Chapter 6

630 52 26
                                    

#JAJ006

"Ano ba kasing nangyari?"


Inaakay ako ni Alana ngayon paakyat sa second floor ng building, papunta sa klase namin ng Corporate Law. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa nangyari saamin ni Jal kahapon at kung bakit daw ako sugatan at pilay. Hindi ko naman din pwedeng ipagkalat yung mga nalaman ko tungkol sa buhay ni Jal because, who am I to talk for her, 'di ba?


"I just slipped. Tapos gumulong ako sa hagdanan." sabi ko nalang at saka ibinaling ang tingin sa loob ng bag ko, nagkunwaring may hinahanap para hindi niya mahalata yung pagsisinungaling ko. Mabuti nalang at dumating na yung prof namin. Napaupo tuloy si Alana sa upuan niya.


Isa pa 'tong si Jal, mukhang hindi nahimasmasan at sinundo nga niya ako kaninang umaga sa bahay. Nagulat pa man din sila Mom and Dad sa biglaang pag-uwi ko kahapon, partida, bugbog-sarado pa ako. They panicked and started talking about coming to school to file a complaint and expulsion request against the one who did this to me. Syempre, sinabi kong ako din yung nagsimula at kahit hindi kapani-paniwala dahil never in my life naman akong nasangkot sa mga ganitong issue, I still tried my best to convince them na huwag na lang. Dahil kung nagkataon, mapapasama pa si Jal sa stepdad niya kapag nalaman niya ang totoo.


Bored na bored akong nakikinig sa klase. Nagdi-discuss lang yung prof namin about debtor-creditor relationships na thankfully ay napag-aralan ko na last summer kaya walang kaso saakin kung hindi ako makapag-focus ngayon sa klase. Hindi ko matanggal sa isip ko yung nangyari kahapon. Ni hindi ko nga maitulog kagabi! Jaleya texted me constantly as soon as I got home. Well, wala namang masama don kasi nga siya yung dahilan ng lahat ng ito. I am just weirded out kasi..


Kasi parang kinikilig ako na ewan!


Hindi naman na kami awkward kanina.. siguro? Tinanong lang naman niya ako kung kumusta na ba daw yung sugat ko, kung masakit pa ba yung tagiliran ko, o kung ano yung naging reaction ng parents ko nang makita nila akong ganito. And then I had it when she started calling me 'bitch' again. Kaya ko nasabing hindi na awkward. Na okay lang kami. Ah! Basta.


"Ang layo ng isip ah.", dinig kong bulong sakin ni Felicity, my seatmate at apparently, ay yung nililigawan ni Drake.


"Malayo nga. Nasa kabilang building." I was just thinking about it when I accidentally said it out loud! Napaka-estupido!


"Ha? Sino?", nagtatakang tanong niya at dumukot pa ng silip sa katabing building namin mula sa bintanang walang kurtina.


Mabuti nalang talaga at si Felicity 'to! Dahil kung kila Alana ko ito nasabi, siguradong iisipin nilang may gusto ako na nasa kabilang department at hindi nila ako tatantanan hangga't hindi nila ako napapaamin.


Teka.. did I just say "may gusto ako"? Gagi, Mareese!


I shook my thoughts off dahil kinakabahan na naman ako sa mga pinagi-isip ko. Sabi ko nalang kay Elice (Felicity) na yung janitor yung iniisip ko dahil magpapalinis kami sa office mamaya at naroon siya sa kabilang building. Nakaka-dalawang hirit na ako ng kasinungalingan ngayon umaga!


I had 2 more classes before lunch break. As usual, sabay kaming bumaba ni Alana, inaalalayan niya ako sa bawat hakbang sa hagdanan. Pinagtitinginan pa nga ako nung mga nadadaanan namin. I just want to recover already!

Juliet and Juliet [GLT 1]Where stories live. Discover now