Chapter 6

215 22 2
                                    

GENERAL POV

"Gabrielle first day of school. Hayaan mo na muna" bulong ni Gia sa kaibigan habang naglalakad patungo sa pinaka likod na parte ng university.

"Yeah first day of school, first day of her in hell" nakangiting saad ni Gabb tsaka patuloy na naglakad. Bakas sa mukha ni Gia ang pag aalala kay Ella na paulit ulit nitong ninanakawan ng tingin.

Kita rin sa mga mata ni Ella ang takot at kaba dahil ramdam nyang baka may mangyaring masama sakanya. Gustuhin man nyang tawagan ang kasintahan pero ang cellphone nya ay nakay Gabb at ayaw itong ibalik.

Anong na ang gagawin ko? Paano kung patayin nila ako?

Kung ano ano na ang pumapasok sa utak ni Ella habang naglalakad. Napabuntong hininga nalang sya at yumuko habang naglalakad.

"Andito ako, p-protektahan kita" rinig ni Ella na sambit ni Gia tsaka hinawakan ang kamay nito. Agad naman nyang naramdaman na di sya nag iisa at saglit na napangiti sa ginawa sakanya.

Ang gentlewoman naman saad ni Ella sakanyang isip. Nagpatuloy sila sa pag lalakad at ng marating ang dulo ng unibersidad dahil dun ay hindi nanaman mapakali muli si Ella, naramdaman naman ni Gia ang pagkakaba ni Ella kaya't mas hinigpitan nito ang hawak sa dalaga.

"Okay! Now were here! Where's our guest?" Saad ni Gabb at tumungtong sa mga kahoy at kumuha ng isa. Habang pinaglalaruan ang hawak na kahoy ay nilibot nito ang tingin na para bang hinahanap ang biktima.

"G-gia natatakot ako" agad na nagtungo si Ella sa likuran ni Gia upang magtago. Pero agad syang tinawag ni Gabb kaya napatingin siya sa harapan, dun nakita nya ang isang babaeng short hair na may hawak na kahoy na nakatingin at nakangiti sakanya.

"Wag kang mahiya, may regalo nga ako sayo diba? Come here-" inilahad ni Gabb ang mga kamay nito ngunit natatakot si Ella sa kung anong man ang gawin sakanya ng taong nasa unahan.

"Gabrielle, not now" saad naman ni Abby habang nakasandal sa gilid ngunit binalingan lang sya ng tingin ng kaibigan. Napabuntong hininga naman si Gabb at nauubusan ng pasensya sa inaasal ni Ella.

"I said come here!" Saad ni Gabb ng may kalakasan ang boses "Im not gonna hurt you!" Sunod pa nito. Dahan dahan namang naglakad si Ella paunahan. Hinawakan sya ni Gia kayat napatingin ito sakanya, nagtama ang mga mata nila at dun napagtanto ni Gia na takot na takot si Ella sa nangyayari

Napag pasyahan ni Gia na sumunod kay Ella sa unahan, Nang mapansin ito ni Gabb ay napangisi ito at napairap "Oh- knight shining armor ang datingan natin Gia ah, trip mo sya noh?" Napailing lang si Gia sa sinabi ng kaibigan sakanya

"Now Ms. What is your name?" Tanong ni Gabb at tinuro ang nasa unanahang babae ni Gia gamit ang kahoy na hawak. "E-ella" halatang kabadong tugon ni Ella

"YOUR FULL NAME!" sigaw ni Gabb dahilan para magulat ang mga kasama nito, gustuhin man nilang pigilan ang kaibigan ngunit wala silang magawa dahil alam nilang mas lalala ang mangyayari kapag nakielam sila.

"Ella Mae Amat" mahinang sambit ni Ella habang pinipigilan ang mga luha niya, ngunit nanghihina ang loob ni Ella kayat napayuko nalang sya at dun nagsimulang tumulo ang mga luha nya na agad namang napansin ni Gia "Gabrielle ano ba!" saway nito sa kaibigan pero ngumisi lang ito at lumapit kay Ella.

"Tumingin ka sakin! Wag mo kong dinadaan sa iyak mo! Kung nakukuha mo ang simpatya ng mga kaibigan ko, pwes ako hindi!" dahan dahang tumingin si Ella kay Gabb at pinunasan ang mga luha nya, tumingin si Ella sa mga mata ni Gabb na para bang nakikiusap na tumigil na ito

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Where stories live. Discover now