Chapter 3

684 71 7
                                    

#JAJ003

"Ilan ba silang pupunta? Bakit ang daming kumot yung kailangan mo?", maktol ni Lei habang hirap na hirap itong buhatin yung kumpol ng comforter.


Tinutulungan kasi nila ako ni Luella ngayon na magprepare para sa tutulugan nung mga bisita ko mamaya. Kakaakyat lang namin ulit galing doon sa front desk ng condo para magrequest ng extra comforters pero sadly, lima lang yung napahiram nila saakin.


"Anim sila. Tatlong babae, tatlong lalaki.", mistulang nangatog naman ang tenga ni Lei nung marinig niya yung salitang lalaki. Bilib din naman ako sa kaibigan kong 'to. Maharot!


Agad nitong ibinaba ang mga kumot na kanina lang ay bitbit niya, "Tatlong itlog ba kamo?"


Binatukan siya ni Luella, "Tanga, tatlong tangkay, edi anim na itlog yon! Ang galing mo na sana kung sing tindi nung harot mo yung skills mo sa Math."


Dinampot ko yung mga kumot na nagkalat sa sahig, "Wag ka nang umasa, Lei. Yung isa don, mahilig din sa itlog. Tapos yung isa naman, may jowa. Kaya kung ayaw mong makalmutan yang mukha mo, might as well control your pervert self."


"Bakit naman?", nagpout pa siya. "Kung yung dalawa, may depekto, edi dun ako sa panghuli! Ano ba name nun?"


Napailing nalang ako sa mga kagagahan niya.


Iniayos ko ng lapag yung mga comforter sa sala dahil don lang yung may enough space para tulugan ng anim na tao and at the same time, magwork.


"Ano nga?", pangungulit ni Lei. Haynako. Hindi ko na siguro dapat sila imbitahan mamaya dahil paniguradong hindi kami makakapag-focus sa gagawin namin. Sa kaharotan palang ni Lei!


"Zion. Ayan, masaya ka na?", asik ko habang patuloy na inaayos yung comforter. Nasa kusina naman si Luella at inaasikaso yung order kong McDonald's for our dinner.


I just thought, sayang naman yung gugugulin naming oras sa pagluluto kung pwede naman na mag-order nalang.


Patuloy lang kaming nag-ayos sa condo ko habang kinukulit parin ako ni Lei tungkol kay Zion. Eventually, nagpaalam na din sila dahil 5:30 na and I needed to take a shower before dumating ang mga bisita ko.


I received a message from Khloe at around 5:45 na nandon na daw sila sa labas and so I quickly put on my spandex pajama at saka lumabas na para salubungin sila.


Natawa nalang ako dahil kagaya ko, mukhang nakapantulog na din silang lahat, maliban nalang kay Elizer na nakasuot ng maong shorts at loose shirt. Kung hindi ko siya kilala, I wouldn't thought for a second na bakla siya. Mukha siyang lalaki!


Pagkaakyat, pumasok agad kami sa unit ko para makapag-ayos na din sila ng gamit.


"Naks, may pa-McDo!", sigaw ni Rufus nang makita ang paper bags na nakapatong sa kitchen counter. Tinapik naman ni Alana yung kamay niya nang makitang susukbit ito ng french fries. "Patay gutom ka ba? Pinapakain naman kita ah!", nagsitawanan naman yung iba nang marinig ang bangayan ng magjowa. Mga greenminded.

Juliet and Juliet [GLT 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon