Chapter 17

578 47 7
                                    

#JAJ017

Monday afternoon was exhausting. Hindi ako mapakali sa dami ng taong nakikita ko. Today is the first day of enlistment for the incoming freshmen. Kaya naman napakadaming mga tao doon sa banda ng admission office kahit 4 PM na. Abot pa ang pila hanggang sa labas ng building namin.


Hinihintay ko ang kapatid ko dahil magpapa-enlist din siya. I still can't believe that he's going to college already. Parang kailan lang nung ako pa nagpapalit ng diapers niya!


Tahimik lang akong naghihintay nang bigla akong makaramdam ng patak ng tubig sa balat ko. Sa punto ding iyon ay biglaang bumuhos ang ulan. I wasn't able to move quick dahil maging yung mga taong nakapila ay nag-unahan na sumilong sa corridors ng buildings at agad itong napuno. Kailangan ko pang tumawid papunta doon sa kabilang building kung saan may espasyo!


Akmang tatakbo na sana ako nang may humatak saakin at itinulak ako upang tumakbo. Hawak niya ako sa magkabilang braso. Hindi ko makita kung sino siya dahil tinakluban niya ako ng puting jacket sa ulo, sanhi ng hindi ko tuluyang pagkabasa. Nang makarating kami sa silong, agad kong tinanggal yung jacket sa ulo ko para pasalamatan kung sino man yon.


Jaleya was soaking wet on her uniform. Basang-basa siya na kinailangan niyang tanggalin ang nakapusod na buhok para tuyuin ito. I didn't dare to say a word because I was lost enjoying the view.


"Bakit hindi ka sumilong?!", I snapped back to reality when she talked.


"H-ha?"


"Reese, you were just standing there. Ano ka ba? Gusto mo bang lagnatin?", tuloy tuloy na salita nito. Napansin kong dumidikit na sa balat niya yung basang tela ng uniform, almost revealing her body. Tumitingin-tingin na yung mga lalaking nakasilong din sakanya kaya nainis ako bigla. Kinuha ko ang jacket at ibinalot ito sa katawan niya, making her stare.


"Change your clothes please.", I whispered to her.


"Can you help me?", ngumiti ito ng paloko na dahilan para mamula ako. Hinampas ko siya ng mahina sa braso.


"Ang dami mong alam. Sige na! Magpalit ka.", sabi ko at ipinagtulakan siya. Tumawa naman ito at isinuot ang jacket bago umalis.


Ilang minuto lang naman ang itinagal ng ulan. Nang humupa, nagsibalik muli sa linya ang mga estudyanteng magpapalista. Ako naman, tinawagan ko ang kapatid ko pero bago ko pa man magawa 'yon ay dumating ulit si Jal. Nakasuot na siya ngayon ng itim na sweatpants at cropped shirt. Her hair was still wet but was already brushed, parang bagong ligo. Ang bango niya tignan.


"Wala pa siya?", tanong nito nang makalapit saakin.


"Wala pa, love.", I whispered. Kita kong nanlaki ang mata niya na sinundan ng pamumula ng kanyang pisngi. Gusto ko lang naman din i-try, bakit ba?


"What did you say?", humarap ito nang tuluyan saakin. Her smile was big. "Say it again."


"Ha? Wala akong sinabi.", I tried to hide my giggle pero bigla niya akong kiniliti. Napakaharot naman!

Juliet and Juliet [GLT 1]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin