Chapter 45

100 9 0
                                    

GENERAL POV

"Ella, Mahal kita" nangingilid na luhang bigkas ni Gabb. Napatigil naman si Ella at agad na napangisi sa  narinig. "Naririnig mo ba ang sarili mo Gabb?" tugon nito at tinignan sa mata si Gabb

"Im telling the truth!" agad na napailing si Ella at ngumiti ng pilit sa kaibigan, "You're just confused. You are just inlove with the idea of mine" bigkas nito tsaka tuluyang umalis sa harapan ni Gabb.

LARA POV

"Kanina pa yung dalawa dun sa cr" mahinang bigkas ni Ecka sakin, kayat napatingin ako sa gawi ni Gia na masayang nakikipag kwentuhan kay Ash tsaka ibinaling ang tingin sa hallway kung saan papunta sa cr. "Check ko ba?" tugon ko kay Ecka

Ngunit tatayo palang ako sa kinauupuan ko ay biglang lumabas si Ella, her eyes looks sad. "May nangyari siguro" bigkas ni Ecka kaya't napaupo ulit ako sa tabi nya

Pinagmasdan ko lang si Ella hanggang sa maupo sya sa tabi ni Gia, "Oh- Ba, nga pala si Ash, kababata ni Gabb" rinig kong pagpapakilala ni Gia, "You must be Ella, nice meeting you!" Iniabot ni Ash ang kamay nya samantalang nakatitig lang rito si Ella

"Ash" agad akong napalingon sa gilid ko ng marinig ko ang pagtawag dito, "Its already 9" sunod pang bigkas ni Gabb

"Right, uhm- i guess, see you guys again! By the way nice meeting you all and Happy birthday again Sela" nakangiting bigkas ni Ash samin tsaka tumayo sa kinauupuan

"Okay ka lang ba?" Rinig kong nag aalalang tanong ni Gia kay Ella kaya napatitig ako rito, maputla si Ella ay nakahawak sa tagiliran nya, "Ella anong masakit?" Nag aalala kong tanong tsaka dali daling lumapit sakanya, nalipasan nanaman ng gutom toh

"What's wrong?" Rinig kong saad ni Abby kaya't napatingin ako sa mga kaibigan namin na ngayon ay nakay Ella lahat ang atensyon, "Gabb lets go" bigkas ni Ash pero kita kong nakatitig lang si Gabb kay Ella

"Sige na, Gabb. Baka malate sa flight si Ash, kami na bahala kay Ella" bigkas ni Abby na parang nakapag pagising sa diwa ni Gabb.

GENERAL POV

"Ilang beses na kasi kita pinagsabihan, wag na wag magpapalipas ng gutom" naiinis na bigkas ni Lara sa kaibigan, "Huh? Pero kumain naman kami bago pumunta dito" nagtatakang sambit naman ni Gia

"Baka naman sa acid?" bigkas ni Dana, dali dali namang pumunta si Sela sa may kusina nila para kuhanin ang box kung saan nakalagay ang mga gamot na nakastock habang si Ella naman ay namimilipit parin sa sakit ng kanyang tagiliran, "Dalhin na kaya natin sya sa hospital?" natatarantang bigkas ni Gia

"Ba- w-wag na" pikit saad ni Ella

"What do you want us to do? panoorin ka lang na ganyan ang estado mo?" panenermon naman ni Lara, "Walang gamot for acidity, lets bring her to the nearest hospital" sabi naman ni Sela

Agad agad namang kumilos ang magkakaibigan para madala si Ella sa hospital, "Kaya mo ba maglakad?" tanong naman ni Ecka tsaka inalalayan si Ella tumayo, ngunit agad din itong napaupo at napapikit sa sakit na naramdaman

"Ill carry her" bigkas ni Lara tsaka binuhat si Ella papalabas ng bahay

GIA POV

Nang marating namin ang hospital agad na inasikaso si Ella, she was diagnose with acute acid reflux disease at ngayon ay kasalukuyang nagpapahinga. Its good na nakatulog sya, its hard seeing her experiencing that pain.

"Paano, Gia mauna na kami" napalingon naman ako kay Ecka na biglang nagsalita, tumango ako sakanila tsaka ngumiti, "Salamat!" saad ko sakanila bago pa sila makaalis

"Ikaw na bahala sa makulit na yan ah, update us" nakangiting sambit ni Lara tsaka tuluyang lumabas ng silid at naiwan akong nakatingin lang kay Ella.

Iniyuko ko nalang ang ulo ko, feeling ko drain na drain ang buong katawan ko. Dinaig pa yung pagod na nararamdaman ko after training. Napaangat ang ulo ko ng bigla akong makarinig ng pagbukas ng pinto, "Oh- Gabb" bigkas ko sa pangalan nito

"How's Ella?" tanong nito tsaka naupo sa kabilang side, "She's good, nagpapahinga na" tugon ko sakanya tsaka tinignan ang natutulog na Ella

"I'll go ahead. Its good to know she's in good condition" sabi ni Gabb tsaka tumayo, "Mauna na ko Gia, take care of her" papalabas na sana si Gabb pero tumayo ako at tinawag sya

"Gabb" napatigil sya at agad na lumingon sakin. Gusto kong ibuka ang bibig ko at tanungin sya sa lahat ng meron sakanila ni Ella pero hindi ko magawa, "N-never mind. Ingat ka" ngumiti lang sya sakin at agad na lumabas ng kwarto, napaupo nalang ako agad napatingin nalang ako kay Ella at hinawakan ang kamay nito

GENERAL POV

Makalipas ang dalawang araw, nakalabas narin si Ella sa hospital at ngayon ay kailangan uminom ng mga niresetang gamot ng doctor.

"Oh- bawal ka daw magpalipas ng gutom ha, isa pa, uminom ka lagi ng tubig" pag papaalala ni Lara sa kaibigan, "Lara" tawag ni Ella sakanya tsaka tumingin rito, agad namang tumingin si Lara sa kaibigan

"Magreresign na ko" bigkas nito tsaka ngumiti ng pilit sa kaibigan, "W-what? Bakit?" agad na nagtama ang kilay ni Lara sa narinig mula sa kaibigan, 

"Lilipat na kami" Pilit ngumiti si Ella ngunit bakas sa mga mata nito ang lungkot na agad na napansin ni Lara, "Anong nangyari?" Tanong nito

"Hindi ko din alam kay Inay" napaupo naman si Ella at napabuntong hininga, "Pinagpalit nya agad si Itay"

"You mean, magkakastep father ka?" Bigkas ni Lara sa kaibigan, "Mukhang ganun na nga" malungkot na tugon ni Ella

"Lilipat na daw kami dun sa bahay ng magiging step father ko. Baka lumipat na din ako ng university after this semester" nanlulumo sa kalungkat si Ella kaya naman ay agad na lumapit si Lara upang damayan ang kaibigan, "Dont worry, dadalawin parin kita" nakangiting bigkas ni Lara, napatingin naman si Ella sa kaibigan ng matagal na ipinagtaka ni Lara

"W-whats wrong?" Tanong nito, "Lara, favor naman oh-" agad na hinikawan ni Ella ang mga kamay nito na parang nanghihingi ng malaking tulong

"Wag mo sabihin kahit kanino, lalo na kay Gabb"

-----

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon