Chapter 49

64 7 0
                                    

GENERAL POV

"Inay, Tito-Dad" tawag ni Gelay sa kanyang magulang habang naghahapunan kayat napatingin sakanya ang dalawa, "Nakina lola daw si Ate, she says pa na wag daw sasabihin kahit kanino lalo na kay Ate Gia" kitang kita sa mag asawa ang pagtataka dahil sa sinabi ni Gelay

"May nangyari ba sakanilang dalawa?" tanong ng Nanay ni Gelay, "I dont have any idea po. She says pa nga na we should act like she's missing" sagot naman ni Gelay tsaka itinuon ang sarili sa kinakain

"Ella apo, iba ata ang kasama mo?" nagkatinginan si Gabb at Ella sa sinabi ng lolo ni Ella, "S-si Gabb po, nakasama ko na sya dito dati" tugon naman ni Ella tsaka ngumiti sa kanyang lolo

"Mabuti naman at dumalaw ka rito" saad naman ng lola ni Ella tsaka inilapag sa lamesa ang hawak nitong kaldero, "Bakit hindi si Gia ang kasama mo?" Tanong pa nito dahilan para mapatingin si Gabb kay Ella

"B-busy po kasi sya, La" saad ni Ella habang nakatuon ang atensyon sa kinakain, "Gabb apo, kumain kana bago pa lumamig iyan" saglit na napatigil si Ella dahil sa narinig niya mula sa kanyang lola ngunit hindi nalang niya ito pinansin

GABB POV

"Dito kana matulog sa kama. Maglalatag nalang ako" sabi ni Ella ng makapasok sya sa kwarto, "Nope. Sa sofa nalang ako, you sleep here in bed" saad ko naman sakanya

"You are a guest. Sanay naman akong natutulog sa sahig" she insisted tsaka kinuha ang mga panlatag sa cabinet, "T-teka" saad ko kaya't napatigil sya at lumingon sakin

"Tabi nalang tayo, it makes me feel bad na sa sahig ka tapos sa bed ako" nahihiya kong bigkas sakanya, she looked at me ng ilang segundo tsaka humiga sa kama, "Why are you smiling?"

"H-ha? Hindi ah" bigkas ko tsaka naupo sa kabilang side ng kama, saglit na natahimik ang paligid. Nakatanaw lang ako sa bintana na nasa harapan ko, "Thank you and Goodnight Gabb" rinig kong bigkas nya kaya napangiti ako

COLE POV

"Cole, she's missing!" hindi mapakaling bigkas ni Gia, "Will you calm down?" pananaway naman ni Brei

Andito kami ngayon sa bahay nila Gia, nahulasan nadin sya. Ikaw ba naman buhusan ng tubig na malamig ng isang Aubrey Binuya

"Saan ba daw sya huling nakita?" tanong ko kay Gia, "She texted me nasa bar sya kanina" bigkas ni Alice kaya't napatingin kaming tatlo sakanya

"A-ano?! Nandun sya? Why did guys didnt tell me!?" frustrated na bigkas ni Gia, "Edi sana nakausap ko na sya at naayos na namin yung problema namin" sunod nya pa kaya naisip ko nanaman yung nangyari kanina

Baka nakita ni Ella yung nangyari kaya siguro bigla syang nawala or umalis ng walang pasabi kay Gia?

"Wait- alam ba ng family nya?" tanong ko kay Gia, "Tumawag ako kay Gelay pero ang sabi nya umalis daw si Ella tapos hindi sinabi kung saan pupunta" mukhang tama ako ng iniisip

"Do you remember what you did earlier?" seryosong tanong ko kay Gia, "What do you mean?" tanong nya sakin pabalik kaya napabuntong hininga ako

"You are making out with someone earlier and you thought its Ella" kita kong nanlaki ang mata nya sa sinabi ko, "True" gatong pa ni Brei

"N-no! Why would i do that?" pagtanggi nya pero umiling iling ako, "I think Ella saw that" sabi ko sakanya tsaka naupo sa kama nya

"That's my theory too" bigkas ni Alice kaya tumingin ako sakanya, "Imagine ha, she said na nasa bar din sya and she's looking for us, then she's nowhere to find" sunod nya pa tsaka humigop sa hawak nyang iced coffee

GENERAL POV

Ala-una na ng hating gabi ngunit hindi parin nakakatulog si Gabb, "Why does it keeps bothering me?" tanong nito sa sarili habang nakatitig sa kisame ng kwarto

Huminga ito ng malalim at tsaka bumangon sa pagkakahiga niya. Hindi na nito naiwasan na mapangiti ng makita nya ang babae na ngayon ay mahimbing na natutulog.

Lumabas ito ng kwarto at nagtungo sa tapat ng bahay at tumingala sa langit. Duon nakita niya ang napakaliwanag na buwan at sandamakmak na bituin

GABB POV

Flashback

"Buti pa yung mga bituin noh" napalingon ako sakanya at nagtaka sa mga sinabi nya, "They shine until they die" sunod pa nya, napalingon naman ako sa taas at tinitigan ang mga bituin na nagniningning

"Pag naubusan sila ng Gas, sasabog nalang sila. Then boom they're gone. Forever..."

"Lagi mong tataandaan Gabb, kahit gaano pa kabigat yang nasa dibdib mo. Wag na wag mong kakalimutan na may taong kaya kang intindihin"

"Ngumiti ka lang Gabb. Wag mo hayaan na lamunin ka ng past mo. Nasa present kana. Iwanan mo lahat ng nasa likod mo at mag focus sa harapan"

"Kung feeling mo walang nakakaintindi sayo. Gabrielle andito ako"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko ng maalala ko ang lahat ng mga bagay na ginawa nya para sakin.

All she do is for me to be good yet i make her feel miserable.

"Ella im sorry" bulong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa mga nangningning na bituin, "Why are you being sorry?" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likuran ko

"Oh- sorry, didnt mean to startle you" bigkas nya tsaka ngumiti sakin, "You should sleep more, 2am palang" sabi ko sakanya

"Matutulog pa sana ulit ako kaso napansin kong wala ka sa tabi ko kaya bumangon ako" tumango nalang ako sa sinabi nya at natahimik

Gusto kita kamustahin, itanong kung anong naging lagay mo sa dalawang taon mong hindi nagpapakita. Bakit hindi ka nagsabi? Bakit wala kang paliwanag?

"Gia and I are dating" napangiti ako sa sinabi nya, "As i expected" sabi ko sakanya tsaka tumingin sa gawi nya

"You deserve her, she deserves you. Congratulations to the both of you" pagbati ko sakanya pero her face looks so long, "What's with the long face?" tanong ko sakanya

"She cheated on me" nagtama ang kilay ko sa sinabi nya, "S-she?" nagtataka kong sagot sakanya kaya napangiti sya, ngiting may bahid na lungkot

"I didnt also realize na kaya nyang gawin yun" bigkas nya tsaka huminga ng malalim. Napaisip ako sa sinabi nya. Yun ba yung nakita nya kanina? Kaya nya nabigkas yung pangalan ni Gia sa harapan ko?

——-

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora