Chapter 19

202 28 3
                                    

GABB POV

Flashback

The night na hinatid ko si Ella sakanila.

10am

Nasa labas lang kami ng bahay nila. Pinauna ko na umuwi si manong. Bahala na mamaya kung paano umuwi. There is one thing na pumipigil sakin pauwi at hindi ko ito maintindihan.

"Hindi kaba hahanapin sainyo?" rinig kong saad ng katabi ko habang patuloy na tumitingin sa mga bituin sa langit. Madilim sa paligid namin, dahil narin sa walang street lights pero ang liwanag ng buwan ang nagdadala ng liwanag sa paligid.

"Nope" tipid kong saad, Hindi naman talaga ako hahanapin eh, kahit nga di na ko umuwi, mga walang pake yung tao sa bahay. All they do is to work and work till die. 

"Buti pa yung mga bituin noh" napalingon ako sakanya at nagtaka sa mga sinabi nya, "They shine until they die" sunod pa nya, napalingon naman ako sa taas at tinitigan ang mga bituin na nagniningning 

"Pag naubusan sila ng Gas, sasabog nalang sila. Then boom they're gone. Forever..." pilit kong iniintindi yung mga sinasabi niya pero wala talagang idea na pumapasok sa utak ko, "Sana ganun nalang din yung mga tao. Pag napagod, pwedeng sumabog para di na maramdaman ulit yung pagod at sakit" 

Now i understand what she says

"Makikinig ako" pinagmasdan ko sya kung paano sya tumitig sa mga bituin hanggang sa makita ko ang ngiti nya. Ngiting pilit. Ngiting may bahid ng lungkot, "Andaming bakit na hindi nasasagot" huminga sya ng malalim at tumingin sakin

"Ikaw? Bakit hirap na hirap kang ngumiti?" parang sinaksak ang puso ko sa tanong nya. Bumalik lahat ng ala ala ko. Yung trauma ko nung bata.

When i was young, wala pa si Danny that time. My dad always locked me at my room. They didnt gave me a chance to enjoy my childhood. Nakakalabas lang ako pag dadalaw ang grandparents ko. Dad lied to me. Pinaniwala nya ko na may sakit ako before pero ang totoo, tinatago lang nila ako because of their fucking business. Hindi ko alam kung bakit ingat na ingat sila sa pangalan nila na even their daughter have to suffer.

Natigil lang yun when Mom got pregnant. Dun sila napilitan na ilabas ako. After that trauma in my life. Nawalan na ko ng gana sa lahat. Even my dad. Wala akong ka-amor amor sakanya. Nagsorry na si Mom sakin dati palang kaya napatawad ko na sya. Marunong naman akong umintindi eh. Hindi ko lang talaga matanggap. Until now, kahit salitang pasensya wala akong naririnig sa tatay ko.

"Gabb andito ako" naramdaman ko ang pag hawak nya sa kamay ko.

Umiiyak na pala ako.

"Its okay, lahat ng tao may pinagdadaanan" inabot nya ang isang panyo na agad ko itong kinuha.

"Lagi mong tataandaan Gabb, kahit gaano pa kabigat yang nasa dibdib mo. Wag na wag mong kakalimutan na may taong kaya kang intindihin"

"Ngumiti ka lang Gabb. Wag mo hayaan na lamunin ka ng past mo. Nasa present kana. Iwanan mo lahat ng nasa likod mo at mag focus sa harapan"

"Kung feeling mo walang nakakaintindi sayo. Gabrielle andito ako"

--

Hindi kita maintindihan nung gabing yun. Ang panget ng una nating pagtatagpo. Ive hurt your feelings. Pinahirapan at ininis kita dahil gusto ko makaganti, pero bakit sa lahat ng ginawa ko sayo nagsisisi ako. Im a stranger to you. Stranger ka para sakin, pero bakit parang kilalang kilala mo ko?

"Gabrielle" napapikit ako ng dalawang beses at napansin na nakatingin na pala sakin ang taong katabi ko, "Kanina ka pa tulala, siguro di mo narinig yung mga sinasabi ko"

"Sorry, what is it?" agad naman akong napalingon sa likod dahil narinig ko ang pag bukas ng pinto, "Tara na, Ba" nakangiting bungad ni Gia at inilahad ang kamay kay Ella

"Una na ko" ngumiti sya sakin tsaka inabot ang kamay ni Gia

GIA POV

Agad kong nakita ang pag irap ni Gabb bago kami umalis, "Sarap dukutin ng mata talaga kahit kelan" asik ko bago hinila si Ella papasok ulit sa salas nila Abelaine 

5am

"Abby, hatid ko muna si Ella" nahuli ko namang napatingin si Sela sa mga kamay namin ni Ella kaya napabitaw ako, "Bessy~" tawag nya sakin at nag crossed arms, nakangiti syang lumapit sakin at hinila ang tenga ko papalayo kina Ella 

"Aray ko! ARAY! SELA!" agad akong napahawak sa mga tenga teka, kahit kelan talaga napaka bigat ng kamay ng human egg na toh, "Ano yung nakita ko?" tinatarayan nya ko ng malala habang ako patuloy sa pag himas sa tenga ko, parang sinunog sa hapdi 

"Ano ba yun! Kahit kelan talaga! Puputulin ko kamay mo eh" sumbat ko sakanya pero isang headlock ang natamo ko, wrong timing pala pag sagot ko 

"T-tek- Sela! Hind- *cough" bumitaw sya at agad akong umubo-ubo, lintek papatayin ba ko neto? 

"Magkaholding hands kaya kayo! Kita ko yun! Ano toh? Others na ko sayo? Sino na ba nakakaalam? Bakit hindi ako yung unang nakaalam? Andaya daya mo! Akala ko ba ako lang pagsasabihan mo sa mga bagay na yan ? Mukhang alam nga ni Abelaine eh! Nauna pa sila kesa sakin!" napanganga nalang ako sa mga sinumbat nya sakin, daig pa nya machine gun sa bilis ng bunganga nya, "Kumalma ka nga!" napailing nalang ako at tumawa sa reaction nya, huminga ako ng malalim at pinisil ang pisngi nya, kaya sinamaan nya ko ng tingin at ngumuso na parang pato 

"Walang may something samin, yung nakita mo kanina. Hinila ko kasi sya" pag papaliwanag ko pero mukhang di sya naniniwala kaya napaface palm ako, "Alam mo naman na may gusto ako kay Ella diba? Hello? One sided palang tayo" bigkas ko pa kayat binagsak nya ang mga balikat nya at umakbay sakin 

"Ako mauuna sa mga chismis mo in life ha? Para saan pa yung tawagan natin na bessy kung ichichismis mo agad yung buhay mo sa iba" 

--

A/N: Kamusta kayo? Drop your tiktok accounts! Lets be mutual hihi! 

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora