Chapter 32

716 54 11
                                    

#JAJ032

"Do you always come to work late?"


Ito ang naging bungad saakin ni Mareese nang makarating ako sa office niya. Tipikal lang, prente itong nakaupo habang nagtitipa sa phone niya. Pretty much her every single day of work, maliban nalang sa mukha niya. It's not like the usual because today, she was smiling.


Kunot ang noo akong tumingin dito. Nang lumingon pabalik ay nakaramdam ako nang hiya, remembering my dream last night. I secretly pinched my legs to shoo the thought.


"Nauna na nga kayong umuwi saamin kagabi.", ani ulit niya at tumayo.


I reluctantly eyed her outfit. She's wearing a red off-shoulder velvet bodycon. Nagmistula tuloy kaming may fashion show dahil sa suot kong corset jumpsuit. We were wearing the same color of the same shade. Kita kong minata niya din ang suot ko nang mapansin ang kulay nito.


"Hangover lang.", maikli kong sagot at saka inilapag ang bag ko sa katabing lamesa. The woman apparently placed a table for me to work on. Sa mismong tabi lang din ng lamesa niya.


Paupo na sana ako upang magsimulang magtipa sa laptop nang magsalita muli ito.


"Do you mind accompanying me to my presscon?", agad akong nag-angat ng mukha at tumingin dito nang may pagtataka. "Wesley's out of town and I don't trust anyone else."


Right. A substitute. Of course.


Sumakay kami sa sasakyan niya at dumerecho na din agad sa mall kung saan magaganap ang presscon. May driver at isang bodyguard kaming kasama. Mareese kept herself busy by scrolling on her phone the whole ride. Ako naman, dumungaw lang sa bintana ng sasakyan. Hindi ganoong kalayo ang building nila sa mall kaya nakarating din kami agad. There was a lot of people circling the area when we arrived.


Nauna akong bumaba at hinintay si Mareese nang pagbuksan kami ng pinto ng bodyguard niya. And as she stepped a foot out the door, cameras came flashing. Halos masilaw ako sa sunod-sunod na kidlat ng mga ilaw galing sa lente ng media.


Wow, she is this big.


Napatakip ako ng kamay sa mata ko at ganoon din si Mareese. Her bodyguard tried to secure a path for her to walk into. Pero sa dami ng tao, hindi kami makagalaw sa binabaan namin. Nahihilo na din yata siya sa dami ng ilaw kaya napakapit ito sa braso ko habang nakatakip ang isang kamay sa mga mata. Bahagya niyang iniyuko ang ulo niya sa balikat ko na nagsilbing harang sa mukha niya upang hindi tamaan ng camera.


Nagsimula kaming maglakad ng paunti-unti, mabilis, papasok sa pinto ng mall. Nakakapit parin ang babae sa braso ko. Nang makapasok na kami ng tuluyan ay dumerecho kami sa isang portable tent sa likuran ng stage. Kumalas si Mareese sa pagkakakapit saakin nang makapasok kami dito. Nanatili lamang sa labas ang bodyguard niya.


Napatingin siya saakin nang marinig niya ang paghinga ko nang malalim. "I'm sorry. Nahilo ka ba?", bigla itong nag-abot ng bottled water na hindi ko alam kung saan niya nakuha.


"How do you manage those? Ang sakit sa ulo.", inabot ko ang tubig at uminom dito.


"I don't. I'm just trying to get used to it.", sabi nito at umupo sa sofa.


Nanatili lamang akong nakaupo sa isang sulok habang kinakausap siya ng event coordinator. Narito din si Vega Iliana, isang sikat na celebrity host. Seeing her talk to prominent people, naninibago parin ako. She's really a big personality now. Parang kahapon lang noong ang pangarap lang namin ay makapunta sa Italy. Now, she's living more of the dream.


Juliet and Juliet [GLT 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon