ako nakatakas nang si Mommy ang pumilit saakin. No, she actually ordered me to go out with the guy. Kaya ito ako ngayon, halos maawa na sa pagpapapansin ng kasama ko. Can't he sense my disinterest?


Nandito kami ngayon sa mini park, sa labas lang din ng mall kasi saan pa ba kami pupunta? This was the only place convenient for a balikbayan.


Nakokonsensya din ako dahil hindi pa din alam ni Jaleya ang tungkol sa pagdating niya. Hindi din niya alam na lumabas ako ngayon. I'll tell her soon, kapag nagkita kami mamaya. Para naman hindi ko maramdamang may itinatago ako sakanya.


"Ang tahimik mo, ah?", napasulyap ako sa gawi niya nang magsalita siya. "Hindi ka na madaldal gaya nung dati."


"Madaldal parin naman. Wala lang mapag-usapan.", I tried to hide my boredom.


"How's school? Masaya ka ba 'don?"


"Oo naman. Dumadami din kasi yung opportunities ko doon..", uminom ulit ako sa kape ko. "Ikaw? Do you go to school?"


Umiling ito at uminom sa lemonade niya. "Alam mo namang school is not for me. Kasama ko si Daddy sa company. Ipinasok niya ako doon pagdating na pagdating ko sa US. Tapos I earned my way up at ngayon, Chief Operating Officer na ako.", he sounded enthusiastic.


"Wow, that's nice.", that was the most sincere response I gave him for the last few hours.


Nakakainggit lang kasi na at 24, he has already a stable lifestyle. He is independent. He is earning for himself. Habang tayo dito sa Pinas, kailangan pang dumaan sa mahabang proseso, partida, pahirapan pa sa paghahanap ng trabaho. Kung sana ay sarili ko lang ang iniisip ko, tatanggapin ko yung alok ni Auntie Mary.


"Wala ka naman sigurong boyfriend kasi I'm sure, hindi ka naman papayagan nila tita.", nakangisi siya habang nakatingin parin sa malayo. Nakayuko itong umupo habang nakapatong ang siko niya sa tuhod.


"Wala akong boyfriend.", Girlfriend, meron.


"Mabuti naman. Akala ko kasi may nagbabawal na sa'yo kaya hindi ka nagrereply sa mga messages ko."


Ano ba yan! Ayaw ko sa ganyang usapan!


"I never courted anyone back home.", sabi niya ulit at umupo ng maayos pasandal sa bench sa inuupuan namin. "Kasi ikaw lang naman ang papasa sa standards ni Mommy.", tumawa ito ng mahina. "Syempre, saakin din.", lumingon ito saakin at tumitig.


Hindi ako mapakali dahil sa mga sinasabi niya. Ayaw ko din namang derechahin siya dahil una, nahihiya ako kila Tita Joan. At pangalawa, malilintikan din ako kay Mommy kapag ginawa ko iyon.

Juliet and Juliet [GLT 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon