Chapter 24

466 41 32
                                    

#JAJ024

I stared at the message for the longest time. She is pushing me away. For what exactly? Did she think I was cheating on her? I shook my head as I wipe a dry tear that was travelling my cheek. Pakiramdam ko, binagsakan ako ng lupa. It has been hours, pero wala parin akong natatanggap na reply mula kay Jaleya, and I've never felt so unloved and ignored.


"Bakit ka umiiyak?", nilingon ako ni Dustin at ibinalik din muli ang tingin sa daan. Papunta na kami ngayon sa bahay para sa family dinner kuno dahil apparently ay na-promote ang magaling kong ama sa trabaho. Sa dami ng iniisip ko ngayon, dadagdag pa 'to. Kinakabahan ako sa pagharap sakanya dahil with all these things bothering me, it will certainly be a challenge to keep my calm throughout dinner.


"Nothing.", I just looked out the window at isinandal ang ulo ko dito. The sight of the bright and mesmerizing moon was never this painful. Even the cold breeze of the night saddened me. Isa yata ito sa mga downsides ng pagmamahal. When you are hurt, everything then is painful. Even the things that give you solace. Masakit. Malungkot. Pakiramdam ko, may nawala saakin. I feel lost and fragmented all over again.


"Come on, sis. You can talk to me."


I sighed in distress. I think my brother's right. I need to talk this out dahil kung hindi, mababaliw na ako kakaisip. "I think Jaleya's breaking up with me."


He gave me a puzzled look. "Bakit naman?"


"Nandon si Wesley kanina sa condo nung pumunta siya. I guess, she assumed I pushed her away kasi ayaw ko lang namang makita siya ni Wesley dahil malamang sa malamang, magsusumbong iyon kay Mommy. Kaya I lied to him, telling na tatapusin ko na yung saamin ni Jal just to make sure he's not gonna bother us anymore. Mali ba 'yon? Mali ba inisip ko lang yung kapakanan namin? "


"I guess it's just a girlfriend instinct that she felt violated, Reese. Syempre, lalaki parin 'yong kasama mo. Kapatid kita pero I'd go with her.", he chuckled. "Say, ikaw yung nasa posisyon niya. You went to her house, and then she didn't let you in because I was there with her. Sa loob ng bahay nila. What will you do?"


"Bakit ba kasi nandoon ka sa bahay niya? Sasabunutan ko kayong pareho.", natawa naman siya.


"There. You see? You'd feel jealous, 'di ba? Kasi alam mong pogi ako and you feel threatened.", sinapok ko siya ng mahina sa braso.


"Kidding aside, kung yun yung nangyari, baka kailangan mo lang ipaintindi sakanya kung ano yung intensyon mo. Talk to her."


"Paano? She won't even pick up.", bahagya akong napahiga sa upuan ko.


"Eh, make a way. Problema ba yan? Kung gusto may paraan, kung wala..", he paused. Tumitig pa ako sakanya habang hinihintay ang sasabihin. "..itabi mo, ako na."


Humagalpak ito sa tawa nang kurutin ko siya. "Asa ka, Dustin Oliver! Lei è solo mia.", She's mine alone.


"Ayan, nagiging alien ka na naman! Sabi nang wala akong alam na Italian, ate!", himutok nito, making me giggle. Ibinalik ko nalang ulit ang tingin sa bintana.

Juliet and Juliet [GLT 1]Where stories live. Discover now