Chapter 34

178 24 5
                                    

GENERAL POV

Dahil sa medyo lumalalim narin ang gabi, napag pasyahan ng mag kakaibigan na bumalik na ulit sa resort upang magpahinga, "Lara, may kukunin lang ako sa lobby" pag papaalam ni Ella sa kaibigan, agad namang sumang-ayon sakanya ang kaibigan kaya nakangiti itong lumabas ng silid.

Sa hindi inaasahan ay nandoroon din pala si Coleen, nakaupo lang ito at busy sa pagkalikot ng kanyang cellphone, huminga naman ng malalim sa Ella at dumaan sa harap nito, "Ella" pagtawag ni Coleen sakanya ng mapansin ito

Napalingon naman si Ella sakanya at nagbigay ng tingin na nagtataka, "Come seat here with me" pag aaya nito sakanya tsaka tinapik ang space sa tabi nya. Napatitig si Ella saglit kay Coleen marahil ay napapaisip bakit biglang gumanda ang pakikitungo nito sakanya.

Hanggang sa napag pasyahan narin ng dalaga na maupo sa tabi nito kahit punong puno ng mga katanungan sa sarili.

"What's the status between you and Gabb?" bahagyang nagulantang si Ella sa biglang pagtatanong sakanya ni Coleen tungkol sa kanilang dalawa ni Gabb.

Hindi naman siguro ako third party sakanilang dalawa.

Sa isip isip ni Ella ay siguro nakakaramdam narin si Coleen sa nangyayari sakanilang dalawa ni Gabb, "Magkaibigan lang kami" tugon ni Ella tsaka ito nayuko, iniwas nito ang tingin kay Coleen sa takot na baka saktan sya nito ng pisikal.

"Are you sure about that?" paninigurado ni Coleen tsaka tumingin sa nakayukong Ella, "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ella tsaka tumingin pabalik kay Coleen, saglit silang nagkatitigan ni Coleen, lumakas ang kabog ng dibdib ni Ella at nagulat ng makitang nginitian siya ni Coleen

"I asked Gabrielle earlier kung sino yung gusto nyang halikan this night, and she says your name" mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Ella at agad na hindi napakali sa nalaman kay Coleen, "Mauna na ko" biglang bigkas ni Coleen tsaka tumayo at umalis sa looby

Naiwan namang blangko si Ella at napatulala, "Bakit ako?" tanong nito sa sarili habang nakatingin sa malawak na espasyo sa harapan niya, hanggang sa napag pasyahan nitong maglakad lakad sa sea side ng lugar

May kadiliman ang paligid ngunit naimbsan ito ng ilang mga ilaw galing sa mga resort na nakatayo rito. Tahimik na pinag mamasdan ni Ella ang mga along matatahimik habang taimtim na nakaupo sa mga buhangin.

GABB POV

I can't sleep

Kanina pa ko nakahiga pero hindi ako pinapatulog ng utak ko, samantalang si Coleen ang sarap na ng tulog sa gilid ko. Naupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko.

Flashback

"I know someone who likes color blue" nakangiti kong bigkas habang tinitignan ang hawak kong hairpin na blue, "Talaga ba? Siguro gusto mo yung taong yon" muli akong napatingin sa matanda dahil sa sinabi nya, she's smilling at me kaya ngumiti ako sakanya pabalik

"Hindi po, kaibigan ko lang po yun" pagtanggi ko sa sinabi nya. Nagkatitigan kami ng matagal at hindi ko alam kung bakit ang tagal nya kong tinignan, parang binabasa nya ang utak ko o tinatandaan ang itsura ko? "Alam mo bang yan ang pinaka malaking pagkakamali ko sa buong buhay ko" nagtama ang mga kilay ko sa sinabi niya, parang off topic na kasi yung sinabi nya

"A-ano pong ibig nyong sabihin?" nahihiya kong tanong sakanya, "Yung pilit akong nagbubulagbulagan sa nararamdaman ko"

"Alam mo iha, habang maaga pa. Alamin mo ang tunay mong nararamdaman"

--

Ginulo ko ang buhok ko sa inis at dali daling lumabas ng room.

Bakit ba paulit ulit yon sa utak ko!

Pumunta ako kung saan ko nakausap yung matanda, nagbabakasakaling makikita at makakausap ko ulit sya. Pero pag dating ko don wala akong nakita, kaya napag pasyahan kong bumalik nalang muli sa resort nila Abby.

Habang naglalakad pabalik ay may nakita akong isang babae na nakaupo habang nakatingin sa itaas.

Stars.

Flashback

"Buti pa yung mga bituin noh" napalingon ako sakanya at nagtaka sa mga sinabi nya, "They shine until they die" sunod pa nya, napalingon naman ako sa taas at tinitigan ang mga bituin na nagniningning

"Pag naubusan sila ng Gas, sasabog nalang sila. Then boom they're gone. Forever..." pilit kong iniintindi yung mga sinasabi niya pero wala talagang idea na pumapasok sa utak ko, "Sana ganun nalang din yung mga tao. Pag napagod, pwedeng sumabog para di na maramdaman ulit yung pagod at sakit"

Now i understand what she says

"Makikinig ako" pinagmasdan ko sya kung paano sya tumitig sa mga bituin hanggang sa makita ko ang ngiti nya. Ngiting pilit. Ngiting may bahid ng lungkot, "Andaming bakit na hindi nasasagot" huminga sya ng malalim at tumingin sakin

"Ikaw? Bakit hirap na hirap kang ngumiti?"

--

Huminga akong malalim at dahan dahan na lumapit sakanya, "Why are you here?" bigkas ko at naupo sa tabi nya. Gulat na gulat syang tumingin sakin, "W-wala lang" sagot nya sa tanong ko tsaka iniwas ulit ang mga tingin nya sakin

Ilang beses kana umiiwas.

"May problema ba?" tanong ko sakanya, pero isang titig ang natanggap kong sagot mula sakanya. Hindi ko narin napigilan na mapatitig sa maamo nyang mukha.

Her eyes are warm.

GENERAL POV

Halos kumawala ang puso ni Ella sa lakas ng kabog ng dibdib na nararamdaman nya, "Can i fulfill my wish this night?" Gabb asked and captured Ella's lips

After ten seconds, Ella breaks the kiss at saglita na napatitig sa mga mata ni Gabb, "M-mauna na ko" biglang sambit ni Ella at dali daling tumayo

"G-goodnight" nauutal nitong bigkas bago bumalik sa resort nila Abby, naiwan namang nakangiti si Gabb at pinagmasdan ang pagbalik ni Ella sa resort.

Im starting to realize everything.

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora