Chapter 10

530 54 9
                                    

#JAJ010

"Are you sure, kikay? Pwede naman kaming humabol jan pagkatapos ng meeting ko."


I am having palpitations as I stood waiting behind Jaleya's car while talking to my dad on the line. Maingay ang paligid ng school ngayon dahil syempre, university meet. Green, orange, maroon and yellow are the only colors evident, representing all the participating departments. Yumuko ako at inabot ang maliit kong sling bag mula sa compartment ng sasakyan.


"Dad, wag na po! Besides, I understand naman na may obligations kayo jan.", I protest. I just don't like the idea of my family watching. Hindi pwede, mas dodoble lang yung kaba ko pag nagkataon!


"Kikay, trabaho lang ito, princess kita. It's always family above all.", I smiled at his words.


"Dad, really, I'm fine. Madami naman akong friends na kasama dito. Wag na kayong mag-abala."


I heard him sigh. "Sige na nga, but make sure you take home the crown, ha?", natatawang sabi nito. Grabe naman yung pressure!


Pagkatapos naming mag-usap ni Dad, kita ko sina Elizer, Khloe at Alana na naglalakad papunta sa akin, nasa parking lot parin kasi kami. Bitbit nila yung mga tripod at camera na gagamitin nila for the program forecast. Nalungkot naman ako bigla dahil ito yung unang beses sa loob ng apat na taon na hindi ako makakasama sa coverage ng Sirmata. Kasi this time, magiging parte ako ng balita. Just like what I expected, I failed to have enough sleep yesterday dahil kahit maaga akong nakauwi, hindi ko nakalma ang sarili ko kakaisip sa kung ano ang pwedeng mangyari sa araw na ito.


"All hail to our newly crowned Miss Palaro!", paasar na sabi ni Elizer nang makalapit sila ng tuluyan sa kinaroroonan ko.


"Pressure ka.", maikli kong sagot.


"Ano ka ba! Kahit naman sa anong bagay, pressured ka. Pinaglihi ka yata kay Evangelista Torricelli.", sabi ni Khloe.


"Kanino?", litong tanong ko.


"Tangina ka Khloe, ang aga aga. Wag mo ko sinisimulan sa mga nerd jokes mo, makakatikim ka talaga sakin.", umiiling na sapaw ni Alana bago ito lumapit sa compartment ng sasakyan at binuhat palabas ang isa sa mga maleta ko.


"Bilisan niyo nalang jan at magmemeryenda pa ako!", asik ni Elizer.


"Alas otso, bakla? Alas otso palang, lalamon ka na agad?", sagot dito ni Khloe.


"Tanga! Malamang, ayon nga oh! Nakahain na yung menu ng Engineering dept!", saad ulit ni Elizer sabay nguso sa kumpulan ng mga basketball players.


Nag-aasaran lang kami nang bigla kong marinig ang pangalan ko mula sa di kalayuan. Tinatawag ako ni Jaleya, nagpaalam lang siya saakin kanina na magpapalit daw siya. Ang pogi naman niya ngayong araw! Napaka-manly niyang tignan sa orange intrams shirt namin na itinerno niya sa itim na loose trousers. Kahit maluwag, bakat yung mahahaba niyang biyas, grabe. Napaka-manyakis ko na yata talaga masyado. Pero ayos lang yon.

Juliet and Juliet [GLT 1]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant