Chapter 33

170 26 2
                                    

GENERAL POV

6pm

"Lasing kana agad?" pangangasar ni Ecka kay Dana, "Who wants to drink with me!!" sambit ni Dana tsaka itinaas ang shot glass, ngunit walang pumansin sakanya dahil halos lahat ng kaibigan niya ay may kanya kanyang ginagawa.

Abala sa pag iihaw si Lara at Ella samantalang si Abby at Sela naman ay may sariling mundo, si Coleen at Gabb naman ay nakaupo sa isang gilid, "See! Im so lonely!"

"Negats kana hoy" saway ni Ecka sakanya tsaka inagaw ang hawak nitong shot glass, "Ang tagal naman ng pagkain!" parang batang pagrereklamo ni Dana

Ilang minuto ng pag luluto ay natapos na si Ella at Lara sa kanilang gawain kaya't ang magkakaibigan nagsiupo sa lapag at pumabilog sa table kunsaan nakahanda ang mga pagkain, "Lets eat! Pag tapos neto, punta tayong sea side" saad ni Abby sa mga kaibigan

Nagsimula na silang kumain hanggang sa makaramdam na sila ng busog. Nagpahinga muna sila saglit tsaka nagtungo sa sea side gaya ng pag aaya sakanila ni Abby.

Nagtayo sila ng isang bonfire at pumalibot sila rito, "Oh- asan yung alak?" unang bigkas ni Dana ng makaupo sila sa mga buhangin, "Lasing kana nga alak pa din!" pangangasar ni Lara sakanya

"Di ako lasing noh, teka kunin ko lang" agad na tumayo naman si Dana at kinuha ang mga alak. Tahimik namang nagmamasid si Ella sa mga kaibigan ng biglang magtama ang mga mata nila ni Gabb, sampung segundo ang tinagal ng kanilang titigan

"Gabb, Babe i want some melons" biglang basag ni Coleen

Lumipas ang isang oras, nakailang bote narin ng alak ang magkakaibigan at unti unti na nilang nararamdaman ang pagkalasing, "Ang boring na, lets play a game guys!" biglang sambit ni Ecka

"What kind of game" tanong ni Sela habang nakapatong ang ulo sa balikat ni Abby, "Whisper game" tugon naman ni Ecka na hindi agad naintindihan ng mga kaibigan

"Anong whisper game? Baka pass the message?" saad naman ni Lara, "Hindi! For example bumulong ako kay Lara na sino ang pinaka panget dito sa circle tapos isasagot ni Lara yung pangalan ni Dana ng malakas tapos kung sinong gusto makaalam nung binulong ko, kailangan nyong mag shot!" pagpapaliwanag ni Ecka, agad namang nagtawanan ang lahat dahil sa huling mga salitang binitawan ni Ecka sakanila

"Hoy! bastos bunganga mo ha! Halika ka nga dito" agad ni sinugod ni Dana si Ecka at pinaghahampas ito, habang ang lahat ay natatawa lang habang pinagmamasdan ang dalawa sa pagkukulitan

LARA POV

"Ako muna mauuna okay?" sabi ni Ecka ng makaayos sya, ang liligaleg talaga nila ni Dana kapag nalalasing swear!

Agad namang may binulong si Ecka kay Sela na katabi nya, kita kong napangiti agad si Sela. Nakakacurious pala tong laro na toh, kung chismosa ka talagang malalasing ka talaga "Abelaine" bigkas ni Sela tsaka tumingin kay Abby

"Hoy! Ano yung tanong!" biglang bulyaw ni Ecka, see napaka chismosa talaga ng babaeng toh, inabutan naman sya ni Dana ng isang basong alak na agad din naman ininom ni Ecka na parang tubig

Basta chismis ang bilis

"Ahh~ kung sino daw yung pinaka hot dito" bigkas ni Ecka na ikinalaki ng mga mata ni Sela, "Hoy! Akala ko ba bulong lang bakit brinodcast mo!" inis na inis na saad ni Sela kaya napatingin ako kay Abby na nakangisi

"Mukhang nakita na natin ang mapa ah" pagbibiro ni Gabb kaya natawa kaming lahat, "Ang daya naman kalaro ni Ecka!" Parang batang nagmamaktol na saad ni Sela tsaka sumandal sa upuan nya

ELLA POV

Tahimik lang akong nagmamasid sakanila, sa totoo lang ang saya saya nila kasama. Hindi ko lubos akalain na makikilala ko sila. They made my college life even better.

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya't agad ko itong tinignan, "E-eh!" napalakas ang boses ko kaya't nagtinginan sila sakin.

Gia chatted me.

"Ano yun! Anong meron?" biglang usisa ni Ecka pero hindi ko na ito napansin dahil agad akong napatayo at nilingon ang mata ko sa paligid, "Your shirt makes you even attractive, lalo na yang mga ngiti mo :)" yan ang basa kong text ni Gia sakin, Does it mean nandito na sya sa pilipinas!?

How come!?

"Huy Ella ano ba yun? Okay ka lang?" tanong sakin ni Lara kaya napatingin ako sakanya habang nangingilid ang mga luha ko sa mata, pinaupo nya ulit ako tsaka hinawakan ang likod ko, "May bad news ba? Huy magsalita ka" tanong ulit ni Lara habang punong puno ng pag aalala ang emosyon nya kaya't napatingin ako sa paligid ko. All of them are staring at me

"S-si Gia" bigkas ko tsaka inilibot muli ang mga mata ko sa paligid, "Anong si Gia? May nangyari ba sakanya!?" nag aalalang bigkas ni Abby sakin kaya umiling agad ako sakanya

"I-i think nandito na sya sa pinas" sambit ko sakanila, agad kong nakita ang paglaki ng mga mata nila. Mukhang wala din silang mga alam tungkol dun, "Paano mo nasabi?" biglang saad ni Gabb kaya napatingin ako sakanya pero agad ko rin itong iniwas

"Alam mo Ella, lasing ka na siguro. Malabong nandito si Gia, dun nga sya magtatapos diba? Tsaka kung totoo man na nandito sya for sure sasabihan nya ko. Im her bessy kaya" sabi naman ni Sela, kaya mas lalo akong napaisip. Hindi kaya may nakita lang syang post? Kasi for sure nag post na sila Dana about dito sa ganap namin

Tama, baka nag ooverthink lang ako na nandito na ulit sya.

"Baka naman may nakita lang na post, for sure kasi may post na sila Ecka tungkol dito sa outing natin" pagpapaliwanag naman ni Abby kaya napatango agad ako, parehas kami ng naiisip. "Sya! Tuloy ang laro!" biglang tayo ni Dana at energetic na sinabi ito

Makalipas ang mahigit kalahating oras, naglalaro parin sila pero napapatulala ako at napapaisip sa biglang pagpaparamdam sakin ni Gia, sinubukan ko narin tawagan yung account nya pero di naman sinasagot, "Okay Coleen, ikaw naman" biglang bigkas ni Lara kaya napatingin ako sa gawi nila. Coleen smiled at agad na bumulong kay Gabb.

"Ella" napatingin ako agad sakanya ng banggitin nya ang pangalan ko, "Ay gusto ko malaman yan"

"Ako din teka" Sela, Ecka, at Dana sabay sabay silang lumapit kay Coleen para malaman kung ano ba ang tinanong nya kay Gabb. Nagkatitigan kami ni Gabb pero iniwas ko ito agad.

"Sabi ko na eh!" tuwang tuwa na sabi ni Sela tsaka bumalik sa upuan katabi ni Abby, huminga nalang ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko

Dapat ko na ba talagang tapusin?

Pero bakit parang pilit mo kong pinipigilan?

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon