Chapter 23

194 27 1
                                    

GENERAL POV

Finally she slept.

Pinatay ni Gabb ang ilaw sa loob ng sasakyan at nagpatuloy sa pagd-drive, "Asan na kayo?" pagbabasa ni Gabb sa isang text message na natanggap niya, "30 minutes. Pakiayos ng bedroom" reply nya, tsaka ibinaba ang cellphone. Saglit syang tumingin sa natutulog na Ella tsaka nag focus sa pagmamaneho

"Can you contact Ella? Bigla kasing binaba yung tawag kanina. Tapos di na matawagan number nya" bigkas ni Gia kay Frances mula sa isang video call, "Hindi ko din matawagan yung number nya ate" saad ni Frances matapos subukan na tawagan ang kaibigan

"Sino kaya huli nyang kasama after school" nagtatak ang saad ni Gia tsaka nangalumbaba sa harapan ng laptop nya, "Ako ate, pero nauna ako sakanya kasi dumating na yung sundo ko" pagpapaliwanag naman ni Frances sakanya. Natapos ang videocall at naiwang nag tataka si Gia sa sitwayon ni Ella dahil isang beses palang ito nangyayari sa kaibigan.

ELLA POV

Unti unti akong nagmulat ng mata ng naramdaman kong hindi na umaandar ang sasakyan, "How's your sleep?" nagulantang ako ng magsalita si Gabb habang nakatingin sakin ng seryoso

"K-kanina ka pa ba nakatingin dyan? Aatakihin ako sayo" saad ko tsaka hinagod hagod ang dibdib ko, tumatalon kasi yung puso ko sa kaba, "All good kana ba? Lets go inside" bigkas nya tsaka dali daling bumaba ng sasakyan, tama ba nakita ko? ngumiti sya sakin? All of the sudden ang aliwalas ng awra nya sakin. May nakain kaya tong tao na toh?

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan ni Gabb, kahit kinakabahan kasi di ko alam kung saang lupalop ba niya ko dinala, kahahawak ko palang ng pinto para buksan ito pero agad tong nagbukas gawa ni Gabb na ikinagulat ko, "Lagi nalang akong ginugulat" bulong ko at agad na bumaba ng sasakyan

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, "Resort?" nagtataka kong tanong pero umiling sya at ngumiti sakin tsaka nilahad ang mga palad nya. Parang ibang Gabb yung kasama ko.

Dapat na ba kong matakot?

Baka may balak syang gawin sakin?

Hindi naman nya ko siguro m-murderin ano?

She snaps her fingers na nakakuha ng atensyon ko, "Tara sa loob" ngumiti sya sakin tsaka hinawakan ang kamay ko. Sa bawat yabag ng paa ko papasok sa bahay na nasa harapan ko, unti unting nalalaglag ang puso ko sa lakas ng kabog nito

Napanganga nalang ako sa mangha sa lawak ng salas na bumungad samin, "A-ang laki naman nito, s-sainyo ba toh?" nauutal na saad ko dahil konti nalang malalaglag na puso ko sa kaba, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng bahay sa buong buhay ko!

"This is my Grandparent's house" proud na proud nyang saad samantalang ako di na malaman kung ano ba dapat ang mararamdaman, why would she bring me to her Grandparents house? "B-bakit tayo nandito?"

"Gabrielle! Apo!" napalunok naman ako ng may isang matanda ang lumapit sakin tsaka yumakap kay Gabb, "H-hello po M-maam, M-magandang G-gabi po" napapikit nalang ako sa inasal ko, halatang halata na sobra akong kinakabahan

"You look so nervous iha, halika kayo sa kusina" ngumiti sya sakin tsaka nauna sa paglalakad patungo sa kusina ng bahay nila, "Chill out Ella, she's the kindest person i know in this world" ngumiti nanaman sya sakin tsaka hinawakan ang mga kamay ko kaya napatingin ako dito.

Suddenly, why do i feel okay?

Sumunod kaming dalawa ni Gabb sa kusina at agad kaming pinaupo ng lola nya tsaka inayang magsalo-salo kami, "Last week pa kita pinapapunta, bakit ngayon ka pumunta ha?" pagtataray nya kay Gabb pero i think in a joke way kasi ngumiti sya kay Gabb

"Ngayon lang free ko Mama lola" she looks like a 5yrs old granddaughter when it comes to creating a conversation with her grandmother, siguro sobrang lapit nya sa lola nya

Tumango naman yung lola nya habang busy sa pagkain habang ako nakikinig lang sakanila, "Iha, you should eat~" sobrang lambing ng boses ng lola nya kaya napangiti ako at nagsimulang kumain kasama nila, "So Gabrielle"  bahagya akong ngumiti ng muling magsalita ang lola ni Gabb, papalit palit ang tingin ng lola nya samin kayat napatingin ako kay Gabb.

"Hmm, Ella a close friend of mine" seryoso ba sya? close friend kami? hindi naman sya nauuntog noh? napaka grumpy nya ngang tao. Laging nakasimangot sakin. Tinatarayan at napaka misteryoso nyang tao para sakin tapos close friend na pala tingin nya sakin, bakit hindi ako nainform?

"Saan ka nakatira iha?" napatingin ako saglit kay Gabb na nakatuon ang tingin sa pagkain,

"Sa may-"

"Malapit sya sa village namin"

ABBY POV

*On VideoCall

"Gia please calm down! Ano ba huy!" i keep telling her na kumalma pero wala, masyadong natutuliro at hindi malaman kung nasaan si Ella, ang malala pa pati pala si Gabb wala sa bahay. So our theory is magkasama sila, "Abelaine you know Gabrielle, baka kung anong sademonyo ang bumulong dun at dinala si Ella kung saan!"

"Can you just lower your voice!? Nakakafrustrate ha!" napatigil sya ng bigla kong itinaas ang boses ko, masyado kasing mag panic, di naman kasi sure kung magkasama talaga yung dalawa. Gabb has cousin's na lagi nyang nak-kwento samin maybe she's in the bar with them and we dont know fully yet the background of Ella maybe she's in her province or what business she's doing

"Until now her phone is off" bigla nyang asik na parang bata, "Di pala inlove ha" nakangisi kong saad at tinignan ang magiging reaction nya

"Di nakakatulong Abelaine!" Bigla nyang pinatay ang call kaya napatawa ako. I swear Ella will be the luckiest person if she will give a chance to Gia. I know Gia for long. When it comes to relationship sobrang matured nya mag isip, naalala ko yung first girlfriend nya, 5years sila nun they ended up because of that cheater bitch, pero Gia was not angry to her instead she's angry to her actions. Ang daling magpatawad ni Gia sa totoo lang. Seeing Ella with her, i guess it would be a perfect couple for me. Ella is a genuine person na kailangan mo pang demonyohin sa kabaitan.

Basically, I like Ella for her.

--

A/N: KAMUSTA KAYO!

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Where stories live. Discover now