Chapter 31

188 26 0
                                    

GENERAL POV 

"What do you mean? Baka naman namalik mata ka lang" pagsuway ni Ella kay Frances. "Im telling the truth noh, I saw them yesterday. Ngiting ngiti pa nga yung babae habang nakahawak kay Gabb"

"Malay mo naman kamag anak" napaface palm nalang si Frances at tumingin kay Ella ng seryoso, huminga muna ito ng malalim tsaka kumuha ng fries tsaka ito sinubo, "Ay iba kana talaga Ate, hibang kana malala" 

"Ginayuma kaba ni Gabb? Gising gising aba! Ilang beses ba kita sasabihan para magising ka?" umiling iling nalang si Ella at tinakpan ang mga tenga nya, "Buhay na nya yun, magkaibigan nga lang kami, ang kukulit nyo"

FIVE DAYS BEFORE SEMESTRIAL BREAK IS OVER

"Gago! Bakit naman pati si Ella!" panenermon ni Abby kay Gabb, kasalukuyan silang nasa kwarto ni Abby, "Im not doing anything!" depensa naman ni Gabb sa sarili tsaka relax na naupo sa sofa 

"May nakakita sayo na madalas ka sa lugar na pinag stay-an ni Ella" seryosong bigkas ni Abby habang hindi inaalis ang mga tingin kay Gabb, napangiti naman si Gabb sa sinabi ng kaibigan nya tsaka binuksan ang beer can na hawak niya. 

"Relax guys! Mukha nyo naman akong papatayin nyan, Magkaibigan lang kami ni Ella" ta-tawa tawang saad ni Gabb sa mga kaibigan nya, "Pang ilan sya sa friends mo?" pabirong saad ni Ecka kaya't napatawa si Gabb at umiling iling 

"Dont be a fool Gabb, Ella is not good for that play" seryosong bigkas sakanya ni Lara habang nakatoon ang tingin sa librong hawak niya, "Gusto mo ba sya?" tila bang may dumaan na anghel sa silid at ang anim na magkakaibigan ay natahimik at ang lahat ng atensyon nila ay napukaw ni Dana sa biglang tanong nito kay Gabb.

"What kind of question is that?" sambit ni Gabb na sinundan ng pagtawa, "Bestfriend si Ella ng namatay kong kambal. On behalf of my sister, im helping her to fulfill their wish together" depende nito tsaka tinignan ang hawak niyang beer

"So hindi mo sya gusto? Then better not do anything that could ruin your relationship to her" unti unti namang nawala ang mga ngiti sa labi ni Gabb habang nakatingin sa beer can na para bang may iniisip, "Mauna na ko" 

Biglang tayo ni Gabb at dire-diretsong lumabas ng silid ni Abby. Naiwan namang nagtataka ang limang magkakaibigan sa inasal nito. 

ELLA POV 

Napagpasyahan kong pumunta sa isang mall na malapit dito sa dorm ko, wala narin ako magawa sa dorm kaya napag isipan kong mas mabuti kung libangin ko ang sarili ko. 

Tahimik lang akong nagmamasid sa mga gamit na nakadisplay, window shopping ika nga. Hanggang sa napansin ko ang isang dream catcher.

FLASHBACK 

"If you have a problem, write it on a paper tsaka mo ilagay sa dream catcher" tanda kong pagkakasabi nya. I asked her what is the purpose of it. She said lang na to help me from fighting from my own battles.

--
I bet she has a lot of dream catcher in their house. A collection to be exact.

"Ella?" agad akong napalingon sa likuran ko ng may tumawag sa pangalan ako. Its coleen, "What are you doing here? Bakit mag isa ka lang?" hindi ko ba alam kung sarkastiko ba ang pagkakasabi nya or naaawa sya kasi mag isa lang ako, pero mag isa lang din naman sya ah. Wala naman akong nakikita na kasama nya. 

Ngumiti ako sakanya at bahagyang tumango, "Im with Gabb" nakangiti at proud na proud nyang bigkas, tumango nalang ako sakanya at ibinaba ang hawak kong dream catcher. "Hmm dream catcher, i bet Gabb gave you one" how does she know na binigyan ako ni Gabb?

She fixes her hair at agad kong napansin ang suot nyang bracelet. Kay Gabb ba yun or parehas sila? Couple bracelet? Pero Gabb explained to me na diy yung bracelet nya. 

"Mauna na ko, i bet Gabb is searching for me" she prepared herself para umalis pero pinigilan ko sya, "Teka lang" 

"K-kayo ba ni Gabb?" tanong ko sakanya, para syang natigilan at napatitig sakin na parang nag iisip ng maisasagot, "We are" she smiled at me na parang kinaawaan ako tsaka umalis sa harapan ko

I guess its all just a play.

Huminga ako ng malalim at agad na lumabas ng mall na yon. Naglakad lang ako hanggang sa sakayan ng may isang pamilyar na tao ang natanaw ko sa malayo, "Baba?" nanliit ang mga mata ko at pilit na tinititigan ang tao sa kabilang kalsada ng biglang may isang truck na dumaan at bigla syang nawala sa paningin ko

Baka namalik mata lang ako.

Biglang may dumating na sasakyan kaya agad na kong sumakay dito at bumalik sa dorm ko, hindi naman ako masyado na ikot sa mall, halos 20 minutes lang ang tinagal ko don, Pero bakit parang feeling ko nadrain ako.

Maybe i should confront Gabb?

"Huh bakit naman pati ako?" kausap ko ngayon si Lara thru video call, halos mag alas doses na kaso bigla syang tumawag, "Napag utusan lang, pero sama ka ha? Sunduin kita bukas" after she said that, bigla nalang nya binaba yung tawag kaya di na ko nakapingol pa sakanya. 

Inayos ko nalang ako sarili ko at handa na sanang matulog ng biglang nagvibrate ang cellphone ko, "See you tom" basa kong text ni Gabb sakin

I didnt respond to her text at agad na binaba ang phone ko, i just closed my eyes hanggang sa makatulog ako.

GENERAL POV

"Bakit ang awkward ata ng atmosphere?" pagloloko ni Ecka pero tingin lang ang binigay sakanya ng mga kaibigan niya, "Old and New, i bet you didnt wish that situation" sarkastikong saad ni Abby habang nakangisi kay Gabb na napagigitnaan ni Ella at Coleen.

Kasalukuyang nasa byahe sina, Ella, Lara, Abby, Sela, Ecka, Dana, Gabb at Coleen. Napag pasyahan nilang mag punta sa beach resort na pag mamay ari ng pamilya ni Abby para maenjoy ang natitirang araw ng kanilang Semestrial Break.

"Lara paabot naman ng tubig" hindi mapakaling saad ni Ella at pilit na inaayos ang sarili, "Whats wrong?" nag aalalang tanong sakanya ni Gabb

"Babe, my tummy hurts" biglang reklamo ni Coleen kay Gabb, ngunit ang buong atensyon ni Gabb ay nasa di mapakaling Ella, "Babe i said my tummy hurts" pag ulit ni Coleen tsaka nito ipinulupot ang sarili sa braso ni Gabb na nakakuha ng atensyon ni Gabb

"Ella dito kana sa tabi ni Lara, baka nahihilo ka dyan sa likod" pag prisinta ni Ecka na agad namang mas nakakuha ng atensyon ni Gabb, "H-hindi na. Okay na ko dito" nahihiyang sambit ni Ella

"Seat with Lara,Ella. Its for you na din yon" nakapikit na saad ni Abby na ikinakunot ng noo ni Gabb, "Kuya pahinto po saglit sa may Gas station" bigkas ni Dana 

Agad namang tinupad ng driver nila ang sinabi ni Dana na tumigil sa una nilang makikita ng Gas Station, "Mag cr na yung gustong mag cr. Buy snacks if you want,  Fifteen minutes balik na tayo sa byahe" saad ni Abby tsaka lumabas ng sasakyan kasama si Sela. 

Tumayo naman si Ella sa kinauupuan nito at lumabas ng sasakyan tsaka nag unat ng katawan, "Ella" pagkuha ng atensyon ni Gabb sa dalaga na agad din syang nilingon, "Do you want to grab some snacks?" nakangiti nitong pag aaya sakanya 

"I want snacks babe" biglang sulpot ni Coleen sa pagitan ng dalawa at nakangiting pumulupot sa braso ni Gabb, "N-no thank you" umiiling na sambit ni Ella, unti-unti namang nawala ang mga ngiti ni Gabb at nagpadala sa hila ni Coleen papalayo kay Ella. 

--




Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Where stories live. Discover now