Chapter 18

204 24 2
                                    

ABBY POV

"Pasuyo naman ng chips" saad ko tsaka binaling ulit ang tingin kay Sela, "Were friends, kaklase ko sya tsaka kagrupo ko sa isang subject!" Pag papaliwanag ko sa babaeng kaharap ko na ubod ng pagkaselosa

"Then why making a move? Ihahatid pauwi huh? So gentlewoman Abelaine" ilang beses na nya kong iniirapan, dudukutin ko na mata neto eh, "Its late! Madilim sa daan, we dont know kung may biglang gago na susulpot! Ihahatid lang Sela! Ihahatid! May meaning agad yun sayo?" tumaas ang boses ko at nakita kong nagulat sya dun, nauubusan na ko ng pasensya sa babaeng toh

"Then go! Sya nalang yung ihatid mo! Mas priority mo pa sya! Ni ako di mo manlang hinabol!" she's crying and i hate it! Ayokong may nakikitang umiiyak, nasasaktan din ako. Mas lalo na kung taong mahalaga sakin, "Shh, im sorry okay? Hindi na mauulit. Its my fault, sorry na butcho" niyakap ko sya at humalik sa tuktok ng ulo nya, ng may mga hagikgik ng tawa ang narinig ko sa likuran at gilid ko

"Butcho pala ha?"

"Ngayon lang kita nakita na ganyan"

"Napaka UNDERstanding naman ng Abelaine na yan"

Ecka, Lara and Gia, yang tatlong yan talaga ang pinaka asungot sa buhay ko, "Dun na nga kayo, liligaleg nyo ah" pananaway ko sakanila pero patuloy sila sa pangangasar at pag tawa.

"Ella sawayin mo nga si Gia" nginisian ko si Gia at natawa, yung mukha nya kase biglang nagbago na kanina napaka demonyong kaibigan ngayon parang tupa na napaka amo ng mukha, "B-bakit ako" napalingon ako kay Ella na nakaupo sa isang gilid habang punong puno ng pagtataka ang emosyon nya

"Oo nga bakit siya" nagtama naman ang mga kilay ko ng biglang nagsalita si Gabb na kanina pa tahimik. Biglang natahimik ang paligid namin. Palipat lipat ang tingin ko sakanila at ganun din sila, nahuhuli ko ang mga tingin nila na i can say that they feel awkward siguro about dun sa sinabi ni Gabb

"Anyways! Anong gusto nyong panoorin?" biglang saad ni Ecka tsaka tumayo at kinuha ang remote sa lamesa, "Butcho~" paglalambing ko naman sa babaeng nakasimangot sa gilid ko, she's crossing her arms habang diretso lang ang tingin sa tv na wala namang palabas

"Sorry na ha? Please? Bati na tayo" humalik ako sa pisngi nya at agad na nakita ang ngiti sa mga labi nya, "Kisspirin pala sagot eh, Mahal kita okay? Ikaw lang" umakbay ko sakanya at agad naman niyang pinatong ang ulo sa may balikat ko, "Ang langgam langgam naman dito sainyo Abby!" biglang eksena naman ni Dana tsaka naupo sa baba namin ni Sela

GENERAL POV

"Hindi ka ba papagalitan Ba?" tanong ni Gia tsaka naupo sa tabi ni Ella, ngumiti naman si Ella at umiling, "Nagtext ako kay Inay, basta umuwi lang daw ako bukas. Tsaka may trabaho din ako" pagpapaliwanag naman ni Ella

"Hatid nalang kita hanggang sa trabaho mo" masayang pag iimbita ni Gia, na nakapukaw naman ng atensyon ni Gabb na kanina pa masama ang tingin sa dalawa, "N-nako wag na, baka may gagawin ka pa. Kaya ko naman nag commute" nahihiyang saad ni Ella tsaka ininom ang juice na nasa basong hawak nya

"Im going to take a nap" biglang saad ni Gabb tsaka tumayo, "Nahihilo ka?" walang emosyong tanong ni Dana sa kaibigan

"First time mong tutulog sa overnight? At the same time andami mong nainom!" pag gatong pa ni Ecka sa usapan pero binalingan lang sila ng tingin ni Gabb tsaka nagsimulang maglakad palabas at kumuha ng magandang pwesto sa terrice ng bahay nils Abby

"May kwarto naman ah?" takang saad ni Lara kay Ecka pero nagkibit balikat lang ang kaibigan sakanya

ELLA POV

4am

Lahat sila nakatulog na dito sa sala, samantalang ako kanina pa nakaupo dito at kinakalikot lang ang cellphone ko.

"Ang init" mahina kong saad at pinaypayan ang sarili gamit kamay ko pero di parin sapat eh, nakaaircon naman yung salas nila Abby pero bakit banas na banas ako?

Lumingon ako sa may likuran ko at nakita ko na mahangin sa labas dahil gumagalaw ang mga dahon. Tahimik akong tumayo at naglakad palabas at naupo sa isang tabi.

12pm pa naman yung sched na nakalagay sakin sa trabahl tsaka sanay naman akong pumapasok sa trabaho ng puyat... Habang nakatitig sa mga dahon at dinadamdam ang simoy ng hangin, biglang pumasok sa isip ko si Jay. Hindi kaya nag ooverthink lang ako sa mga nangyayari?

Hindi ko napakinggan yung side nya kasi nauna yung takot sakin. Paano kung pinangunahan ko lang pala lahat?

"Tulog sila don, bakit ka nandito?" halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita, agad ko itong nilingon. "H-hindi kasi ako makatulog" binaling ko ulit ang tingin sa mga punong nasa harap ko. Naramdaman ko naman na tumabi sya at narinig ang pagbukas nya ng beer can

"Do you drink?" tanong nya pero umiling ako, "Nope" huminga sya ng malalim at tumango, ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa harapan ko dahil alam ko namang susungitan lang ako ng taong katabi ko

GABB POV 

"So-" magsasalita palang ako pero agad syang lumingon kaya napatigil ako, nakatitig lang kami sa isa't isa ng bigla akong nakaramdam ng kaba na hindi ko maintindihan, bakit ako nakakaramdam ng ganito? "Matutunaw ako Gabb" walang emosyon nyang saad, i stared at her eyes and i saw the pain. Kita mong madami syang dinadala but she keeps hiding it. 

"Hanggang kelan mo kaya itatago yan?" kita ko ang pagtama ng mga kilay nya, well masyado nga palang out of nowhere yung tanong ko, "Anong ibig mong sabihin?" 

"Nevermind" agad naman akong napalunok at ininom ang hawak kong beer. Tumingin nalang ako sa mga punong nag sasayawan.

Bakit ba hindi kana maalis sa isip ko simula ng sabihan mo ko nung gabing yon?

--

A/N: Happy 2k reads! ☺️

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Där berättelser lever. Upptäck nu